Umuwi rin ako agad pagkatapos mag-awards ng winners. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na bumalik sa mga kaklase ko dahil tinawagan ako ni Kuya Anthony.
"Jade," salubong ni kuya nang makarating ako.
"Anong sasabihin mo, Kuya?" tanong ko sa kaniya.
Umupo ako sa mahabang sofa. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba.
"Uuwi ang Mommy at Daddy mo bukas dito." Napahilot siya sa sintido. "Baka hindi ka muna makapasok."
Napalitan ng pagtataka ang tingin ko sa kaniya. Puwede namang kausapin ako nina Mommy pagkatapos ng school, 'di ba? Ayaw nilang uma-absent kami, ah?
"Huh? That's new, akala ko ba ay ayaw nilang lumiliban kami sa klase?" kunwaring natatawang sabi ko para hindi mahalata ang kabang nararamdaman.
"Ano ba talagang meron?" tanong ko sa normal kong boses para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.
Nagkibit-balikat siya bago bumuntonghininga. "Hindi ko rin alam. You should rest, Jade." He smiled before messing my hair.
Kunwaring umirap ako kaya natawa siya. Nagtungo na ako sa kwarto ko para sana maligo at magpalit ng damit kaya lang ay nakasalubong ko si Jake kaya ang nangyari, agad ko siyang tinulak papasok sa kwarto ko. Siya naman na ang nagsara ng pinto pero dire-diretso siyang umupo sa kama ko.
"Wow. Kwarto mo?" sarkastikong tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
Umirap lang siya sa akin at humiga sa kama. Nanatili ang mga mata niya sa kisame. Pakiramdam ko tuloy ay may problema siya.
Bumuntonghininga ako. "May alam ka ba kung bakit ako kakausapin nina Mommy?" tanong ko sa kaniya habang naghahanap ng damit sa closet.
"Hindi ko alam. Baka tungkol lang sa school," pabulong na sagot niya.
Ano namang meron sa school? Wait. Alam na ba nila?
"Hoy, teka! Nagsumbong ka ba kina Mommy?" tanong ko at tumalon sa kama para komprontahin siya.
May ugaling sumbungero pa naman ang lalaking 'to.
"Tanga. Hindi." Nagtalukbong siya ng kumot dahil sa akin.
Defensive! Halatang nagsumbong!
Pumwesto ako sa dulo ng kama para hilahin ang kumot ngunit mahigpit niyang hinawakan iyon.
"Hoy, tangina mo! Kapag ako talaga pinalipat ni Mommy ng school, malilintikan ka sa 'kin!" sigaw ko habang hinihila pa rin ang kumot pero ayaw niya talagang magpatalo sa akin!
"Matulog na nga kayong dalawa!" Tumigil ako nang marinig ang sigaw ni Kuya Anthony mula sa kabilang kwarto, halatang naiinis na.
"Kumag, balik na sa kwarto mo," bulong ko at baka puntahan pa kami ni Kuya Anthony dito dahil sa sobrang inis!
"Ayaw. Tinatamad na 'ko," inaantok niyang sagot kaya napabuntonghininga ako.
Mas okay pa palang nag-aaway kami kaysa ganitong hindi ko siya mapaalis sa kwarto ko dahil lang inaantok! At isa pa, nararamdaman ko ring parang may dinadala siya ngayon dahil sa bigat ng bawat pagbuntonghininga niya.
Naligo ako at nagpalit na ng pantulog bago tahimik na humiga sa tabi niya.
Bwisit na lalaki. Nakakabuwisit!
YOU ARE READING
The Only Girl
Novela JuvenilEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...