Chapter 15
Happy
We stayed silent for the rest of the night. Klein accompanied me back to our unit. Siguro dahil sa pagod kaya nakapag pahinga rin naman kaagad ako.
I woke up 8 in the morning. Syempre, I took a bath first before heading to the kitchen for coffee.
"Morning." bati ko kay Macy na mukang bangag na bangag at nakatitig sa kawalan. Mukang nagulat pa siya sa presensya ko dahil sa nanlalaki niyang mga mata.
"G-good morning." she said. Stuttering.
I just shrugged out my confusion about whatever it is that she were thinking. Baka private.
My phone beeped at alam ko na agad kung sino yon.
Pareng Klein:
Good Morning! Breakfast?
Napangiti ako dahil sa simpleng good morning lang niya. Hayy, hibang na nga yata ako.
Ako:
Sure.
Inayos ko ang sarili ko dahil aayain ko si Klein mag swim mamaya. Bukas pa kasi magaganap yung mga palaro para sa mga empleyado ng kumpanya. Ngayong araw din kasi yung business kemerlu ni Dad. Siguro mamayang gabi yon? Baka isama niya rin ako. Pero sa ngayon ay mag liliwaliw muna ako.
"Miss Allen, si Sir Klein andito na!" narinig kong sigaw ni Macy. Dali dali akong umalis sa harap ng salamin at lumabas ng kwarto.
Prenteng nakaupo sa sofa si Klein na naka white t-shirt lang na fit sa maskulado niyang katawan. Khaki shorts lang ang suot niya at isang black na slippers na mula sa isang sikat na brand. I can see his aviators hanging on his shirt's neckline.
"Let's go?" he asked.
"Macy, ikaw? Saan ka mag be-break fast?" siyempre napaka walang modo ko naman kung hahayaan ko si Macy magutom dito.
"Sasama po ako sa ilang katrabaho Miss." wika niya. Napatango nalang ako at sumunod kay Klein palabas.
I can hear the crickets when we rode the elevator. Nagkataon kasi na wala kaming kasabay. Bakit awkward?
"So..."
"Uhm..."
Nagkatinginan kami nang sabay namin iyon nasabi. Nakita kong napakurap din siya kasabay ng pagkurap ko. Then we both laugh. The hell?
"I don't know why, but it's kind'a awkward." aniya na may multo pa ng ngiti sa mga labi.
"You're courting me." walang preno kong sabi. After saying that, I immediately covered my mouth. The heck, Allen?!
He chuckled while I was blushing here! "You know what, I'll be honest. i don't know how to court." ngayon naman ay hindi na siya makatingin sa akin.
Natawa ako at saktong pagbukas naman ng elevator. Hudyat na narito na kami sa may lobby.
"I tried to search it on the internet para hindi ako mapahiya!" pag amin niya. Still blushing. He's actually cute!
"What the hell, Klein?!" now I was laughing hard while holding my tummy.
"Don't laugh! It's embarrassing!" hindi niya ako matingnan ng deretso kaya lalo naman akong natawa.
YOU ARE READING
In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsGrowing up is not as easy as you thought. Life plays dirty. It will never let you focus on a certain emotion. It's a roller coaster ride of emotions and dilemmas. For a moment you were happy but in a few seconds it will immediately fade. You're a lo...