Chapter 28
Worth it
"What is it?" bungad ko kay Gerald. Nagising kaming sabay ni Nicky dahil sa tunog ng aking cellphone. Gerald's calling.
"May buyer na ko sa bahay mo." aniya.
"Kailan balak tignan?" kinukusot ko ang mga mata kong galing sa mahabang pag tulog. I felt Nicky's warm embrace in my waist.
"Kung pepwede raw ay ngayon na dahil nag mamadali yata sila. Mangingibang bansa yata at ang balak ay pagbalik sa Pilipinas, dun na titira sa bahay mo kung magustuhan man nila."
Who wouldn't dare love my house again?
"Okay, I'll just get dressed. Maybe later this afternoon. Mahabang byahe din yon." sinusuklay ko ang buhok ni Nicky gamit ang aking mga daliri.
"No, no, daanan mo nalang sila sa Lucena. Taga Lucena iyon e. Sa may terminal na kayo mag kita." aniya.
"Oh, okay. Salamat ulet, Ger."
"Walang ano man pare." huling wika niya bago pinatay ang tawag.
"I see, may lakad ka today?" tanong ni Nicky. Nakahiga siya sa mga hita ko kaya tinitingala niya ako ngayon. I kissed her forehead before answering.
"Yeah. Gusto mong sumama?" tanong ko.
"Wag na. Mag ingat ka nalang. Bibisita ako sa site nung pinag padalhan sa mga bagong tao. Iche-check ko kung ayos na ba sa man power. Wala kasi si Engineer Angeles, umuwi yata ng Mindoro." humikab siya matapos iyon.
"You look tired." I chuckled. "Kung gusto mo, dito ka nalang. I can ask someone to do your-"
"Babe, this is my work okay? No need to pass it to other people. I can manage." she gave me an assuring smile.
This is the thing that I liked about her. Hindi siya dependent sa ibang tao. Though, when it comes to work she became very strict, still she doesn't take advantage of being my wife. I mean, she could've just ask other people for the job para makapag liwaliw nalang siya mag hapon. Madaming susunod sa kanya dahil asawa siya ng CEO but she's still persistent on her work.
"Ingat babe." I kissed her on the lips before storming out of the unit.
Sasabay sa akin si Gerald sa sasakyan ko. Kasama niya rin yata ang asawa niyang si Alyanna dahil kaibigan nilang dalawa ang buyer ng bahay.
"Bakit ba kasi ibebenta e ang mahal mahal ng pagawa mo doon. Lugi ka pa yata pag binenta mo." kita ko ang pag halukipkip ni Alyanna sa rearview mirror.
Hindi ako lugi, that house holds a thousands of memories, the happiest and the saddest. If I were be able to let go of everything, I will probably live a happier life. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. And I know that I can only forgive myself if I let go of the things that keeps on bugging me for years. Not just this house but also her forgiveness.
Hindi ko nagawang humingi ng tawad sa kanya. That's the truth. Hindi ko na siya muling nakausap magmula noong makalabas siya sa ospital. Inunti-unti rin nila ang pag papaliwanag sa kanya ng tungkol sa problema ng pamilya niya. I wanted to be there with her as she recovers but they didn't allow me to. Sabi'y makakasama lamang ako kung maalala niya ang mapapait na sandaling sa akin lang niya nasabi. And so I left. I let her go even if I didn't want to.
YOU ARE READING
In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]
Teen FictionGrowing up is not as easy as you thought. Life plays dirty. It will never let you focus on a certain emotion. It's a roller coaster ride of emotions and dilemmas. For a moment you were happy but in a few seconds it will immediately fade. You're a lo...