Kabanata 21

3.8K 187 4
                                    

It's been weeks and I still haven't seen Michael. Ngayon na rin ang araw ng laban namin. Kinausap lang ako nang matino nina Austin noong hindi ko na hinahanap si Michael kaya alam kong may alam sila kung bakit hindi napasok 'yung isa!

Nung mga nakaraang linggo naman ay patuloy pa rin sina Shawn sa pagpupumilit sa aking umalis sa section nila. Ilang beses din nila akong ginawan ng kalokohan! Nakailang palit na rin ako ng upuan dahil sa kanila. Araw-araw na atang sira ang upuan ko! Ilang beses na ring nagkaroon ng suntukan dahil pilit silang inaawat nina Austin.

Nakakapagod sila!

Si Mommy ay wala pa rin dito sa bahay. Nauna pang umuwi sina Kuya Anthony. Hindi naman nila sinasabi sa akin kung bakit wala pa ang Mommy ko. Parang may tinatago sila, e. Nararamdaman ko!

"Galingan niyo, ha," nakangiting ani ni Tita habang palabas kami ng bahay ni Jake. Sayang lang at hindi sila makakanood dahil bawal.

Tahimik na sumakay ako sa kotse ni Jake. Balak ko sanang gamitin ang kotse ko pero tinamad ako kaya h'wag na lang. Baka antukin lang ako habang nagda-drive.

"Hindi ka ba nilalamig? Magsuot ka kaya muna ng jacket," sabi ni Jake habang kinukuha ang jacket niyang nasa backseat. "Ang ikli pati ng short mo," dagdag niya pa.

"May short bang mahaba?" tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Totoo naman, ah! May short bang mahaba? Wala!

Bumaba agad ako nang tumigil na ang kotse. Marami na agad tao kahit maaga pa.

"Una na ako," paalam ko kay Jake.

Binalik ko na sa kaniya ang jacket niya dahil hindi naman na ako nilalamig. Tumango siya at lumapit na sa girlfriend niyang nag-aantay sa kaniya.

Tumakbo na ako papunta sa building namin dahil may mga tumitingin na sa akin habang naglalakad ako kanina!

"Hi, Jade!" sigaw ni Austin nang makitang tumatakbo na ako paakyat.

Nginitian ko lamang siya at nakitang pumasok na siya ng classroom. Akmang papasok na rin ako nang bigla akong hilahin ni Daryl.

"Kinakabahan ka ba?" nang-aasar niyang tanong kaya umirap ako.

"Bakit naman ako kakabahan?" masungit kong tanong.

He shrugged his shoulders while smiling widely at me.

"You'll cheer for me, right?" tanong ko at gusto ko na lang tumalon sa building nang mapagtanto ko ang sinabi ko! I asked that question as if my play will depend on his cheer!

His smile grew wider. "I'll cheer for you. We will." Ginulo ang niya ang buhok ko kaya lalo akong nainis.

Okay naman na siguro kami ni Daryl? I mean, 'yung relasyon namin. Hindi naman na kasi kami nag-aaway ngayon. Paminsan-minsan din akong pumupunta sa bahay nila para dalawin si Tita Jacky dahil minsan ay hinahanap niya ako para lutuan ng pagkain na paborito ko.

Dahan-dahan na rin siyang nagkukuwento tungkol sa nakaraan naming dalawa. Iyong mga hilig naming gawin dati, 'yung mga lugar na paborito naming puntahan at marami pang iba. Inuunti-unti na niya rin ang pagkukuwento tungkol sa nangyari sa amin noong nabangga ako. Sinubukan niya raw akong dalawin noon sa ospital na pinagdalhan sa akin pero wala na raw ako roon.

Kaya niya raw ako nakilala ay dahil lumipat sila noon sa Pampanga para samahan ang grandparents niya na roon din nakatira. Kami naman ay doon talaga nakatira, lumipat lang sa Manila para mag-aral.

"Volleyball players? Please, get ready." Narinig na namin ang speaker kaya nag-ayos na ako.

Nang makapag-ayos ay lumabas na ako ng classroom. Mamaya pa sila pupunta roon pero sure naman akong susunod sila! Sa school namin gaganapin ang laro kaya ang daming nakakalat na estudyanteng taga-ibang school. Mga taga-Olivar University, to be specific.

The Only GirlWhere stories live. Discover now