Simula

63 6 7
                                    

Simula

The waves of the sea is harsh as life can be. But the calmness it gives me is endless. Who could've thought that in the middle of nowhere, I can find serenity. In the middle of nowhere, I can find myself.

The waves, the horizon and the sea itself, bring me back to life. Who could've thought that the place where I was once lost, gives me all the thoughts that can complete the missing piece inside my heart.

In the middle of nowhere, I was found.

"Coffee?" si Mariah na inabutan ako ng isang tasa ng black coffee.

"Sure." tinanguan ko siya at nilagay niya naman ang tasa ng kape sa lamesang nasa harap ko.

"Ang lalim ng iniisip mo a? Mind sharing it to me?" umupo siya sa tabi ko at hinarap ako.

"It's nothing, natulala lang siguro ako." she nodded her head and give me a warm smile. Nginitian ko din siya pabalik.

Matapos kong maubos ang isang tasa ng kape, napag pasyahan kong lumabas ng bahay sa may dalampasigan.

Nakakita ako ng isang mag anak na naghahabulan at nag hahahikgikan sa may dalampasigan. Mukang ang saya saya nila.

Maybe I'm worthless after all? Ilang taon na akong narito pero walang nag hahanap sa akin? Does my mom really loves me? O baka nilason na ng lalaking ipinalit niya kay dad ang puso't isipan niya na maging ang anak niya'y nakalimutan na niya.

"Allen!" sa may kanang bahagi ko sa harapan nakatayo si Erah, kumakaway kaway siya at may malapad na ngiti sa mga labi.

Napangiti ako. Kahit papaano, may mabubuting loob pa rin na handang tumulong sa mga nangangailangan. Maswerte pa rin ako. Kahit papaano ay may tumulong sa akin sa mga panahong walang wala ako.

"Bakit mag isa ka? Nasaan si Mariah?" tanong niya nang nakalapit na siya sa akin.

"Tumutulong siya kay Inang Sela sa pag lalaba Erah." she locked her arms on mine bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Ikaw, anong balak mo ngayong bakasyon? Paano ka makakapag aral sa susunod na pasukan?" her little eyes were very transparent that you can read every expression in it. Her pointed nose highlighted her thin rosy lips as well as her cheeks. I can feel her long jet black hair swaying as it is hammering in some parts of my forearm.

"Tulad ng nakagawian, tutulong ako sa tindahan ni Aling Krista. Nabalitaan ko kasing may bago yata silang pwesto sa palengke kaya baka mag fufull time ako buong bakasyon." sa aming tatlong mag kakaibigan, si Erah ang may kaya. Kinupkop ako ni Inang Sela na nanay ni Mariah noong araw na nakita niya akong umiiyak sa daungan. Kaya labis talaga ang pasasalamat ko sa kanila.

"That's great! Siguro ako tutulong nalang ulit sa farm ni Mama ngayon kaysa mabored ako sa bahay." dere deretso ang lakad namin hanggang sa bahay.

"Erah, napabisita ka?" si Inang Sela na nag sasampay ng mga damit na nilabhan nila ni Mariah sa may labas ng bahay.

"Ah Inang Sela nakita ko lang po si Allen sa may dalampasigan kaya sumama na rin ako. Ano pong tanghalian?" tumawa kami samantalang si Inang Sela naman ay nangiti lang na bumaling sa akin. I can see the concern in her eyes.

"Hindi pa ako nakakapagluto hija pasensya ka n-" si Inang na agad ko rin namang pinutol.

"Ako na po ang magluluto Inang!" suhestyon ko.

"Mabuti pa nga Allen." I smiled at her and went inside the house. Iniwan ko naman si Erah na nakikipag usap pa kay Inang.

"Ikaw ang nagluluto Allen?" si Mariah na may hawak na laundry basket.

In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]Where stories live. Discover now