Chapter 17
Ask
Klein is persistent, his attitude isn't. But his mood swings made me enjoy every minute with him. Palaging surprise kung anong mood niya. Para bang bunutan sa raffle. Minsan masungit, minsan sweet, minsan pilosopo but over all, I find him kind.
"How's school?" agad na bungad niya pagkasakay ko sa kanyang sasakyan. Isang linggo na rin ang nakakalipas at nasanay na ako na siya ang sumusundo sa akin pagkatapos ng klase.
"Ayos lang." I said as I continued locking my seatbelt.
"May quiz ka ulit bukas?" tanong niya sabay sulyap sa akin habang minamaniubra ang sasakyan.
"Uh... yeah." nakita kong napanguso siya.
Yes Klein, hindi ulit tayo pwedeng tumambay dahil busy ako.
"I'm starting to hate your school." nakangising sabi niya. Napahagikgik naman ako dahil doon.
"Ano ka ba? Alam kong pinag daanan mo rin naman to no!" pag tawa ko pa.
"Yeah, mang aagaw ng oras." rinig kong bulong bulong niya bago siya umismid. Natawa naman ako lalo dahil para siyang nag hahamon ng away na akala mo naman papatulan siya ng school.
Well, I just smiled. He's always like that. Akala mo'y hindi busy sa trabaho kung makapag aya sa akin sa kung saan-saan. Palagi ko naman siyang tinatanggihan dahil busy ako sa pag aaral at pag a-advance reading.
"You're early today, darling." salubong ni Dad na naka buka ang mga bisig para sa yakap ko.
"Yes Dad. Si Klein ulit ang kumuha sa akin sa school." nakangiting wika ko.
"Where is he?" nilingon ni Dad ang likod ko at hinanap ng mga mata niya si Klein o kahit ang chevy lang nito pero wala na siya doon.
"Pinauwi ko na Dad. Mag aaral pa kasi ako para sa quiz namin bukas." I kissed his cheek before heading into my room para makapag bihis at para makapag aral na rin ako.
Isang katok mula sa pintuan ang nagpatigil sa akin sa pag aaral.
"Ms. Allen, mag hahapunan na ho!" rinig kong boses iyon ni Manang Amor, ang pinaka matagal na naming katulong.
"Susunod na ho ako!" hindi ko namalayang alas siete na pala ng gabi dahil naging masyado akong abala sa pag aaral.
Iniligpit ko muna ang mga gamit ko bago ako nag pasyang bumaba na sa dining area. Hindi pa ako nakakaupo sa upuan ko'y agad na kumunot ang noo ko nang makitang walang tao sa hapag at tanging ang mga pagkaing nakahain lamang sa mesa ang naroon. Wala si Dad?
"Manang si Dad po?" agad na tanong ko nanag makita siyang napadaan habang kumakain ako.
"Hindi yon uuwi ngayon Allen." aniya na nagpakunot sa noo ko.
"Bakit ho?" nakitang ko ang pag tataka sa muka niya dahil sa tanong ko. Hindi ba ako dapat ang mag taka?
"June 21 ngayon hija." aniya at naglakad na paalis dahil marami pa yata siyang ginagawa.
Ano naman kung June 21 ngayon? Anong kinalaman non sa hindi pag uwi ni Dad?
Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto para sana mag aral ulit. Ngunit hindi na ako makapag focus kakaisip kung anong meron sa June 21. Mabuti nalang at tumunog ang cellphone ko para sa tawag ni Aya sa akin. Napangiti agad ako.
YOU ARE READING
In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]
Novela JuvenilGrowing up is not as easy as you thought. Life plays dirty. It will never let you focus on a certain emotion. It's a roller coaster ride of emotions and dilemmas. For a moment you were happy but in a few seconds it will immediately fade. You're a lo...