Chapter 6

6.7K 233 58
                                    

Hindi pa rin gumaling si Yego kaya napilitan silang bumalik kagad sa bahay ng hindi man lamang tinatapos ang outreach. Naiwan doon ang mga kaibigan niya samantalang siya ay nag-drive pabalik ng Maynila.

Once they arrived at their unit, dire-diretso itong pumunta sa kwarto and she followed para ibaba rin ang mga gamit nila.

"I'll call a doctor. I'll ask my mom kung pwede 'yung family doctor namin," she said and was about to get the phone.

"No, just draw me a bath," utos nito.

"Bawal kang maligo habang hindi pa bumababa ang lagnat mo, Yego!" she briefly scolded him.

He smiled and turned to look at her. "You're starting to be more... vocal nowadays. I like it." He wrapped his arms around her and pulled her in a tight hug.

"Stop hugging me," iritang wika niya. "Umupo ka muna diyan. I'll get a towel to wipe you with. Hindi ka pa pwedeng magfull-blown bath!"

Just then, may nagdoorbell.

"I'll get that. Just stay here and rest," she ordered him at lumabas na ng kwarto. Pababa na siya ng hagdan ng tuloy-tuloy pa rin ang pagdo-doorbell sa labas. Parang hindi marunong maghintay yung tao.

And when she opened the door. She saw Aries, Atticus and a girl. Ito yung babaeng kahalikan ni Yego noong isang araw!

Gulat na gulat ang mga ito ng makita siya na sumagot sa pinto. "Sari?" Aries greeted her. "What are you doing here?"

The girl beside Aries look pissed. "Where's Yego?" the bitch asked, one brow raised.

"I called him and he said he was sick kaya dadalhan sana namin siya ng pagkain at gamot," Atticus said and raised some food takeouts. "Akala namin mag-isa siya."

"H-He... called me as well and I live in the same building so," pagdadahilan niya. "Pasok kayo."

The three visitors came in at hindi nakatakas sa kanya ang pag-irap ng babaeng kasama ng mga ito.

"Yego! Babe!" sigaw ng babae pagkapasok na pagkapasok nito.

Nakita niya na pababa na ng hagdan ang walanghiya niyang asawa at sasalubungin ang mga bisita nito. Talagang hubad pa ito at nakapantalon lang ng bumaba. Ginagalit talaga siya ng lalaking ito.

"Bro!" Aries greeted. "Hindi mo na pala kami kailangan. Nandito na pala ang pinsan mo."

Yego looked at her, warning her not to speak.

Atticus just sat down at the main sala with the huge fireplace. "Nice new place!" bati nito. "Anong ginawa mo at bigla kang binigyan ng ganito kagandang penthouse nina Tito?"

The girl reached out to kiss Yego on the lips at nagpaubaya naman ang lalaki. "I missed you, babe."

She breathed deeply and composed herself. She just reminded herself na mag-pinsan nga lang pala sila sa mata ng mundo. She closed the main door at iniwan na lang si Yego sa mga kaibigan at girlfriend nito. But before she could leave, tinawag siya ng nakakairitang babaeng iyon.

"Can you give us some ice? May dala kaming drinks."

"Fiona, it's fine," Aries said. "Malamig pa naman ang mga 'to."

"No, I want ice. Tell your cousin to get me some ice," Fiona told Yego.

Yego just stared at her. "You heard Fiona," walang emosyong wika nito.

She just nodded and went to the kitchen. Ibinaon niya sa dibdib ang galit at inis na nararamdaman. Kasalanan niya! Sinisisi niya ang sarili kung bakit siya nagpapadala sa mga paglalambing at pagyakap-yakap sa kanya ni Yego kagabi. She opened the freezer and realized na hindi niya pa nalalagyan ng tubig ang icemaker doon.

Chasing My Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon