Chapter 26
Pain
Lahat ay masaya at nag papalakpakan habang pinapanood ang replay ng graduation video niya sa malaking projector. Hindi ko magawang makiisa sa kanila. Ngunit para sa kanya, pipilitin ko rin.
"Forteza, Alessandra Leniora C." lalong nag palakpakan ang mga tao nang pangalan na niya ang tinawag.
Mula rito sa gilid ay tanaw na tanaw ko ang saya sa kanyang mga mata. Ang mga ngiti niya'y hindi matutumbasan ng kahit anong bagay. She is the sweetest thing that I have ever known.
Congratulations my love, you made it.
"Tito Klein, mango juice o!" inilahad sa akin ni Kleo ang baso niyang may laman na mango juice.
Napangiti ako, ang una at huling beses na ipinagtimpla niya ako ng mango juice.
"Go on, drink it." wika ko.
"I will give it to you. It's your favorite drink right?" his eyes glimmer as the light reflects on it.
"Not anymore." ngumiti ako ng mapait kasabay nang ngiti niyang bigo. Umalis siya sa harapan ko kaya nag patuloy nalang ako sa pag mamasid.
Ang natatanaw kong mga bituin sa open space na ito ay nag papaalala sa akin ng mga huling sandaling nagkasama kami.
"I'll jump." she said. Kita ko ang takot mula sa kanyang mga mata ngunit alam ko rin na desidido na siya.
"We'll jump together." I said as I tightly held his hand.
Tumalon siya sa bangin. I was about to jump with her when someone suddenly held my hand. Gusto kong basagin ang mukha ng kung sinoman iyon.
"Nababaliw ka na ba, Klein?!" mariing wika ni Kuya Kleiton.
"Tangina bitawan mo ko! Allen! Allen!" I hysterically shouted. Mahigpit ang kanyang kapit sa akin at tinulungan na rin siya ng iilang tauhan ni Tito Sergio upang hindi ako makawala.
"Ano bang pumasok sa kokote mo at itinakas mo si Allen?!" mas humigpit ang hawak niya.
"Tangina si Allen tumalon don! Bitawan mo ko susundan ko siya!"
"Ano ba-"
"Tangina Kuya! Hindi mo ba maintindihan ha?! Mahal ko si Allen! Mahal ko siya!" inis kong utas sa kanya at halos masuntok ko na rin ang kapatid ko.
"Bakit kayo umalis?! Bakit kailangang itakas mo s-"
"Puta Kuya! Ikakasal si Mama kay Tito, ano sa tingin mong mangyayari sa amin kapag natuloy yon ha?!" singhal ko.
"Mag pahinga ka nalang muna, mag uusap tayo bukas." malamig ang boses ni Tito Sergio nang sinabi niya iyon.
"Si Allen. P-Paano-"
"Bullshit Klein! Nanganganib ang buhay ng anak ko, sa tingin mo papabayaan ko siya?! This is all your damn fault!" nanigas ako sa kinatatayuan ko.
That hit me bulls eye.
This, this is all my fault.
I'm so sorry baby. If only I could've hold your hand tighter... I'm so sorry.
Nang gabing iyon ay inuwi ako ni Kuya sa bahay namin sa Lucena. Hindi ako nakatulog at nanatiling tulala lang sa kwarto ko. Narinig ko ang balitang nahanap raw ang katawan ni Allen at agad ring naisugod sa ospital. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/222009717-288-k50791.jpg)
YOU ARE READING
In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]
Teen FictionGrowing up is not as easy as you thought. Life plays dirty. It will never let you focus on a certain emotion. It's a roller coaster ride of emotions and dilemmas. For a moment you were happy but in a few seconds it will immediately fade. You're a lo...