Chapter 18

24 2 2
                                    

Chapter 18

Agree


Bangag na bangag ako pagkagising ko sa araw ng Sabado. Medyo late na kasing umuwi si Klein at binulabog niya pa ang payapa kong buhay. Nakakainis pa ang body clock ko dahil kahit gusto kong gumising ng tanghali'y maaga pa rin akong nagising.



Naligo nalang ako agad at nag ayos para mabuhayan naman ako. Mabuti nalang at walang pasok, may oras ako para mag palaboy laboy dito sa mansion.



I was looking at my reflection on the mirror when I heard a knock.


"Miss Allen, may bisita kayo!" si Manang Amor yon. Mukang napapadalas ang pag katok niya sa pintuan ko a?



"Sino ho Manang? Ang aga naman nyan!" reklamo ko habang binubuksan ang pintuan ng kwarto ko. For Pete's sake it's still 6:45am! Wala pang alas siete oh!



"Si Sir Klein ho nasa baba hinahanap kayo." napakamot si Manang sa ulo niya.




Dali dali akong bumaba ng hagdanan at tama nga si Manang! Nandon si Klein na prenteng prenteng nakaupo sa sofa! Bihis na bihis din siya habang nakangusong pinag lalaruan ang susi ng sasakyan sa kanyang kamay.



"Aga mo? Anong meron?" don't tell me date ulet?



"We're going to your comfort place." nagtaka naman ako agad dahil sa sinabi niya. Comfort place ko daw? Saan? Maging ako hindi ko alam?!



"Di ko nga alam kung saan yon!" reklamo ko agad.


"Just eat your breakfast and we'll go! Ako na bahala sa gamit mo." inirapan ko siya at nag tungo na ako sa dining area para mag break fast. Gusto ko sana siyang imbitahin din kumain kaya lang ng makabalik ako sa living room ay wala na siya sa sofa. Ipinag kibit-balikat ko na lamang iyon at pinag patuloy ang pagkain.



"Manang si Klein?" tanong ko agad nang matapos ako sa pagkain.


"Nasa silid niyo Ma'am." nagulat ako dahil sa sinabi niya. Padabog akong umakyat sa hagdanan para sitahin si Klein sa kung ano mang inaatupag niya sa silid ko.



"Kapal naman talag ng mukha mong lalaki k-" agad akong natigilan nang mabuksan ko ang pintuan. Sa sahig ay isang travel bag na puno ng mga damit at sa sofa naman ay isang mokong na lalaking naka cross legs.



"Let's go?" kumunot lalo ang noo ko.


"Saan tayo?" I asked.



"Basta. Ipinagpaalam na kita kaya tara na." hinigit niya ang pala pulsuhan ko at sa kabilang kamay ay bitbit niya ang travel bag.



Isinakay niya ang travel bag sa likudan ng sasakyan niya bago ako pinag buksan ng pinto sa passenger seat.



"Anong-"


"Don't ask. Just trust me." wika niya habang nakalagay ang kanyang index finger sa aking labi. I shivered at his move.


Tanging ang stereo lang ng sasakyan ang naging ingay sa byahe. Well syempre pati ang bibig kong putak ng putak.



"God, your voice." nakangiwi si Klein ng sabihin niya yon. Para bang rinding rindi na siya sa sobrang kadaldalan ko at sa dami ng hinaing ko sa buhay.


Inirapan ko siya at tinigil na ang pag daldal. Napag desisyonan kong titigan nalanh siya sa biyahe dahil wala rin naman akong magawa at bagot na bagot na ako. I saw how his muscle flex whenever he tried to maneuvered the car. Every turn highlighted the veins in his forearms. His hot and I know that. Pati ang kamao niyang nakakuyom dahil sa pagkakahawak sa steering wheel ay hindi nakatakas sa papuri ko. Maybe it would a pleasure to be punch by him?


In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]Where stories live. Discover now