Chapter 8

6.6K 232 42
                                    




"Anong nangyari sa'yo? You never get a grade below 95. And now, bagsak ka sa exam?" hindi makapaniwalang tanong ni Josh. "Akala ko ba kaya ayaw mong sumama samin sa group study ay para makapag-concentrate ka."

Kakalabas lamang niya sa office ng professor niya. Kinausap siya nito dahil sa bagsak na grade niya sa long exam na iyon. And it was so unlike her.

"I don't know din kung anong nangyari sa'kin..." she answered and sat between her two friends. Nasa library sila ngayon at nagbubulungan.

"So ano daw?" Eunica asked. "Bibigyan ka ba ng retake?"

Umiling siya. "Hindi siya pumayag kasi binigay daw niya in details ang pointers."

"So paano 'yan?" malungkot na tanong ni Eunica.

"Looks like I won't make it to the Dean's list this semester," Sari concluded dahil alam niyang bawal ang failing grade sa kahit anong exam para makapasok sa Dean's List. She was convincing herself not to cry pero naiinis siya at nagagalit sa sarili. She knew it was her fault. She allowed her husband to seduce her that night kaysa mag-aral na lamang.

And just when she was thinking about him, nakita niya iton pumasok sa library at naglalakad papunta sa direksyon nila. She stood up immediately at naglakad papalayo. Wala siya sa mood ngayon makausap ito. He's the reason why bumagsak siya sa exam at ngayon ay hindi na magiging Dean's List.

Nagtago siya sa pinakadulong part ng library kung saan nagtatayugan ang mga shelves.

She sat on the floor sa sulok ng Physics section and stared at her failed exam na hawak-hawak pa rin niya. Naging overconfident din siguro siya at nag-cram kaya bumagsak siya. Ano na lamang ngayong sasabihin ng mga magulang niya? Her mom is even part of the university's board.

"Hey," a voice whispered behind her.

Nakita niya si Yego na nakaupo na rin pala indian-seat-style sa likod niya.

"What's wrong?" he whispered at isinandal ang ulo sa mga shelves. "Bakit ka tumakbo palayo?"

She glanced at him. "Wala."

"Come on tell me," untag nito.

Umiling siya.

But too late, nakita nito ang test paper niya at kinuha iyon para basahin. "Don't tell me you're crying over a failing grade," natatawang wika nito.

Lalo siyang nainis sa reaksyon nito. "What?" she asked, unbelievingly.

"Hindi mo ikamamatay yan!" he said and smiled.

"You don't understand," she said in a whisper, at pinipigil ang galit sa dibdib. Hindi naman siya talaga naintindihan ni Yego kahit kailan. He was practically a stranger she lives with. Hindi siya nito kilala.

"Come on. Really now, Saritha? You're my wife. You don't have to work or tire your ass off for a good grade. After we graduate, you can just bum around and shop and live a good life. I won't require you to work anyway," he said nonchalantly.

She can't believe what she's hearing. Hinding-hindi siya talaga kilala ng lalaking ito.

"Now, just hush and kiss me," he said at inilapit ang mukha sa mukha niya.

And now, she wasn't able to control herself. Sinampal niya sa Yego and stood up. "The least you can do is respect what I feel," she said at naglakad palayo.

****

That afternoon, umuna na siyang umuwi sa condo nila at nakisabay na lang sa sundo ni Josh. Pagkauwing-pagkauwi niya ay naglock siya sa kwarto at umiyak. Hindi niya rin maintindihan ang sarili.

Is she crying because of a failing grade? Or because of Yego? Or because of herself. She felt so lost after this whole marriage whirlwind that suddenly fucked up her life. She wanted to call her mom pero naalala niya na ang mga magulang niya ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon.

Just then, there were doorbells outside. Nagulat siya. Yego has a key. Then, who could it be?

She wiped away her tears at inayos ang sarili bago bumaba at tiningnan kung sino ang kumakatok. Nagulat siya ng makita sina Aries at Atticus sa labas. Pinagbuksan niya ang mga ito ng pinto.

