Chapter 7
Back
Tuyo na ang luhang kanina pa dumadaloy sa pisngi ko. Ang lagkit lagkit sa pakiramdam.
"Sorry. I'll just go home." tumayo na ako sa buhanginang kinakaupuan namin. Wala na rin ang araw at sigurado akong hinahanap na ako sa amin.
"A-Allen." he called me but I refused to look back.
"Hija bakit ngayon ka lang jusmio alaalang-alala kami rito at baka napano ka na!" si Inang ang bumungad sa akin sa pag uwi ko.
"Sorry po uh, m-may ginawa lang po akong importante." hindi na niya kinwestyon ang palusot ko dahil nakita niya yata ang bakas ng luha sa aking mga mata.
That night, I didn't eat dinner. Hindi rin ako tinabihan ni Aya sa pag tulog at dun yata sila ni Rio natulog sa tabi ni Inang.
Hindi ko alam kung papaano ko nga ba dapat harapin si Tres sa trabaho. Nakakahiyang kinwento ko pa talaga sa kanya ang mga bagay na yon ha.
"Hatid na kita Allen, malapit na rin naman akong umalis." Rio was there looking at me with eyes full of concern. I just smiled and nodded at him. Mas mabuti nga yatang ganito para hindi ako mapuntahan ni Tres sa bahay.
Hindi ako nahirapang iwasan siya sa palengke dahil halata namang iniiwasan niya rin ako. Mabuti nga kung ganoon.
"Naku may lakad pa ako mamaya! Allen, ikaw nalang kaya ang mag abot nitong bayad sa bigas. Doon daw sa coffee shop sa bayan, ayos lang ba?" si Aling Krista na nag pa-panic na.
"Sige ho Aling Krista ano po bang itsura ng pag-aabutan ko?" hinahanda ko na ang gamit ko para makaalis na.
"Basta hija ang pangalan ng coffee shop ay Raleen's. Hanapin mo nalang ang manager at doon iabot." binigay sa akin ni Aling Krista ang pambayad at naiwan naman si Kristian para mag bantay sa gulayan.
Nag tricycle lang ako papunta sa bayan. Madali ko namang nahanap ang coffee shop dahil kakaiba at kaakit-akit talaga ang disenyo non kaya agad rin akong pumasok.
Sa labas ay may iilang lamesa na inuukupahan ng iilang tao. Tanaw naman sa salamin ang dami rin ng tao sa loob. Cream at light brown ang tema ng coffee shop at halos lahat ng makikita roon ay parisukat kahit ang mga ilaw ay ganoon.
"Good day Ma'am! Ano pong inyo?" iyon ang bungad ng magandang babae na nasa counter.
"I just need to talk to the manager." I said.
"Oh I'm the manager." nagulat ako. She chuckled a bit. "Zenie, ikaw na muna ang bahala dito may kakausapin lang ako." umalis kami roon at dumeretso sa parang office niya yata.
Pinaupo niya ko sa upuang nasa tapat ng mesa niya bago siya naupo sa swivel chair niya.
"Yung sa bigas po-"
"Oh your Kristalyn? Ang bata mo pa pala!?" kita ko ang gulat sa kanya nang ilagay niya ang isang kamay niya sa dibdib.
"Ah Ma'am hindi ho, pinadala niya lang ako rito dahil busy siya ako nalang daw ang mag abot." I akwardly smile. Parang may nararamdaman ako sa kaniya. Muka kasi siyang masungit.
Tumunog ang cellphone niya. "Oh a text from Kristalyn." kinuha niya ang phone at naningkit ang mga mata habang binabasa ang kung anong text doon. "What's your name?" marahang wika niya na nakatingin pa rin sa cellphone.
"Allen po Ma'am." tugon ko naman habang nag tataka sa kinikilos niya.
"Allen what?" tumingin na siya sa akin ngayon at tila ba nag hihintay ng isusunod ko.
YOU ARE READING
In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsGrowing up is not as easy as you thought. Life plays dirty. It will never let you focus on a certain emotion. It's a roller coaster ride of emotions and dilemmas. For a moment you were happy but in a few seconds it will immediately fade. You're a lo...