Chapter 25

1.9K 43 7
                                    

Kinabukasan paggising niya nagpunta siya sa kusina para magluto ng agahan nila ni Zach at magtimpla ng gatas.
Napaaray siya ng Maramdaman niya ang paghaplos ng init sa balat niya. Napasong binitiwan niya ang basong hawak at hinipan ang bahagi na nagtalsikan ng mainit na tubig.

Pagkatapos niyang inumin ang gatas ay napag isipan niyang bisitahin ang biyenan niya. Paakyat na siya sa guestroom ng makasalubong niya sa hagdan si Zach.

" Good morning." Bati niya dito.

" Morning..." Sagot nito sa kanya. Ang mata nito nakapikit parin habang hawak ang ulo nito.

" Anong nangyari sayo? Tanong niya dito. Sinundan niya ito hanggang sa makababa at umupo sa sala.

" Masakit ang ulo ko."

" Hangover. Pumunta ka sa kusina at may inihanda akong agahan. Pagkatapos mong kumain uminom ka ng gamot." Sabi niya dito.

Pagkatapos niyang maligo. Nagsuot siya ng oversized t shirt at lumabas ng banyo. Paglabas niya ng banyo nakita niyang nakaupo si Zach sa kama niya.

" Anong ginagawa mo dito?"

" Simula ngayon dito na ako matutulog. Since ayaw mo naman bumalik sa kwarto natin kaya pinalipat ko na ang nga gamit ko dito Kahapon.

"What? Baliw kaba!."

" I'm not." Seryosong sabi nito sa kanya.

Nang tingnan niya ang mukha nito may nakita siyang dumi kaya hinawakan niya ang pisngi nito para tanggalin ang dumi.

Napansin niyang nakatitig si Zach sa kanya." May dumi ka sa mukha." Sabi niya dito.

" Are you trying to seduce me?" Sabi nito sa kanya . Nang tingnan niya ang sarili saka niya lang naalala na wala nga pala siyang saplot sa katawan bukod sa isang manipis na oversized t- shirt kaya naman nakabakat ang dibdib niya at basa pa ang buhok niya.

" Bakit, affected kaba? " sabi niya dito saka tumayo at iniwan niya itong Nakatulala at nagtungo sa closet para kumuha ng damit para suotin. Pagkatapos niyang magbihis nagtungo siya sa harap ng tokador niya at naglagay ng manipis na lipstick saka nag polbo.

Nagsusuklay na siya sa buhok ng magsalita si zach." Saan ka pupunta?

" Namiss ko sila Mommy at Daddy kaya dalawin ko sila ngayon. Wag muna akong hintayin mamaya at sa Mansyon ako matutulog."

" Sasama ako." Sabi nito sa kanya saka tumayo at nagtungo sa closet. Totoo ngang nilipat nito ang mga gamit nito sa guestroom. Hindi man lang niya napansin kagabi pagdating nila." Para talaga itong baliw. Hindi niya maintindihan at paiba iba ang mood." Nakakaasar.." Pagkatapos magsuklay sa buhok tumayo siya..

" Matagal kapa ba? Mauna na ako kung magtatagal kapa." Sabi niya dito.

" Just give me five minutes and then I'm done."

" sa baba na kita hintayin. . ." Aniya at lumabas sa kwarto.

Kakaupo niya lang sa sofa nang makita niyang pababa na si Zach ng hagdan nakabihis na ito. Ang gwapo nito sa suot nitong gray short at white t shirt . ." Ang sarap pugpugin ng halik." Pilyang bulong niya.

" Let's go. . ."

Tumango lang siya dito. Inalalayan siya nito sa pagpasok sa kotse.

Nang dumating sila sa mansyon. Eksakto namang tumawag si mommy Kay Zach at nagsabing sa resthouse muna ito sa batangas manatili para makapag bakasyon. Wala silang naabutan sa Mansyon at pinauwe muna ang mga katulong sa kani kanilang pamilya at wala naman daw gagawin sa mansyon. Si Nanay Seling na Yaya ni zach mula pagkabata naman kahapon pa umuwi sa probinsya para dalawin ang mga kamag anak nitong matagal na di nakikita.

MY WIFE'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon