Chapter 20

12 2 0
                                    

Chapter 20

Slapped



Nagulat ako nang makita si Tita Noreen sa tapat ng bahay. She's right there watering the freaking plants! Hardinera na ba siya ngayon?!




"Anong ginagawa ng mom mo sa bahay?" nilingon ko si Klein na halatang naguguluhan din dahil nakitang nag didilig ang kanyang ina.




"Is she out of her mind?" narinig kong bulong nito.



Itinigil niya ang kaniyang sasakyan. Bababa ba sana ako nang bigla niya kong lingunin. Kitang-kita ko ang mapanuyang ngisi sa kanyang mukha.




"Let's tell them now." aniya.




"What?! No!" umiling-iling pa ako para ipakita ang labis kong pag tanggi.



"Bakit naman?" kumunot ang noo niya.



"Sabi ko love, sa birthday ko nalang. Baka magulat si Dad." I pouted. He sighed, defeated.




"Fine, fine." hindi siya makatingin sa akin kaya nag taka agad ako. I was about to talk to him again when he immediately left the car and I was left there dumbfounded. What's wrong?



Lumabas rin ako sa sasakyan para puntahan si Klein na patungo ngayon kay Tita Noreen. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng bandang tainga niya pati ang pababa sa leeg niya. Napangisi ako.



Kinilig ba siya?



"Tita!" nakangiti akong lumapit kay Tita para makipag beso sa kanya.



"Oh you two were together?" kunot noong tanong niya habang hawak ang hose na itinatapat niya sa mga halaman sa aming harapan.




"Yes, I asked permission to her Dad, Mom. Don't worry." tamad na wika ni Klein. Tita Noreen just smiled at him.




"Pumasok ka na muna sa inyo hija mukhang pagod ka pa sa byahe e." gusto ko sanang tanungin kung bakit siya ang nag didilig ngayon pero tumango nalang ako at pumasok sa aming bahay. Naiwan naman doon si Klein para mag tanong kay Tita Noreen.




"How's the trip?" napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pag sulpot ni Dad mula sa kung saan.




"A-Ayos lang naman po. By the way Dad, I want Inang Sela to come here on my birthday kaya po kung pwede yung chopper-" he raised his hands to cut me off from what I am saying.




"It's fine hija. Besides, hindi ko pa sila napapasalamatan sa pag aalaga nila sa'yo noon. Come to think of it, ni hindi sila nag dalawang isip na kupkupin ka matapos ka nilang makita sa piyer right?" nakangiti akong tumango. Ngunit nanatiling naka kunot ang kanyang noo. Sadyang mabuti lang talaga ang kalooban ng kanilang buong pamilya.




"It's because they have a kind heart, Dad. Don't think too much." nakangiti pa rin ako. Hindi ko pa nakekwento kay Dad ang buong pangyayari nang nanirahan ako kila Inang. Kaya siguro ay hindi siya gaanong kumbinsido.





"If they really are kind-hearted, bakit hindi ka dinala rito sa Maynila?" muli akong napangiti dahil sa pag aalalang bumakas sa kanyang boses.





"Dad, hindi lahat ng tao mayaman." I sighed. "I've witnessed it all. Kung paano silang nag hihirap para lang sa makakain namin para sa isang buong araw." Dad put his elbow on the table infront of him as if he was very entertained by what I am saying.




"What's their work?" tanong niya.





"Si Inang po naglalabada. Minsan tumutulong kami ng mga kapatid ko. Si Papang naman po driver ni mayor." napayuko ako nang maalala iyon.



In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]Where stories live. Discover now