Chapter 16

20 3 1
                                    

Chapter 16

Message


The vacation at Boracay went well. Nasanay na rin ako sa mga cheesy stuffs na ginagawa ni Klein and yes, mga nabasa niya lang yon sa internet.



Everytime na pumapasok ako sa company namin ay nandon siya sa office ko para mag bigay ng bulaklak. Minsan chocolates o di kaya'y mag aaya siyang kumain sa labas. But the thing that I love the most is that he's always here to help me when I didn't understand anything about my paper works. Sinasabihan ko naman siya na may trabaho din siyang dapat niyang gawin pero palaging sinasagot niya ako ng 'mag liliwaliw ba ko dito kung di ko pa yon tapos?' then he'll roll his eyes on me.



It was fun to have him around. Pero sa tingin ko mababawasan na ang oras ng pagkikita namin dahil pasukan na sa eskwela bukas.



"Ayaw mo ba talagang ihatid kita bukas sa school?" tanong niya nang ihatid niya ako sa tapat ng bahay. Nag dinner kasi kami sa labas.



"No need, Klein. Besides, Gerald will be there for me right?" nakita kong umismid siya.



"Fine." ngumuso siya at tinitigan ako. I just smiled at him before I wave my hands to bid goodbye.



Actually, I was kind of nervous. Baka kung anong mangyari sa school lalo na't baguhan palang naman ako. Hindi ko rin gamay ang mga tao dito di katulad sa Mansalay na kung sinong kaklase ko noong elementary ay ganoon halos hanggang mag college.



"You ready?" tanong ni Dad. Siya ang nag hatid sa akin sa first day of school ko. He miss almost half of my life that he didn't get a chance to do this to me when I was still a kid.



"Yes, Dad." I gave him an assuring smile. I saw how his eyes sparkle as the tears pool in it. Natawa naman ako dahil sa pagiging madrama niya. But I understand.




Naging pahirapan pa ang paalam ko kay Dad dahil sa emosyon niya pero ayos lang. Naiintindihan ko.




"Good morning, Allen. Welcome sa Graciella University." nakangiti si Gerald ng sinabi niya yon.



"Good morning den, Gerald and thank you sa welcome." magiging kaklase ko si Gerald sa lahat ng subject dahil parehas kami ng sched na ayon sa gusto ni Klein. Para raw may makasama ako, tss.




"Matagal na ba kayong mag kaibigan ni Klein?" tanong ko habang pinag mamasdan ang kalakhan ng paaralang ito.




"Yes, actually kahit ng nagtungo siyang Romblon, we never lose contact." aniya. Kung ganoon ay sobrang talik nga nilang mag kaibigan.




"Hi Gerald! Who's the flavor of the day?" isang magandang babae ang humarang sa daan namin ni Gerald. Hapit na hapit ang suot niyang uniporme. Eto na ba yon? The mean girls attack? Nasaan ang mga alipores niya? Siya na ba ang mang bubukky saken?


Gosh Allen!? Too much to think.




"Oh Alyanna, this is Allen. Siya yung ano... Klein." kumunot ang noo ko dahil mukang naintindihan agad ni Alyanna ang sinabi ni Gerald e hindi ko nga naintindihan. Does the Manileños have their own language? Kidding!




"Hi Allen! I'm Alyanna, uhh... Klein's friend I think?" ngumiwi si Gerald dahil sa sinabi ni Alyanna.



Naging maayos ang first day ko. Sa break time ay kasama ko pa rin si Gerald at Alyanna. Minsan naman ay nahihiwalay sa amin ni Gerald si Alyanna dahil hindi namin siya kaparehas ng sched.




In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]Where stories live. Discover now