Chapter 5

7.4K 282 21
                                    

"Are you sure sasama ka talaga?" manghang-manghang tanong niya sa asawa. Now that they've done something sexual to each other, she became more confident in speaking up to him. And well, he wants her to be more open to him and she'll try to be.

"Yeah," Yego confidently answered at isinukbit ang backpack.

It was just 4:30 in the morning at bihis na siya para sa one-week outreach nila.

Napatingin siya sa sapatos at sa suot ni Yego. "Bakit 'yan ang suot mo? Wala ka bang mas lumang sapatos na pwedeng madumihan?"

Umiling ito. "Why?" irita nitong tanong kay Saritha.

"It's just that... baka kasi maputik doon."

He just shrugged and gave her a side-eye. "Huwag mo na akong masyadong problemahin. Ako ang bahala sa sapatos ko. Let's go." At nauna na ito na lumabas sa condo nila. 

Minsan talaga hindi niya mabasa ang lalaking ito. Minsan okay ang mood, minsan naman ang bilis mairita. 

"Are you coming or not?" tanong nito ng hindi siya kagad sumunod.

She walked out and locked the door before following him.

****

It was a two-hour drive. Nakatulog si Saritha sa byahe dahil rin sa sobrang aga niyang nagising at late na nakatulog kagabi. Inabot sila ni Yego ng hatinggabi sa pag-eempake ng mga pagkain na dadalhin.

"Wake up, we're in Batangas Port," Yego whispered to her. 

Pagkabukas niya ng mata ay nandoon na nga sila. She immediately opened her phone para tingnan kung nagtext ba sina Eunica sa kanya. Nagdala kasi ng sariling sasakyan ang mga kaibigan niya. Magro-roro kasi sila para madala ang mga sasakyan nila. All in all there will be around 4 cars. 

Pagkabukas niya ng phone to check on her messages. Pangalan kagad ni Anthony ang nandoon. She opened it at nabasa niya ang pagbati nito na "Happy Valentine's Day". Right, today is lovers' day. 

But before she could open her other messages ay naagaw na ni Yego ang phone niya sa kanya.

"What the-" he exclaimed. "Magkatext ba kayo nito?"

"Give me my phone back," she insisted. "Ano ba!"

He scrolled through her messages with Anthony. May panaka-nakang exchanges doon pero hindi naman madalas. He looked at her, obviously already in a bad mood. "Bakit ka niya binabati?"

"He's just like that. Give me my phone back!"

"Para ano? Para batiin mo rin siya ng happy valentine's day?"

"You are so childish!" sigaw niya finally sa asawa. She has been quiet the past few days at ngayon lamang siya sumigaw sa harapan nito. 

"Wow and you shout now?" manghang tanong nito sa kanya. 

"Yes, now give me my phone back!"

"Or what?"

"Or iiwan kita dito! I don't need a man-child with me for one week," pagbabanta ni Saritha.

He just eyed her annoyingly. "Ako ang nagbayad ng lahat ng ginastos mong pagkain sa outreach na to." 

"But that doesn't give you the right to invade my privacy!"

"I am your husband!" 

She was stunned for a moment and then she laughed. "Really? You are? Ni hindi mo nga ako mahalikan in public. All you ever do is kiss pathetic girls who look like hookers."

She saw the fire in his eyes building up. Mukhang galit na galit na nga ito. Suddenly, her phone rang. She looked at it immediately at nakitang tumatawag si Eunica.

Chasing My Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon