Chapter 7

6.7K 222 22
                                    



"It was so fun, Sari. Sayang lang talaga at umalis ka kagad. The smiles on the kids' faces are priceless," kwento ni Eunica habang kumakain sila ngayon sa cafeteria.

"Oo nga. Nako kasi! Bakit sumama pa 'yong pinsan mong sobrang sensitive pala sa kagat ng lamok. Nagkasakit kagad on our very first day sa immersion na 'yon," himutok ni Josh habang ine-enjoy ang donut na hawak nito ngayon.

She just shrugged. "Well, what's done is done. Hindi ko na talaga siya papasamahin next time."

"Yeah! You just wasted a whole week of being with those kids which you organized by the way para lamang kay Papa Chinito!"

Saritha just laughed at her friends complaints. She just continued eating while thinking. Gumaling kaagad si Yego nang makauwi sila sa Maynila noon. She stayed with him kahit na inis na inis siya dito noong binisita siya ng babae nito. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. She gave up her outreach activity and pride for him all of a sudden?

"Hoy, kinakausap kita, girl," untag ni Eunica sa kanya.

"Ha?" gulat na tanong niya. 

"Sabi ko, game ka ba mag-group study tonight? Sa bahay daw nina Anthony!" Eunica asked. 

Napaisip siya. "Sleepover?" Papayagan kaya siya ng asawa niya? 

"Gora. Game ako!" Josh said enthusiastically. "Sana naman may matutunan ako no?"

"S-Sige!" she said at tumango. "Game ako! Pero mag-aaral talaga ha! Baka naman magparty lang tayo doon."

"Loosen up! Para namang malalaman ng mga magulang mo no?"

She breathed deeply. Hindi pa alam ng mga kaibigan niya na lumipat na siya ngayon sa condo ng asawa niya. Well, no one knew she was even married in the first place... to that man three tables away from them na ngayon ay nakabantay sa kanya.

Sari looked at Yego's direction kasama ng mga kaibigan nito. She smiled at him. He didn't smile back. Well, masungit naman talaga ito. 

****

That afternoon, nasa locker room si Sari at ibinabalik lahat ng mga libro sa locker niya na hindi niya kailangan sa sleepover mamaya. It was already dismissal at uuwi lang siya to get some clothes.

"Let's go!" a voiced boomed behind her.

Lumingon siya at nakita si Yego sa likod niya na nakabantay.

"Ang bagal mong kumilos," pagrereklamo nito. "Tara!"

"Wait, I'll just get all the books I need for tonight's sleepover," she said. She got some of her Math books before closing her locker. At pagkaharap niya kay Yego ay madilim ang mukha nito.

"What sleepover?" iritang tanong nito. 

"I have a group study later with Eunica and Josh and others..." she whispered. Ayaw niyang pagtinginan sila ng ibang mga classmates niya doon. 

"You're not going. You didn't even ask for my permission." And he turned around para mauna na sa paglalakad.

Hinabol niya si Yego habang papalabas na ito ng building papuntang parking lot. "But I already said yes to my friends."

He just smirked. "I hate to remind you, Sari. But you're already married. To me. And that means I have to know your whereabouts whenever and wherever. And please, have the decency to ask for my permission first bago ka pumunta kung saan-saan." He went to a parked SUV at binuksan iyon.

"But I already said-"

"Sakay!" sigaw ni Yego. 

Kaya dali-daling sumakay si Sari sa sasakyan. She breathed deeply bago nag-seatbelt. Nagiisip siya ng paraan para mapapayag ang asawa niya na magsleepover siya. "Mag-aaral lang naman kami at ginagawa ko 'to noon pa. Why am I not allowed to go with them this time?"

Pinaharurot na ni Yego ang sasakyan. "Who else will be there?"

"Our other classmates?"

"Will there be boys?" 

Nangunot ang noo niya sa tanong nito. "Of course, there will be. We usually study as a big group."

"And sleep together as well in one room, right?" mapang-uyam na tanong nito.

"Wala naman kaming gagawin kundi mag-aral lang," she defended herself. 

"Sumasagot ka na ngayon." Umiling pa rin ito. "Pwede kang magaral sa bahay natin. Hindi mo kailangang lumabas."

She just kept quiet and sulked in her seat, looking outside. Palagi na lamang ito ang nasusunod sa kanilang dalawa. Hindi ba nito naiisip na may sarili din siyang buhay at mga kaibigan at hindi niya pwedeng basta na lang talikuran lahat ng mga 'yon para sa kanila. She's even given up the outreach for him. 

Samantalang ito, patuloy pa rin sa pakikipagkita sa mga barkada niya at sa babae nito. 

"Good, just stay like that. I like you better when you're my obedient wife," he said and held her hand to kiss it. 

She just sighed and stared outside, not minding him. Mukhang hindi nga niya ito matatakasan ngayong gabi.

****

It was a silent dinner for them both. Nagprepare lang siya ng bacon. Two weeks na rin silang magkasama at nasanay na siya na pinagluluto ito pagkauwi nila sa bahay. 

It was awfully quiet dahil ayaw niyang kausapin ito. Masama pa rin ang loob niya sa pag-control nito sa hindi niya pagsama sa mga kaibigan niya ng gabing iyon. 

She was cleaning the dishes ng maramdamang may yumakap sa kanya mula sa likod. 

"You're still mad?" It was Yego.

"No," tipid na sagot niya at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato. 

"I'm sorry. I just don't want anything to happen to you," he whispered and kissed her cheek.

When did he start being sweet? Sinubukan niyang kalasin ang braso nito na nakayakap sa bewang niya pero hindi ito nagpatalo.

"You want to watch a movie?" he asked.

"Mag-aaral ako. May exam kami bukas."

He smirked. "You're smart. Hindi mo na kailangan mag-aral." And he suddenly stroked the sides of her hips and ground himself on her bum. 

"What are you doing?" she asked at in-attempt na kumawala sa pagkakayakap nito.

But he held her firmly in place and started kissing her neck. "You smell so nice... like roses..." he whispered in between kisses.

"Yego, ano ba," she said and squirmed in his embrace. 

And all of a sudden, he lifted her up to his shoulders at napatili siya sa biglang pag-ikot ng paningin niya.

"Put me down!" sigaw niya.

He just laughed at her reaction at dinala siya pataas ng hagdan papunta sa kwarto nila. "I'm sorry for not allowing you out tonight. I'll make it up to you, Sari..." he said and started kissing her pagkalapag niya ng kama. 

His kisses were intoxicating. Kahit yata anong pigil niya dito ay hindi ito magpapapigil sa gusto nito. Hanggang sa hindi na rin niya napigilan ang sariling tumugon sa mga halik nito. She was a virgin, yes. Pero simula ng ikasal sila, she felt as if it was okay to surrender herself to him anytime he wants. And so, it happened.

Chasing My Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon