Malawak ang ngiti kong tinititigan ang sarili sa salamin. Graduation na namin. Ang bilis, 'no? Hindi rin ako makapaniwala noong una. Kasi parang kahapon ang lahat.
Hanggang ngayon ay kami pa rin ni Daryl. Nagkakaroon ng away, oo, pero hindi naman ganoon kalala dahil naaayos naman agad. Nakaalalay pa sa amin ang buong Section E kaya bihira rin kaming magkaroon ng problema. Minsan nga kapag nag-aaway kami ay ang mga kaibigan pa namin ang gumagawa ng paraan para lang makapag-ayos kami.
I can say that Daryl is a man full of surprises. Talagang magugulat ka na lang sa mga ginagawa niya. Iyong tipong palaging may bagong pakulo. Walang dull moments kapag si Daryl ang boyfriend mo. Araw-araw, hindi lang niya sinasabi kung gaano niya ako kamahal, pinaparamdam niya rin.
Dumadami rin ang mga damit ko kahit na hindi ako bumibili simula noong naging kami ni Daryl. Paano ba naman, sa tuwing nakakakita raw siya ng damit at alam niyang bagay sa akin ay binibili niya agad! Kahit makeups ko ay puro sa kaniya na galing. Masyado na nga raw akong spoiled sabi ng kapatid ko. Nagtataka na raw siya kung bakit ganoon.
Wala namang nakakapagtaka, 'di ba?
"Anak!" Mabilis na sumalubong sa akin si Mommy nang makita niya akong pababa na ng hagdan. "Ang ganda naman ng anak ko." She kissed me on my forehead before hugging me.
"Hindi na ako kinakabahan dahil alam ko namang magaling ang anak ko," proud na sabi ni Mommy.
Nawala naman bigla ang ngiti sa labi ko. Expectations. I'm studying to fulfill their expectations. Muntik ko nang makalimutan. Pilit akong ngumiti at tumango kay Mommy.
Papunta pa lang kami sa school pero grabe na agad ang kabang nararamdaman ko. Hindi pa alam nina Mommy na Valedictorian ako. Sinadya kong hindi ipasabi sa kanila para sana ma-surprise sila kahit papaano.
I bitterly laughed in my mind when I remembered the last time na bumaba ang grade ko. Nasampal ako no'n ni Mommy. Iyon 'yung mga panahon na kaibigan ko pa sina Dianne. Pinalayo niya ako sa kanila dahil sila raw ang sumisira sa akin. E' ako naman ang may kasalanan kung bakit ako bumaba noon. Hindi naman ako nahirapang layuan ang mga kaibigan ko noon dahil sila na mismo ang lumayo sa akin. Iyon din kasi 'yung panahon na nasira kami dahil kay Lawrence.
Ang galing, 'no? Sabay-sabay.
Pinunasan ko naman agad ang luha ko nang maramdaman kong tumulo iyon. Baka makita pa ni Mommy. Sakto namang nag-vibrate ang cellphone na hawak ko hudyat na may nag-message rito.
From: Babe
papunta na kayo?
From: Babe
are you with your family or should i pick you up?
From: Babe
I'm waiting, love. Just message me if you need anything. I love you!
Napailing na lamang ako sa boyfriend kong nakabase sa mood niya ang endearment na gagamitin.
"We're here," Dad announced when we reached the parking of the school.
Bumaba na ako. Ch-in-eck ko pa muna ang sarili sa salamin ng kotse bago dumiretso.
"You look tensed," my brother said when he went to me. Nasa unahan naman namin sina Daddy kaya malaya kaming nakakapag-usap ng kapatid ko.
"I'm nervous, Kuya. Bakit kasi kailangan ko pang mag-speech?" kinakabahang bulong ko. Tumawa siya kaya napasimangot ako.
"Isipin mo na lang na kami lang ang nanonood sa 'yo," sagot niya. "O kaya naman ay tingnan mo na lang ang taong nagbibigay sa 'yo ng comfort. Baka gumana." Nagkibit-balikat siya.
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...