Kabanata 01

7K 248 5
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit sa last section ako napunta. Like, what the hell? Matataas naman ang grade ko kahit puro kalokohan ang nasa isip ko. Never bumagsak ang grade ko kaya hindi ko maintindihan!

"How's your first day in your school?" tanong ni tita sa akin habang kumakain kami ng breakfast.

"Okay lang po," simpleng sagot ko at nakita kong biglang nag-angat ng tingin si Jake. Taka naman akong napatingin sa kaniya.

"Are you sure about that? That's impossible!" Jake exclaimed.

"Huh? Bakit? What are you trying to say, kuya?"

Kahit hindi kami close ay tinatawag ko pa rin siyang kuya kapag nasa loob kami ng bahay o kapag may kaharap kaming kamag-anak.

Umirap muna siya bago sumagot. "Nothing. Bilisan mo kumain at maliligo ka pa. Baka ma-late tayo."

Ngayong umaga lang umuwi sina Tita Bealyn. Galing sila sa Pampanga. We have business there. If you're asking about my parents... well, wala sila rito dahil nasa New Zealand sila at para sa business din. Tss.

"Hindi ka ba sinabay ni Andrei kahapon?" tanong sa akin ni kuya. Anak siya ni Tita Bealyn at Tito Anthon. Dito kami sa bahay nila nakatira ngayon kasi nga wala sina Mommy. Wala nang ibang mag-aalaga sa amin.

"Hindi, e. Paglabas ko kahapon ay wala siya roon." Nagkibit-balikat ako.

Bumuntonghininga si kuya. "Sabihin mo sa kaniya, kung hindi ka niya isasabay pauwi ay hindi na niya magagamit ang kotse niyang iyon." Tumingin siya sa akin, "Nasabi ko na sa parents niyo and they agreed so wala nang magagawa 'yang kuya mo."

Pagkatapos i-park ni Jake ang kotse niya sa parking ng school ay bigla na lang siyang umalis kaya no choice ako kundi habulin siya. Baka mamaya ay iwanan na naman niya ako! Girlfriend pala niya ang dahilan kung bakit hindi niya ako hinintay kahapon. Narinig ko siyang tinanong ni kuya kanina.

"Hey, Jake! Wait!"

Narinig niya naman ako kaya tumigil siya.

"What?" he asked. Inaantok pa ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

As expected.

Umirap naman ako at bumuntonghininga. "Sabi ni Kuya Anthony kapag hindi mo raw ako sinabay mamayang uwian ay 'di mo na magagamit ang kotse mo." Humalukipkip ako sa harap niya. "Mom and Dad agreed so you have no choice."

Agad sumama ang mukha niya. "Ano?" Unti-unti siyang humakbang palapit sa akin kaya napapaatras ako. "Bakit ba kasi hindi mo na lang gamitin ang kotse mo?" Napayuko ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya. "Marunong ka namang mag-drive, ah? Para 'di na kita laging kasabay, nakakairita kaya 'yang pagmumukha mo," sabi niya sa mismong mukha ko.

Nothing's new. Galit na galit talaga siya sa akin! 'Di na ko nasasaktan tuwing may lumalabas sa bibig niyang hindi maganda.

Pero... hindi nga ba?

I licked my lower lip before looking back at him. "Kung ayaw mo 'kong kasabay edi sana tinanggihan mo si kuya! At isa pa, kung pwede ko lang talagang gamitin 'yong kotse ko edi sana ginamit ko na! Ayaw ko rin naman na lagi kang kasabay. Mas nakakairita kaya 'yang mukha mo!" Umirap ako at tinalikuran na siya.

Agad akong napahawak sa dibdib ko nang makalayo na ako sa kaniya.

Bakit? Bakit pa ako nasasaktan e' palagi naman siyang ganoon sa akin? Akala ko ba ay sanay na ako?

Umangat ang tingin ko sa building namin dahil naramdaman kong parang may nanonood. Naabutan kong nakadungaw ang iba kong kaklase. Pinanood ata nila ang sagutan namin ni Jake. Umirap ako dahil sa inis. Mga chismoso.

The Only GirlWhere stories live. Discover now