Kabanata 28

3.6K 169 1
                                    

Simula na ang School Festival. At dahil walang uwian, kaniya-kaniya kami ng dalang mga higaan at pagkain. Inayos namin ang mga upuan at inilagay lahat sa tabi para ang space sa gitna ang lugar kung saan kami matutulog.

Pina-practice ulit ni Hendrix ang kanta niya dahil ngayon siya magpe-perform. Malakas ang bangayan ni Austin at ni Ivan kaya hindi ko sigurado kung nakakapag-practice ba ng maayos 'tong si Hendrix.

"Anong oras daw ba ang simula?" tanong ni Alexis kay Daryl at nilapitan ang isa pang kaibigan. "Okay na 'yan, p're. Kaya mo 'yan!" Halatang kinakabahan para kay Hendrix.

"Nine pa raw," maikling sagot ni Daryl habang nakasandal sa hamba ng pinto.

"Alam mo? Hindi ka makakapag-perform ng maayos kapag kinakabahan ka," sabi ko at lumapit na rin kay Hendrix.

"Baka kasi matalo ang section natin dahil sa akin. Nakakahiya naman kung ganoon," kinakabahan niyang sabi at ibinaba saglit ang gitara.

"Manalo o matalo... okay lang naman. Mag-enjoy ka lang." Ngumiti ako ng pilit. Hindi ako sanay na natatalo ako pero ayos lang naman kung matalo ang section namin. Hindi naman sa lahat ng oras panalo ka. Kailangan din nating matutong tumanggap ng pagkatalo.

"Oo nga naman," si Austin. "Pero sure naman akong panalo ka, 'no! Ikaw pa! Kapag sumasali ka kaya sa mga ganito ay palagi kang nananalo."

Inaayos na namin ang mga gamit namin ngayon. Mamaya kasi ay manonood kaming lahat, walang maiiwan dito sa room kaya syempre nag-aalala ang mga kaklase ko sa mga pagkaing maiiwan nila. At oo, sa pagkain lang sila nag-aalala!

I blew a loud breath while eyeing the stage. Maganda naman ang mga disenyo ng stage. Hindi nakaka-disappoint. Nasa backstage na ang mga magpe-perform.

Pagkatapos ng dasal at kung anu-ano pa. Umakyat na ang host sa stage. Nakasuot siya ng makulay na suit kaya medyo napangiwi ako. Natawa naman ang mga katabi ko.

"Ready na ba kayo?!" malakas na sabi ng bakla.

Napatakip ako sa tainga dahil sa lakas ng boses nito. Kahit yata hindi siya naka-microphone ay maririnig namin siya.

Naghiyawan naman ang mga tao at ganoon din ang mga katabi ko. Napailing na lamang ako habang nakikinig sa host. Madami pa siyang sinabi na halos hindi ko na maintindihan dahil ang iingay ng mga tao. Halatang excited na sa mga magpe-peform.

"Okay!" He shushed them. "To begin our School Festival... We will be having a Solo Singing Contest!"

Lintik na boses 'yan!

Lalo namang lumakas ang ingay dahil nalaman na magsisimula na. They were chanting their sections. Hindi naman nagpapatalo ang mga kaklase ko! Hindi kasali ang ibang grade levels kaya nanonood lang sila.

Tinawag na ang unang magpe-perform. Malakas na hiyawan galing sa mga kaklase niya ang bumungad sa kaniya. Hindi ko kilala ang lalaki pero base pa lamang sa choice of music niya ay alam ko na agad na hindi ito mananalo. Tinatamad na pumalakpak ako nang matapos ang kanta niya.

"Let's give a round of applause. He still did well, though his choice of music doesn't fit well on his voice," the host commented.

Hindi niya naman kailangang sabihin 'yon. Tss. Umirap ako at hinintay siyang umalis na muli sa stage dahil susunod na ang section nina Andrei.

Si Rio ang magpe-perform sa kanila. May dala itong gitara kaya umayos ako ng upo para mapanood siya ng maayos. She fixed herself first before smiling at the crowd. I saw Ezekiel shifted on his seat uncomfortably. Nasa unahan ko siya kaya kitang-kita ko ang bawat galaw niya. Nakita ko rin na siniko siya ni Ivan, inaasar.

The Only GirlWhere stories live. Discover now