Chapter 27

8 2 0
                                    

Warning: Might contain scenes that are not suitable for young readers.




***
Chapter 27

Years


"Thank you all for coming!" her smile is my favorite view.

"Happy birthday!" masayang-masaya ang lahat maliban nalang sa akin.

"Babe? Tara na, hindi ka pa kumakain." pinisil ni Nicky ang braso ko at binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti.

Nang makalabas si Allen sa hospital ay ipinag patuloy niya ang kanyang pag aaral. Two years after, she graduated as magna cumlaude of her batch. At ako naman? Lumipad pa-Madrid para pag tuunan ang malaking project namin doon. Inabala ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pag tatrabaho. Halos agawan ko na ng trabaho ang mga engineers at architect ng kumpanya.

"Hindi ka pa lumalabas sa opisina mo mag mula kanina." wika ni architect Nicky.

"I'm busy, I have loads of work to do." mariing wika ko nang hindi siya nililingon.

"So this is your way of coping up with your problems huh?" napalingon ako sa kanya habang naka kunot ang noo. "Dapat hindi mo pinapabayaan ang sarili mo." she sighed and went beside me.

"Just leave Architect, hindi kita kailangan dito." mataman kong sabi.

"I want to be with you, Klein. Tutulungan kita. Alam kong hindi ka ayos. So please?" halos mapayuko ako dahil sa panghihina.

I say, losing her was a plot twist in my life. Lahat ng bagay na ginawa ko noon ay iniisip kong para sa kanya. Pinaghirapan kong mag trabaho, pinagsikapan kong marating ang pwestong ito para sa kinabukasang inaasam ko na kasama siya, ngunit ngayon, ako nalang mag isa. Mag isang lilimot sa kahapong nag dala sa akin kung nasaan ako ngayon.

Hindi ko inakalang dadating ako sa punto ng buhay kung saan ayaw ko nang mag patuloy. But I'm glad, someone's there for me. Hindi pa rin pala ako nag iisa.

"Can't you see that I love you, Klein?! Puro nalang si Allen ang iniisip mo kahit pa alam mo namang kahit isang segundo ay hindi ka na dumapo sa isipan niya!" sigaw ni Nicky isang araw na nag talo kami dahil sa pagpapabaya ko sa aking sarili.

Her words hit me big time. Oo nga naman, wala na akong magagawa. Wala na siyang maalala. Hindi ko na rin gusto na makaalala siya dahil sa oras na maalala niya ako ay babalik ang pait ng kahapon niya. And so, I courted Nicky. Alam niya na ginagawa ko lang yon para makalimutan si Allen pero ito rin ang gusto niya.

Hinayaan niya akong gamitin siya para makalimutan ang sarili kong problema. I know how selfish am I pero hindi ko inakalang aabot ako sa punto ng buhay kung saan gagamit ako ng ibang tao para lang makalimot. But see? Here I am now. Sitting right next to the girl who's been with me through my lowest.

"Kain na babe." hinagod ni Nicky ang likudan ko. Sinulyapan ko ang kumikinang niyang mga mata.

"Salamat." sa lahat.

Binigyan niya ako ng tipid na ngiti bago siya tumango-tango.

"You know that I'd do everything for you right?" I nodded.


"My dear son, I'm glad you're okay now!" masayang sabi ni Mama habang tinitignan ako kasama si Nicky.

"Nicky's a good wife. What do you expect Mom?" wika ko.


"Hindi pa ba ako magkaka apo?" nagtawanan sila ni Nicky at nag patuloy sa pag kekwentuhan.

"By the way son, what's your plan for this year? Dito na ba kayo sa Pilipinas maninirahan? Sa Buenavista ba?" tanong ni Mama sa akin. Napailing ako nang marinig ang bahay ko sa Buenavista.

In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]Where stories live. Discover now