Andrei Jake
It's already late yet I still can't sleep. I'm thinking about Jade. I'm thinking about my sister. Alam ko naman kasing hindi maganda ang nangyayari sa kaniya sa section niyang 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit doon sa section na 'yon siya napunta dahil matalino naman ang kapatid ko. Alam kong matalino 'yon dahil naka-display ang mga medal niya roon sa kwarto ni kuya.
Unang araw pa lamang ay sinabihan ko na ang adviser ni Jade na pilitin siyang lumipat sa section namin pero dahil sobrang tigas ng ulo niya, hindi siya pumayag! Ano bang gusto niya roon? Pangit naman ang ugali ng mga estudyante sa section na 'yon. Baka wala pa siyang matutuhan doon dahil ang section na 'yon ang ayaw na ayaw na pasukan ng mga teacher.
Pero bakit nga ba ako nangingialam? Buhay niya 'yon. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin.
Inis na umayos ako ng higa at pinilit nang matulog. Sasakit lang ang ulo ko kakaisip sa babaeng 'yon.
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng aking alarm. Sabado ngayon at kailangan ko pa ring pumunta sa school dahil may laban kami ngayon ng basketball. At isa pa, maglalaro rin si Mia kaya kahit tinatamad akong pumasok ay kailangang nandoon pa rin ako.
Nag-aayos ako para makapag-jogging na. Nakasanayan ko na kasing gawin iyon tuwing sabado at linggo. Para na rin makalanghap ng sariwang hangin dahil hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay.
Nagulat ako nang makitang lumabas din ng kwarto si Jade. Kumunot ang noo ko nang makita ang suot niya. Mag-jogging din siya? Nakakagulat din na maaga siyang nagising ngayon dahil kapag walang pasok ay tanghali na 'yan bumabangon.
"Where are you going?" tanong ko at saglit lamang siyang tumingin sa akin.
"Jogging," she answered shortly.
Nice. Kapag ako ang kausap ang cold niya. Tsk.
Isasama niya ba ang mga aso niya sa labas? Hindi ba siya mahihirapan na may dala-dala siyang alaga?
"Akin na si Pomy. I'll go out to jog, too," mahinang sabi ko at lumapit sa aso niya. Ibinigay niya sa akin ang dog lace nito.
"You should behave, baby. Magagalit sa 'yo si Tito Jake kapag nagkulit ka," ani niya na akala mo'y tao lang din ang kausap niya.
Tumahol si Pomy pagkatapos niyang magsalita. Nagkakaintindihan ba sila? Angas naman no'n.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng awkwardness sa kaniya.
"Iikot ka lang ba o may pupuntahan ka pa?" tanong ko. Sinusubukan ko siyang kausapin ng parang katulad lang ng dati. Iyong hindi palaging galit. Iyong hindi palaging nakasigaw.
"Sa park. I'll let them play muna." Nararamdaman ko pa rin ang pagiging malamig niya sa akin pero hindi ko na muna iyon pinansin. Kung papansinin ko pa kasi 'yon ay paano pa kami magkakaayos niyan?
Nagsimula lang namang mag-iba ang pakikitungo ko sa kaniya dahil sa nangyari kay lola. Nagagalit ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay siya ang may kasalanan kung bakit maagang nawala sa amin si lola.
Sobrang pasaway ni Jade dati. Ang sakit niya sa ulo. Palagi siyang naga-guidance. Palagi siyang may inaaway. Pero ang pinakamalala niyang ginawa ay 'yung inuntog niya ang schoolmate siya sa pader dahil lang sa nagseselos siya roon. Nagseselos siya dahil lahat daw ng atensyon ay naroon lahat sa babae. At nung nalaman ni lola ang nangyaring 'yon ay inatake siya sa puso.
And... that's the reason why our lola is in heaven now.
Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin, kulang ba ang atensyon na ibinibigay ko sa kaniya dati? Hindi pa ba sapat 'yon? O baka talagang uhaw lang siya sa atensyon. Baka gusto niya lang talaga na nasa kaniya ang mata ng lahat.
YOU ARE READING
The Only Girl
Novela JuvenilEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...