Chapter 9

6.6K 257 33
                                    

Yego was wearing an all-black suit. Kakagaling lamang niya sa burol ng mga magulang ni Atticus. They got into an accident while on vacation. Atticus was now left with only his stepsister. Gustong-gusto niyang mag-stay at damayan ang kaibigan niya pero mas may importante siyang kailangang gawin.

It's been a week since hindi umuuwi at pumapasok sa school si Saritha.

"Damn it," he cursed while driving through the highway. Inuubos talaga ng babaeng iyon ang pasensya niya. Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng in-laws niya nang umuwi itong umiiyak? That's how he saw her leaving that night... crying. Hindi niya ito nahabol dahil nawala ito bigla at sinubukang niyang hintayin na lamang ito magdamag pero walang Saritha na umuwi ng gabing iyon. 

Papunta siya ngayon sa bahay ng mga Elizalde. Malamang ay umuwi doon si Saritha. As soon as she saw the high gates, bumusina kagad siya at isang guard ang lumabas sa mansion. Their family is as rich as the Tantocos kaya ito ang babaeng ipinakasal sa kanya. His family wanted no one else for him.

"Sir, sino po sila?" tanong ng guard.

"Yego Tantoco," he answered after putting the window down.

"Kaano-ano po kayo ng mga Elizalde?"

Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Hindi ba siya nakikilala ng lalaking ito. He may be just a security guard pero matunog ang pangalang Tantoco dito sa Maynila. They own a chain of hotels.

"I'm Saritha's husband," pinagdiinan niya ang salitang husband at kitang kita niya kung paanong nanlaki ang mga mata ng guard.

"May asawa na si ma'am Sari?" tanong bigla nito na parang hindi naniniwala sa kanya.

"Just open the damn gates kung ayaw mong mawalan ng trabaho," iritang utos niya at isinarado na ang bintana ng sasakyan niya. Mukhang natakot naman ang guard dahil pinagbigyan siya nito at binuksan ang gate. 

It was a modern mansion with a huge driveway. May mangilan-ngilang kotseng naka-park doon, mostly luxury cars. Bumaba siya pagka-park at dumiretso sa main door. May nakabantay doon na isang maid.

"Magandang umaga po. Kakilala daw kayo ni Ma'am Sari sabi ng guard sa labas," bati ng katulong sa kanya.

"I am her husband," ulit muli niya bilang pagpapakilala.

The maid just looked at him weirdly as if nagloloko siya. 

"Hijo! Welcome," masayang-masayang bati ng isang ginang na pababa ng grand staircase para salubungin siya.

"Ma," he greeted back and kissed her on the cheeks. It was Serene Elizalde, the CEO of Elizalde & Co. Architecture. 

"What a pleasant surprise," Serene said at niyaya siyang maupo sa grand sala. "Bring us tea, Dolor. You want coffee ba, hijo?"

Umiling siya. "Tea is good. I'm just here to fetch Saritha anyway."

Mukhang naguluhan si Serene sa sinabi ni Yego. "Si Sari? I thought... you both agreed to not live together yet."

"What?" he asked, dumfounded while sitting in this grandiose house.

"My daughter went back here last week saying na hindi pa daw kayo parehong handa to do a live-in immediately. Kaya dito daw muna siya. And her father and I totally understand that. You are practically strangers and we are sorry for not even considering kung komportable na ba kayo sa isa't isa," paliwanag nito.

"Can I talk to her?" he asked. He knows for sure na wala silang pinag-usapan na ganoon ng asawa niya.

"Hold on. Dolor, can you call Sari and tell her Yego's here."

Chasing My Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon