Chapter 22

9 2 0
                                    

Chapter 22

History

I was rubbing my palm with one another because of nervousness. Inaayusan na ako ng make up artist na hinire nga ata ni Dad para lang sa birthday ko. I'm not nervous for the party though, I'm nervous for the knowledge I might be holding after this event.


Ang pagkakarinig ko'y naroon na raw sila Inang. Iniisip ko na kung paano ko sisimulan ang pag interrogate sa kanya mamaya e.

"Are you ready?" tinanguan ko lang si Dad at tinapunan ng malamig na tingin. I'm not going to entertain you that much Dad, you also betrayed me by not saying everything that you and Mom talked last night.


If they were doing it to save my ass, then fuck, I would rather die just to know the effing truth. No need fo saving, my experiences thought me many things that I can handle alone.


"Happy birthday!" wika niya pa ulit. May hilaw na ngiti sa kanyang mukha. Siguro ay dahil nahalata na niya ang lamig ng pakikitungo ko.

"Thanks." hinalikan ko ang kanyang pisnge at inalis ko rin agad ang tingin ko sa kanya para pasadahan ng tingin ang aking buong get up para sa gabing ito.

I'm wearing a plain red turtle neck dress. It's a skater skirt like what I wanted. I also wore a red and intimidating stilettos. My hair is in a high and clean pony. I just looked fierce with my red lipstick and elegant smoky eyes. My dangling diamond earrings were swaying as I move a bit.


"Your daughter is very gorgeous sir!" puri ng make up artist na nag ayos sa akin.

"The genes." wika ni Dad sabay halakhak. Napairap naman ako. Hindi ko alam kung bakit ang pangit pangit ng mood ko para sa araw na to. Birthday mo, Allen. Shut your demons down.

Isang katok sa hotel room na kinakalagyan ko ang nagpa aliwalas sa init ng dugo na nararamdaman ko. I know it's Klein. He's going to escort me to the hall.

"Sumunod na kayong dalawa doon. Mauna na muna ako." wika ni Dad at ginawaran pa ko ng sandaling tingin bago lumabas.

"You look stunning." sambit ni Klein sabay lahad ng kanyang elbow. I clinged my arms on his before we started walking out the room.


"I know." tugon ko. Narinig ko ang mahinang halakhak niya sa gilid ko.


"Hindi naman obvious na birthday mo. Pulang pula ka e." natatawang sabi niya. I just rolled my eyes at him para matahimik siya.

Inangat niya ang kaliwang braso ko at agad naman siyang napangiti nang makitang suot ko ang silver bracelet na may naka ukit na pangalan niya. Tres, it says. Ibinigay niya ito sa akin kagabi pagkahatid niya sa akin sa aming tahanan.

"Tres para tatlo kasi I love you." naalala kong sinabi niya yan kagabi pagka suot niya sa akin ng bracelet.


"Happy birthday again my love." bulong niya bago bumukas ang napakalaking double doors at bumungad sa amin ang napaka eleganteng ayos ng hall para lamang sa kaarawan kong ito.

The people on their nice dresses and suits are now clapping their hands elegantly habang nag lalakad ako papasok doon. Ginagawaran ko naman sila ng isang pilit na ngiti. Because after all, it's my birthday. I don't want to ruin the atmosphere.


But as much as I don't want to ruin this, nahagip ng mga mata ko ang lamesa nina Inang, Aya, Erah at Rio. Pare pareho silang mukhang elegante. Nakangiti si Inang at Erah sa akin ngunit hindi ko maintindihan kung bakit si Aya ay nakatitig lang maging si Rio ay ganoon.



In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]Where stories live. Discover now