Nagising ako dahil sa pagtawag sa akin ni Kuya Anthony. Kumatok pa siya ng ilang beses kaya nagising na nang tuluyan ang diwa ko.
"I'm up!" inaantok na sigaw ko para marinig niya dahil nasa labas siya.
Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at nagsuklay. Para akong sinabunutan, e.
Si mommy ang bumungad sa akin nang makalabas ako ng kwarto. Nagulat siya nang makita ako pero ngumiti rin naman agad.
"Mommy..." Nanlalambing na lumapit ako sa kaniya. "Na-miss kita."
"Aw... ang bunso ko, nanlalambing," natatawang sabi niya sa akin.
Inaayos ni mommy ang hapag-kainan para makakain na kami. Wala kasing katulong sa bahay na 'to kaya naman sila ang gumagawa ng lahat kapag nandito sila.
"Bakit hindi mo nga pala kasama ang kuya mo?" biglang tanong ni mommy kaya natahimik ako bigla dahil hindi ko alam ang isasagot ko!
Pasikretong tumingin ako kay kuya at tinanguan niya naman ako. Sa ganitong sitwasyon ay pagtatakpan niya ako— kami ni Jake.
"Na-miss ka lang talaga ng anak mo, tita," nakangiting sabi ni kuya para iwas suspicion. "Alam mo naman po na habol sa 'yo 'yan," biro niya pa.
Mom smiled. "I see... But I'm sorry darling, we have a meeting tomorrow and I can't be with you."
Okay lang po. Sanay naman na ako.
"I understand. Besides, I need to go back to school tomorrow."
"You'll bring your car?" Tito Anthon asked.
Tumango naman ako agad. Kasabay din namin mag-dinner sina tita. Kakauwi lang din nila. Nagkaroon lang kami ng kaunting kwentuhan bago matulog.
Nang mag-umaga na ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo at magbihis. Balak ko sanang maya-maya pa umalis kaya lang naalala kong mahaba pa ang byahe.
"Aalis ka na?" tanong ni kuya habang may pinipindot sa laptop sa niya.
Lumapit ako sa kaniya. "Yes po. Pakisabi na lang kay mommy, tulog pa siya, e."
"Okay, take care, ha! Hindi na ako makakasabay dahil sasamahan ko muna si mama," ani niya bago tumayo at lumapit sa akin. I hugged him before leaving.
Sweet ni Kuya Anthony, 'no? Buti pa siya. Si Jake kasi ay walang alam sa pagiging kuya. Ang alam lang ng lalaking 'yon ay magalit!
Dinala ko na ang kotse ko para hindi ko na kailangang sumabay kay Jake tuwing papasok at uuwi!
Nag-stop ako saglit sa isang coffee shop para hindi ako antukin habang nagda-drive.
Walang traffic kaya maaga akong nakarating sa school. Mabilis din kasi akong magmaneho kaya nakarating ako agad— isa sa reason kung bakit ayaw nilang nagda-drive ako. Hindi ko naman kasalanan na namana ko ang pagiging racer ni daddy.
Kumpleto na ang mga kaklase ko nang makarating ako. Agad silang nanahimik nang makita akong pumasok ng classroom— except kay Austin na agad tumili at tumakbo palapit sa akin.
"Jade!" Mabilis pa kay Flash na nakalapit siya sa akin at niyakap ako. Bahagya pa akong napaatras dahil doon.
Mabilis naman akong kumalas sa pagkakayakap niya. I awkwardly smiled at him. Hindi ako sanay!
"Sorry," nahihiyang sabi niya at umatras para magkaroon kami ng distansya.
"No. It's okay," balewalang sabi ko at pumunta na sa upuan ko. Sumunod naman siya agad sa akin. Para tuloy akong may bunsong kapatid dahil sa kaniya!
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...