Chapter 21
Fearless
Medyo madilim na ang kalangitan nang itigil niya ang kanyang sasakyan. Malayo-layo rin ang binyahe namin. Wala na rin naman akong pakialam kung papagalitan ako ni Dad.
Matapos ang pag uusap nila ni Mom ay hindi niya man lang ako kinausap. Mukha nga siyang walang balak sabihin sa akin ang lahat ng nalaman niya. Kung hindi ko pa narinig ang pag uusap nila ay malamang na namumuhay pa rin akong bulag sa katotohanan hanggang ngayon.
"Don't think too much, we're here to have fun." hinawakan ni Klein ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
Unti-unti kong nararamdaman ang inis sa aking sarili. Nandito si Klein pero iniisip ko pa rin ang mga problema ko. How rude, Allen?
"Thank you." mahinang bulong ko. He just smiled at me and hug me tight. I'm still lucky to have him right?
"Come on! Let's face your fears together!" hinila niya ako pababa sa sasakyan at sabay kaming pumasok sa isang amusement park.
Hindi ako nagkamali nang sinabi kong persistent siya. Kahit na sinagot ko na siya, kahit na hindi ako nakapag laan ng gaanong oras para sa kanya, he's still here, trying to made me happy, atleast before my birthday.
"Anong ginagawa natin dito?" natatawang tanong ko. I'm exerting an effort to forget my problems here by the way.
"Magpapakasaya!" napangiti ako dahil sa lawak ng ngiting ibinigay niya sa akin.
Hinila niya ako agad sa isang ride na parang isang mataas na tore. Nakatigil ang ride at nag bababaan ang mga taong kakasakay lang doon. I have no idea about that ride kaya sumama ako sa kanya sa pila.
"Kaya mo?" tanong niya.
"Weak shit ba ko sa paningin mo?" tinaasan ko siya ng kilay at humalakhak naman siya. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin na agad pumukaw sa pansin ko.
"Look, just always remember that I'm here to hold your hand whenever you're afraid or scared about something." aniya. Mula sa mga kamay naming magka-salikop, lumipat ang mga mata ko sa namumungay niyang mga mata.
"I know." sambit ko. He smirked and pointed his index finger on the ride full of screaming people.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumaas ang pabilog na mga upuang sinasakyan ng mga tao. Sa sobrang taas ng tore ay halos hugutin nito ang kaluluwa ko kahit ang ginagawa ko lang naman ay tignan ito.
"What the hell?!" utas ko. Naramdaman ko ang pag higpit lalo ng kamay niya sa kamay ko habang humahalakhak siya sa tabi ko.
"Calm down okay?!" nangingiting wika niya.
"Fucking shit, Tristan Klein! Paano ako kakalma dito ha?! Sasakay tayo jan?! Baka mahimatay ako! Baka maihi ako o di kaya'y-"
"Hush it, love. I'm with you." inilapit niya ako sa kanyang dibdib at hinalikan ako sa aking noo.
Mabilis akong tumango-tango dahil sa panic na nararamdaman ko. Ang walang hiyang demonyo na nag dala sa akin dito ay tumatawa lamang habang pinapakalma ako.
"Kuya... Ayoko na labas na ko." hinawakan ko ang braso ni kuyang nag open ng gate para makapasok na kami sa loob noon.
"Nandito po ang exit, Ma'am." nilahad ni Kuya ang kabilang bahagi ng railings.
YOU ARE READING
In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]
Teen FictionGrowing up is not as easy as you thought. Life plays dirty. It will never let you focus on a certain emotion. It's a roller coaster ride of emotions and dilemmas. For a moment you were happy but in a few seconds it will immediately fade. You're a lo...