Chapter 2

17 4 8
                                    

Chapter 2

Sundo

Sa mga lumipas na araw ay ganoon pa rin ang eksena. Nakakasabay ko si Kangkong papuntang palengke at habang nasa tricycle ay iniinis ko siya. Sa pag sapit naman ng tanghalian ay sabay kaming kumakain sa karidnerya ni Aling Sasha at palagi'y nililibre niya pa ako.

"Hello Allen?" boses ni Aya sa kabilang linya.

"Napatawag ka Aya?" nagsusukli ako ngayon sa isang matandang babae na bumili ng gulay.

"Nakauwi na si Kuya Rio sabi'y isasama niya raw tayo sa Roxas para mamili ng gamit. Umuwi ka ng maaga para hindi tayo gabihin." si Aya.

"Ganon ba? Sige, mag papaalam nalang ako kay Aling Krista." pinatay ko na ang tawag at nag ayos ng gamit para makaalis. Alas tres palang ng hapon at alas singko ang normal na uwi ko.

"Oh Ate aalis ka na?" si Kristian hawak ang kanyang cellphone at naglalaro ata ng Mobile Legends.

"Ah oo dumating na raw kasi si Rio e isasama kami sa Roxas para mamili ng gagamitin sa pasukan."

"Eh Ate matagal pa ang pasukan ah may higit isang buwan pa a." binaba niya ang cellphone pagkatapos kong marinig na talo nga ata ito.

"Alam mo naman si Rio, minsanan lang makauwi kaya nilulubos ang oras. Sige na mag papaalam lang ako kay Aling Krista." umalis ako roon at nag tungo sa bagong tindahan ni Aling Krista.

Natanaw ko si Kangkong na kausap ang bagong tindera ni Aling Krista na si Lou Araña school mate ko. Nag hahagikgikan pa ang dalawa.

Sweet na kayo nan sis?

I fake a cough because they didn't seem to notice me.

"Oh Allen, bat andito ka?" Lou's smile from their conversation suddenly fade away when she glance at me.

"Bawal ba? I mean pakisabi nalang kay Aling Krista na umalis ako ng maaga may pupuntahan kami ni Rio." sumulyap ako sa makating Kangkong na nasa tabi ni Lou at nakitang nakakunot ang noo niya.

"May date kayo?" ngumisi muli si Lou.

I shrugged and left them there.

"Kuya Rio! Andito na si Allen!" malayo palang ay rinig ko na si Aya na nagsisisigaw sa may harap ng bahay. Napangiti ako ng nakita naman si Rio na nagmamadali sa paglabas.

He hug me tight when he reach me. His familiar manly scent attack my nose. Feels like home. I hug him back.

"I missed you Allen." he look into my eyes. His dark and brooding eyes screams longing and comfort. Napansin ko rin ang buhok niya'ng ngayo'y naka army cut na. Mas malaki na rin ang katawan niya kumpara sa huling pagkikita namin. Mukang pinag bubuti niya talaga ang training sa pagiging sundalo.

"I missed you too Rio." mas matanda si Rio saken pero simula palang ay sinabihan na niya akong huwag siyang tatawaging Kuya dahil bukod sa hindi naman kami tunay na magkapatid ay kakaunti lang naman daw anh pagitan ng edad namin. Isang taong lang kasi ang tanda niya sa amin ni Aya.

"Rio, pagbihisin mo muna yang si Allen at galing pa yan sa gulayan." si Inang na nakasungaw sa pintuan.

"Oo nga ang baho ko na." tumawa kami ni Aya.

"No you're not." seryosong nakatingin lang si Rio sa akin.

"Whatever Rio." inirapan ko siya at nag punta na sa kwarto para magbihis. I wear my favorite maroon t-shirt and a maong shorts with my sneakers. Felt comfortable.

"Tara na Rio, Aya, baka gumabi." nagsusuklay ako ng buhok ng sinabi ko iyon. I saw Rio's reflection on the mirror, seriously eyeing what I'm wearing. Madalas niya kasi kaming pagbawalan ni Aya na mag shorts pero dahil kasama namin siyang aalis ay tingin ko ayos lang ito. Nakashorts lang din naman si Aya.

In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]Where stories live. Discover now