"You're here again?" takang-takang tanong ni Aries.

"Uhm... may kukunin lang sana ako. Pero wala pa dito si Yego," pagdadahilan niya.

"It's okay. We know. Sinabi niyang maghintay daw kami dito kasi pauwi na siya. He sounds mad on the phone. Something about pinaghintay yata siya ng matagal sa gate ng isang babae," tatawa-tawang wika ni Atticus.

"O-okay. Sige, you can wait there in the sala," she said and welcomed them.

"Thanks," Aries said and smiled at her. Pagkatapos ay pumasok na ang mga ito. She went into the kitchen to fixed them some juice to drink. Pinilit pa rin niyang maging mabait sa mga ito. Wala namang kasalanan ang mga ito sa kanya.

Pero saktong pagkalabas niya ng sala para ibigay ang juice ay siyang pagdating naman ni Yego.

Yego acted as if nothing happened. Masaya nitong binati ang mga kaibigan at hindi siya pinansin. So nilapag na lamang niya ang juice sa table sa gitna ng sala at aalis na sana ng tawagin siya nito.

"Saritha, buy us some more beer and chips sa Lawson sa baba," utos sa kanya ni Yego.

"No, man, we're good," pigil ni Aries.

"Saritha!" untag sa kanya ni Yego. "Narinig mo ba ako?"

This man is despicable! She wanted to shout at him and hurt him pero pinigilan niya ang sarili. She composed herself and just nodded pagkatapos ay lumabas ng condo para sundin ang pinapabili ng asawa niya.

****

It was a rough ride back up dahil dalawang supot ang bitbit niya sa magkabilang kamay. Nang marating ang Penthouse ay pumasok siya ng dahan-dahan para hindi mabitawan ang mga dala-dala.

"Paano kung ako naman ang manligaw sa pinsan mo? Okay lang ba? We're friends naman." Narinig niyang tanong ni Aries kay Yego.

Saritha saw Yego just look at Aries and laugh. Nakatalikod sa kanya si Yego kaya hindi nito nakita ang pagpasok niya sa main door. "Really? Liligawan mo ang pinsan kong 'yon? Bro, Saritha's boring. She's a mute and all she ever does is charity work for the less fortunate. She's too much of a goody-goody and she'll bore you to death. Do you really want that?" tatawa-tawang wika ni Yego.

Aries and Atticus were silent. Nakatingin sila pareho sa pinto ngayon, sa kanya. Yego turned around as well and saw her standing there with a plastic bag full of chips and beer.

"Here," was all she said at inilipag ang mga dala-dala sa sahig bago lumabas muli ng condo. She didn't know what to feel after hearing him say those. Pero kahit na gulong-gulo ang isip niya, tuloy-tuloy naman ang mga luhang lumalabas sa mga mata niya. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman niya: galit, inis, lungkot. Finally, now she knows kung ano ba talaga ang tingin sa kanya ng binata - A boring charity nerd! And this didn't sit well with her because at the same time, she realized something. She realized that she wants him to think highly of her because she likes him... and she might even be falling in love with him.

She has had enough!

Mabilis siyang tumakbo papunta sa elevator. Hindi niya pwedeng maramdaman iyon. That guy is a complete ass! She can't love him! Kailangan niyang makalayo rito or else he will ruin her life in all aspects...

"Saritha!" someone called out from behind her. She knew it was him.

Pero bago pa ito makalapit sa kanya, she pushed the close button of the elevator and pressed Basement. Aalis na siya. Hindi na niya kayang tiisan pa makasama ang lalaking ito. She saw him na papalapit na sa kanya pero nakapagsarado kaagad ang elevator kaya hindi ito nakapasok.

***

Hi gals!  Let's please all learn to stand up for ourselves at wag hayaan ang mga bwisit na lalaking yan na pagmukhain tayong mga tanga!! Para sa katarungan!!!!!!

Vote, like and comment below. Would love to hear your thoughts. 😘😘😘

Chasing My Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon