Chapter 11
Architect
"So were having this business meeting this coming Sunday sa Boracay. I'm wondering if you wanted to come with me?" my eyes twinkled at what my Dad said.
"Can I?" parang batang tanong ko.
"Of course dear." halos mag celebrate ako dahil makakakita muli ako ng dagat.
"Yey!" nagdidiwang akong tumakbo sa kwarto ko para mag ayos ng gamit. Sa isang araw na kami aalis. Sabado yon. Kailangan daw namin maging maaga don sabi ni Dad para hindi maipag hintay yung mga business partners niya.
I think I need to buy some swimsuits? Wala kasi dito sa closet eh. Ayoko namang mag pasama kay Klein dahil ang awkward. Sinong isasama ko? Ang hirap naman kapag only child!
Oh, I know!
"Hello, Ma'am?"
"Hi Macy! Are you busy?" wow rhyme hehe, si Macy lang naisip ko. Wala na naman akong ibang pwedeng isama dahil nakauwi na rin si Ceniah sa Romblon.
"Hindi po Ma'am. May ipapagawa po ba kayo? Nasa office po ako e iniintay ko lang po utos niyo hehe."
"Can you come with me?" nagbabaka sakali kong tanong.
"Saan po Ma'am?"
"Mall, I need to buy some swimsuits din kasi para sa Boracay." sana pwede.
"Sure Ma'am!" nahimigan ko ang ngiti sa boses niya.
"Okay, daan nalang ako sa office." I excitedly ended the call and prepare myself. Wearing a white sleeveless crop top and black high waisted short and I'm off to go the mall.
"Hi po Ma'am." bati ni Macy pagsakay niya sa kotse.
"Wala naman tayo sa office so call me Allen." ang awkward kase pag Ma'am diba?
"Talaga po?" nakangiti siyang tumingin sa akin. She looks innocent.
"And drop the 'po' I'm sure mas matanda ka sakin right?" she nodded slowly.
Nang makarating sa mall ay agad kaming nag tungo sa swim wear. Balak ko nalang mag rush guard kasi mainit diba?
"Ang baduy mo naman Ma'am ay, Allen rather." kumunot naman ang noo ko habang hawak ang black na rash guard na nakita ko.
"Why?"
"Wag tayo jan! Sabi mo Boracay so dapat kabog!" natatawang hinila niya ko paalis doon at dinala sa mga two piece.
"Hindi ako sanay mag suot ng two piece lang, Macy."
"Bagay sa'yo to. Maganda naman hubog ng katawan mo e." she speaks like an ate to me.
"You think?" hindi ako sure e.
"U-huh. Kumuha ka ng tingin mong kasya." bawal kasi i-fit yung mga bikinis like eww diba?
Kumuha ako ng dalawang black laced bikini at isang one piece na stripes na backless. Okay na siguro to.
"Cover up, Allen." tinuro niya sa akin yung iilang dresses don na maninipis lang at ayos ngang cover up so kumuha na din ako.
After namin mamili inaya ko siya kumain sa isang fast food kasi dun naman ako sanay kumain e.
"Di ba masisira ng fast food diet mo?" kyuryosong tanong niya. Natatawa naman akong tumingin sa kaniya.
YOU ARE READING
In The Middle Of Nowhere [COMPLETED]
Novela JuvenilGrowing up is not as easy as you thought. Life plays dirty. It will never let you focus on a certain emotion. It's a roller coaster ride of emotions and dilemmas. For a moment you were happy but in a few seconds it will immediately fade. You're a lo...