Emerald Jade
Nang magising ako ay ang pamilyar na amoy ng hospital na naman ang sumalubong sa akin.
Saglit akong napatitig sa puting kisame. Palagi na lang ba akong magigising sa lugar na ito?
Napatingin ako sa gilid ko nang mapansing may nakahawak pala sa kamay ko. Kumunot ang noo ko nang makilala kung sino ang taong 'yon.
"Daryl?" I tried waking him.
"Daryl," tawag ko pang muli sa pangalan niya.
Pagod ang itsura niya at mukhang kakatulog lang. Siya kaya ang nagbantay sa akin?
Unti-unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ako agad ang unang hinanap no'n.
"Oh, you're already awake." He smiled.
"Where's mom?" agad kong tanong.
"Urgent meeting daw. Ako muna ang nagbantay sa 'yo. 'Yung kapatid mo kasi ay pumasok," sagot niya naman agad sa akin.
Yeah, right. It's Tuesday.
"You? Aren't you going to school?" kunot-noong tanong ko dahil parang wala siyang balak pumasok!
At tama nga ako dahil umiling siya.
"Wala kang kasama," mahinang sabi nito.
Humiga na lang akong muli. Napatitig ako sa kisame dahil nakakaramdam ng gutom. Kailan ba ang huling kain ko?
Biglang tumunog ang tiyan ko kaya napatingin ako kay Daryl na ngayon ay nangingiti habang nakatingin sa akin.
"Dito ka lang. Bibilhan kita ng pagkain," natatawang sabi niya kaya umirap ako.
Bwisit! Nakakahiya!
"May nakakatawa ba?" masungit na tanong ko para takpan ang kahihiyang nararamdaman.
"Okay, sorry." Maingat niyang inalis ang pagkakahawak sa kamay ko. "Mabilis lang ako."
Tumango ako at pinanood siyang lumabas ng kwarto.
Bakit parang masyado siyang mabait sa akin ngayon? May nangyari ba na hindi ko alam?
May naaalala na ako pero hindi pa lahat. Hindi pa buo. Alam kong may kulang pa rin. Pero at least, sure na akong magkaibigan nga kami noon.
Alam na kaya niya ang tungkol sa bagay na iyon? Alam niya na kaya na ako ang kaibigan niyang 'yon?
"Here..." Maingat niyang inilagay sa kama ko ang mga dala niya. "Eat this and drink your medicine after."
Napanguso ako nang makita ang mga pagkain na dala niya. Puro gulay!
"What's with the face? Hanggang ngayon ba ayaw mo pa rin sa gulay?"
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi agad nakapag-react. Alam niya ang bagay na iyon- of course, alam niya! Alam niya iyon dahil nga close kami noon.
At dahil alam niya ang tungkol doon... ibig sabihin ay alam niyang kaibigan niya ako noon.
"Maghahanap sana ako ng ibang pagkain pero sabi ng doctor mo ay 'yan muna," nakangiwing sabi niya na parang natatakot sa akin dahil nakatitig ako sa kaniya.
Kahit napipilitan ay inubos ko ang pagkain na 'yon dahil kailangan kong uminom ng gamot para hindi na sumakit ang ulo ko dahil ako lang din naman ang nahihirapan!
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...