Chapter 3

21 4 0
                                    

Chapter 3

Friends

We ate lunch together. Iritang irita siya sa'kin at ako naman bruhang tuwang tuwa sa muka ni'yang palaging nakakunot ang noo.

"I told you he's like my brother I think? They took care of me." tinanong niya kasi ako na kung hindi ko asawa si Rio ay bakit kami magkasama sa bahay.

"Huh? Why?" nabitin sa ere ang pag subo niya at nilingon ako.

"It's a long story to tell." nagkibit balikat ako.

"I'll listen then." binaba niya ang mga kubyertos na hawak at binigay sa akin ang buong atensyon na.

So ano, close na kami nito?

"Ano ka ba?! Bobitang to may trabaho pa tayo. Maybe some other time?" marahan siyang tumango at nag patuloy na kami sa pagkain.

Sinundo ako ni Rio sa hapong iyon kaya hindi ko nakasabay si Tres pauwi

"So he really is your boyfriend?" tanong niya habang inaayos ang pagkakapulupot ng braso ko sa bewang niya. Dala niya ang motor niya dahil mas convenient nga naman kung ganon.

"Huh? Si Tres ba?" kasama ko kasi si Kristian at Tres sa gulayan nang madatnan niya ako.

"Tres is the name. Yung sumundo sa'yo?" pinaandar na niya ang motor na hindi naman gaanong mabilis at tama lang rin para marinig ko siya.

"We're friends." friends ba kami? Hindi ko pa din alam. Basta gusto kong iniinis siya.

Nang makauwi sa bahay ay nadatnan kong nag uusap si Aya at Erah.

"Kuya Rio, Allen yan na pala kayo." I just smile at the jolly Erah.

"Bihis lang ako." nagpalit na ko ng pambahay at pagkalabas ay nag prisintang magluto. Rio insisted that he'll cook dinner for us kaya sinama ako ni Aya at Erah sa may dalampasigan.

"Nakwento ni Aya sa'kin ang tungkol sa bagong trabahante ni Aling Krista. Hindi ko pa s'ya nakikita ah I'm curious." nag aamok si Erah.

"Naku Erah he's so gwapo!" Aya giggled and I roll my eyes on her. Yeah I know he's handsome but for some reasons I felt something err.

"Pakilala mo ako sa kaniya bukas dadaan ako sa palengke." I was stunned by what Erah said but anyway it's fine.

"S-sure kapag tumambay siya sa gulayan."

Tumambay pa kaming tatlo sa nakaparadang bangka ng mangingisda sa dalampasigan habang nag kekwentuhan ng kung ano-ano.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Si Rio ay sumama sa nga kaibigan niyang mangisda kaya nang dumating si Tres ay hindi niya ito naabutan.

"Why are you here again?" naniningkit ang mga mata ko habang tinititigan siya sa labas ng pintuan.

"To go to the store with you?" it's full of sarcasm.

"Allen aalis ka na-" nagulat si Aya nang makita kung sino ang nakatayo sa may pintuan ng bahay.

Tumikhim ako. "Aya this is Tres my f-friend and Tres this is Aya." nilahad ni Tres ang kamay niya kaya nakita ko ang panginginig ng kamay ni Aya nang abutin niya iyon. Really? Hindi naman ganon ang epekto niya sa'kin a.

"Sige na Aya aalis na kami." hinila ko ang neckline ng t-shirt ni Tres para makaalis na kami don.

"Hey don't pull me too much." nangingiting sabi niya kaya ngayon ko lang din tinanggal ang hawak doon ng medyo nakalayo na kami sa bahay.

In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]Where stories live. Discover now