"Hi, love," a beautiful senior girl approached Yego at kitang-kita ni Saritha kung paano hinalikan ng babae ang asawa niya. Kakababa pa lamang nila sa SUV ni Yego at gusto na niya kaagad sampalin ang binata.
At ang gago! Nakipag-halikan talaga!
"I'll... go now," she whispered at nagsimulang maglakad palayo. She didn't hear any word from Yego dahil busy ito sa pakikipaghalikan sa malanding babaeng iyon.
But she heard the girl ask. "Who is that?"
"Cousin," tipid na sagot ng binata as she walked away.
Tatakbo siyang pumasok ng campus habang inis na inis. Pumasok siya sa unang klase niya kung saan meron siyang long exam ngayon. She needed to calm herself.
"Mukhang masama ang gising natin, ah!" bati sa kanya ng baklang kaibigan na si Josh. "Kaway-kaway naman diyan, bessy."
"What?" mataray na sagot niya dito.
"Sari, para kang virgin na tinanggihan ng lalaki sa inis na nakikita ko sa mukha mo," pang-aasar nito.
Kung alam lamang ng best friend niya ang lahat ng mga naganap sa kanya kahapon. "Napuyat lang ako sa pag-aaral kagabi," pagdadahilan niya at inilabas na ang ballpen.
"Hay nako. Ikaw na naman ang magiging higest sa exams. Kainis! Anyway, nag-yes na sa atin yung orphanage sa San Pablo sa may Mindoro. Game sila sa one-week immersion natin doon and tutorials sa mga bata," balita ni Josh.
Nagliwanag kaagad ang mukha niya. "Talaga ba?"
"Oo, so this Friday up to next week, pwedeng-pwede na tayong gumora to help the kids!"
"Sige, I'll prepare for us. Ready na ang lesson plan, van at permits. Mamimili na lang siguro ako ng mga pagkain para sa mga bata! I'll also tell our other org members," wika niya.
"Okay, may org meeting tayo mamayang alas-sais ha?"
She nodded and smiled. And just, then dumating na ang teacher nila pero nagbago na ang mood niya. She feels excited. Now, she can push through with her plan to help young orphans in a house in Mindoro. Hihingi siya ng tulong sa Papa niya for the finances. Sigurado siyang hindi tatanggi ito. All her outreach activities have always been supported by her Papa.
****
Lunchtime. Kasama niya si Josh at Eunica habang kumakain sa cafeteria. They were eating while conversing about the upcoming outreach ng bigla na lamang tumahimik sa cafeteria. Nakita kasi niyang pumasok doon ang mga popular seniors at umupo sa designate table nila.
"Grabe no? Ang gwapo talaga ng mga 'yon. Aries with his ash brown hair and Atticus with his sultry good looks. And oh my!" Josh blurted out. "That Chinito guy is something. Sayang may girldfriend na."
She turned to look at the table kung saan umupo ang tatlong lalaki. Aries was holding a basketball habang busy naman sa smartphone si Atticus. And the Chinito guy which so happened to be her husband was sitting with a girl beside him at naglalandian ang mga ito.
Iniiwas niya ang paningin at pilit na inalala ang sinabi nito na he can do whatever he wants and she can do whatever she wants as well. Aalalahanin na lamang niya ang mga pangaral ng Mama niya na dapat sumunod na lamang siya sa gusto ng asawa niya.
"Bakit nakatingin sa direksyon natin 'yung si Chinito Papa?" tanong ni Josh.
Eunica turned around to check them. "Oo nga, girls. Nakatingin sa direksyon natin si Yego."
Saritha didn't even bother looking. She just continued eating. Just then, a red rose appeared on her table. She looked up to see Anthony carrying more roses.
BINABASA MO ANG
Chasing My Love [Completed]
Romance(My Stepsister is Mine Book 3 - Yego and Saritha) "Saan ka pupunta?" Saritha asked. "Aalis lang ako. Some rules though before I leave, Saritha. Number one, I sleep on the right side of the bed so you have no choice but to sleep on the left. Number...
![Chasing My Love [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216784022-64-k592411.jpg)