Jack Daryl
Nandito siya ulit. Nandito na naman siya. Tahimik at mag-isa. Someone tried to approach her but as usual, she ignored it. Kumunot ang noo ko dahil diretso lang ang tingin niya sa harap. Ni hindi nililingon ang mga kumakausap sa kaniya.
"Laro tayo!" nakangiting sabi sa kaniya nung batang lalaki na nasa age lang din namin. Irap lang naman ang sinagot sa kaniya nung isa.
Ang sungit talaga.
Binitawan ko ang laruan kong hawak at pinagpagan ang kamay. Naglakad ako kung nasaan siya. Tahimik lamang siyang nakaupo sa swing. Wala nang nagtatangkang lumapit sa kaniya kaya ako naman ang sumubok. Umupo ako sa katabing swing niya.
"Hi!" nakangiting sabi ko at sinubukan pang kumaway sa kaniya.
Umirap siya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "I don't talk to strangers."
"My name is Jack Daryl Eliazar. You can call me Jack!"
Parang nandidiri niya akong tiningnan. Inamoy ko naman ang sarili. Hindi naman ako amoy maasim kaya bakit siya nandidiri?
"I am not interested, mister." She rolled her eyes again.
Ngumuso ako at inalis ang tingin sa kaniya dahil nagpipigil ako ng ngiti. Hindi ko alam kung bakit nacu-cute-an ako sa kaniya kapag nagtataray siya.
Napatingin ako sa kaniya dahil tumingin siya sa akin. Nakakunot ang noo niya at parang nawe-weird-an sa akin.
"Why are you smiling? Are you crazy?"
Napawi ang ngiti sa labi ko. Grabe naman kasi maka-crazy!
There is one thing that I noticed in her eyes. . . It was full of sadness.
Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw ko na siyang lubayan.
"Quit staring!" sigaw niya.
Nagulat naman ako dahil galit ang boses niya. "Sorry."
Umalis na ako sa swing at aalis na sana pero bigla siyang nagsalita. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang kausap niya.
"Please don't leave me. . ."
Hindi ko na nga siya iniwan pagkatapos no'n. Palagi akong gumagawa ng paraan para lang makapunta ako sa park tuwing aawas ako sa school. Nagtataka na rin sina Mommy dahil hindi naman ako mahilig pumunta sa park dati pero hinahayaan din naman nila ako.
Dahil sa palaging pangungulit ko sa kaniya, naging magkaibigan na kami. Natuwa ako noong paunti-unti na siyang nakikipag-usap sa iba. Nawawala na rin ang lungkot sa mga mata niya. Pero syempre, hindi pa rin mawawala ang katarayan niyang taglay.
"It was your fault! You ruined it!" galit niyang sigaw sa kalaro namin dahil nadali nito ang pinagpatong-patong niyang kahoy at gumuho ito. Umirap siya at sinira naman ang manika nung babae, umiyak ito kaya nataranta na ako dahil hindi alam ang gagawin. Hinawakan ko ang kamay niya para makatakbo na kami bago pa pumunta ang yaya nung bata.
Dinala ko siya sa bahay namin. Nagulat sina Daddy nang makitang may kasama ako pero ngumiti rin agad si Mommy at lumapit sa amin.
Lumuhod si Mommy para makapantay kami. "Hi, hija! What's your name?"
Napatingin ako sa kaniya dahil alam kong hindi niya 'yon sasagutin. Sa akin nga ay ayaw niyang sabihin ang pangalan niya, e!
"Just call me Gem po!"
Gulat akong tumingin sa kaniya. Ngiti lang naman ang ibinagay niya sa akin bago sumama sa Mommy ko.
"Do you want ice cream?" tanong sa kaniya ni Mommy habang naglalakad sila papuntang kusina. Napatingin ako kay Daddy dahil bigla na lang kaming iniwan nung dalawa.
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...