CHAPTER 6

1.5K 41 1
                                    

Mahina siyang napadaing saka tiningala ang may ari ng katawan na nabunggo niya.

Kumurap siya para makita ang mukha ng nabunggo niya.

" Zach..?"

Humakbang siya paatras para bigyan ng distansya ang katawan nila at para mas maaninag ng malinaw ang mukha nito.

" Where have you been? Hating gabi na uwe ba to ng isang babaeng may asawa." Sabi nito sa kanya.

" Oh, it's you. Himala at umuwi ka." Sagot niya dito. Nahihilo na talaga siya kaya napahawak siya sa braso ni Zach.

" Pinakatitigan siya ng asawa saka napailing. " Lasing ka? Bakit kaba nag lasing huhh? Alam mo bang delikado para sa isang babae ang malasing.?

" Remember..... Jillian my best friend niyaya niya ako sa isang bar kasi gusto niya raw akong makasama dahil matagal niya na raw akong hindi nakita." Naiiyak niyang sabi rito." Hindi ko man lang napansin na may mabigat siyang problema..

Inalalayan siya nito papunta sa sofa.
" Ang Sama kong kaibigan......" Marami pa siyang sasabihin pero hindi siya hinayaan ng nahihilo niyang pakiramdam. At habang nakapikit siya dahil sa pagkalasing hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Maddie woke up in a very familiar room. Nagsalubong ng kilay na bumangon sa kama kinusot niya ang mata habang hinalungkat sa isip kung paano siya napunta sa sariling kwarto.

" Shit...." Mahina siyang napamura ng tumayo siya at umikot ang paningin niya niya.

" Bumalik siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama hanggang sa tumigil ang pagkakahilong naramdaman niya.

Iminulat niya ang mga mata saka bumuga ng marahas na hininga. Akmang tatayo siya para bumaba ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Zach.

Ng tingnan niya ito ngumiti lang ito papunta sa kanya. Ano kayang nakain nito ilang araw na hindi nagpapakita sa kanya tapos Kung ngumiti akala mo katapusan na ng Mundo.

Good morning, My wife. " Bati nito sa kanya at tumigil sa harapan niya saka dumukwang para halikan siya sa labi.

" Nakatulala lang siya matapos siyang halikan sa labi." Tinawag siya nitong My Wife Ano bang nangyayari dito. Bakit ba parang nakipagkarera ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok.

Magsasalita sana siya ng maunahan nito.

" You stink, Wifey." Putol nito sa sasabihin niya.
Para siyang nagising sa sinabi nitong mabaho siya. Kaagad niyang inamoy ang sarili niya saka inamoy ang sariling hininga. Napangiwi siya ng maamoy ang alak sa hininga niya. Kaagad siyang lumayo dito.

" Huwag mo akong kausapin." Asar niyang saad rito. Ngayon niya nga lang ito makausap sa ganitong sitwasyon pa.

" oh! God, Ang baho ko." Usal niya sa sobrang hiya.

Nang tumingin siya dito Nakangiti ito sa kanya.

" Yes, you smell bad, Wifey. Yan ang mangyayari kapag naglasing ka." Naalala niya ang nangyari sa kanya kagabi kailangan niyang makausap si Jillian..

Inirapan niya ito saka nilampasan at nagpunta sa cr.

Paglabad niya ng banyo wala na si Zach sa kwarto kaya nag ayos siya ng sarili. Mabuti naman lumabas ito at Hindi siya mapakali kapag malapit sila sa isa't isa sa sobrang bilis ng tibok mg puso niya. Kinuha niya ang cellphone para tawagan si Jillian.

" Where are you." Bungad niya dito ng sagutin nito ang tawag niya.

" Sa bahay lang, bakit? " Mahinang sagot nito sa kanya

MY WIFE'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon