Pangatlong araw na ngayon. Malapit nang matapos ang Festival, ilang araw na lang. Tiningnan ko ang mga kaklase kong busy sa pag-aayos ng itsura nila ngayon. Mayroon ngang naglagay pa ng kaunting make-up para raw hindi sila ma-haggard!
Kahapon nang matapos ang contest ay bumalik na kaming lahat sa classroom dahil p-in-ractice nila ang sayaw nila. Doon nila ginugol ang oras nila kahapon para raw ngayon ay wala nang pressure, mag-e-enjoy na lang daw sila.
"Okay lang ba ang itsura ko?" biglang tanong ni Kian sa akin habang inaayos ang damit niya.
"Ba't ka ba nag-aayos masyado?" tanong ko pabalik.
"Manonood crush ko, e," sagot naman niya habang nag-aayos ng buhok. Kita ko ang malawak niyang ngiti kaya napangiti na lang din ako, nang-aasar.
"Sus! Gwapo ka naman na, ah?"
Umirap siya sa sinabi ko pero nakangiti pa rin. Nahihiya siguro. Biglang kumunot ang noo ko nang maisip kung sino ang crush niyang iyon. Si Dianne pa rin kaya? Minsan kasi ay nahuhuli ko siyang nakatingin kay Dianne.
"Bakit?" takang tanong niya, nawala na rin ang ngiti sa labi dahil nagtataka.
"May gusto ka pa rin ba kay Dianne?" tanong ko habang naniningkit ang mata at nakaduro ang daliri sa kaniya.
"Huh? Wala," prenteng sagot niya at nagkibit-balikat.
Umirap na lamang ako. Hindi pa rin siya tapos mag-ayos. Kahit ang mga kasama niya ay ganoon din. Mabuti at mahaba pa ang oras. Daig pa nila ang babae kung mag-ayos!
Nauna na kami ni Daryl sa Auditorium. Sila ay susunod na lang dahil sa backstage naman ang diretso nila. Nagtawag na rin kasi ng mga estudyante dahil nga magsisimula na. Maraming mukhang mas excited sa mga mapapanood ngayon. May mga banner pa ang iba. Nagulat ako nang makakita ng banner na may pangalan ni Alexis.
"Daming fangirls," bulong ko dahil hindi lang isa ang nakita kong sumusuporta kay Alexis.
Lumapit sa akin si Daryl at yumuko para bumulong sa tainga ko. Ang kamay niya'y nakahawak sa armrest ng upuan ko kaya parang nakakulong ako sa kaniya ngayon.
"Karamihan sa mga 'yan ay ex-girlfriend niya," bulong niya sa akin.
Heto na naman ang naghuhuramentado kong puso. Napakurap-kurap ako at hindi agad nakasagot. Tiningnan niya ang mga babaeng tinitingnan ko kanina kaya nasa harap ko ang pisngi niya ngayon.
"H-huh? Karamihan? Ibig sabihin ay madami?" tanong ko nang makabawi na sa gulat. Malapit pa rin ang mukha niya sa akin kaya para akong bato rito sa kinauupuan ko.
"Hmm." Lumayo na siya dahil nagpalakpakan na ang mga tao.
Lumabas na ang host. Nilingon kong muli ang babaeng tinitingnan ko kanina. Ngayon kaya? Wala bang girlfriend ngayon si Alexis? Kahit isa sa mga 'yan?
Halata namang malalandi ang mga kaklase kong 'yon pero wala akong naririnig na may babae ang isa sa kanila. Hindi ko rin sila nakikitang may kasama. Siguro ay may mga girlfriend naman? Hindi lang siguro nila nababanggit. Pero minsan naman ay naririnig ko silang nag-aasaran tungkol sa ganoon.
Section D ang unang magpe-perform. Marami rin silang sasayaw pero parang iyon ang magpapagulo sa performance nila. At tama nga ako.
Awkward na tumawa ang host. Umiling ako habang nakangisi. Kung ako siguro ang judge ay patitigilin ko agad ang music nila kahit nasa kalahati pa lang.
Hindi naman na naakyat ng stage iyong bakla— 'yong host. Nasa tabi na lamang siya at doon nagsasalita.
Tumingin ako sa judges. Masuri silang nanonood. Kasama roon si Sir Jayson.
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...