CHAPTER 23

1.5K 39 0
                                    


Makalipas ang ilang linggo simula ng magkasakit siya. Naging maayos naman ang pagitan nila ni Zach yun nga lang di na sila katulad ng dati. Binigyan niya ng distansya ang sarili niya dito at ayaw niyang masaktan ng sobra lalo na ngayon. Hindi pa niya nasabi rito ang pagbubuntis niya at palagi itong busy sa kompanya. Ilang araw din silang hindi nagkikita dahil may business trip lagi ito sa ibang bansa.

Ilang araw na din siyang hindi umuuwe sa Penthouse at sa Mansyon siya natutulog at minsan kapag gabi na siyang matapos sa daming ginagawa sa boutique siya nagpalipas ng magdamag.

Hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang gawin sa mga nakatambak na trabaho na kailangan ng pirma niya. Parang gusto niyang magbakasyon para makapag relax siya.

Huminga siya ng malalim at inumpisahan ang trabaho niya. Hindi pa siya nakakapangalahati ng may kumatok sa opisina niya.

" Pasok. . ."

" Good morning, Maddie." Bati ni Nikka sa kanya ng makapasok.

" Morning." Nakangiting bati niya dito.

May inabot ito sa kanyang papel." What is it?

" List yan ng mga items na kailangan para sa wedding ngayong buwan.

Itinigil niya ang ginagawa at humarap kay Nikka." Salamat.

Sa halip na umalis tinitigan siya nito." Anong nangyari sa buhok mo?

Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri. " Nagpagupit ako at pinakulot ko yung dulo ng buhok ko." Pangit ba?

Umiling ito." No. Bagay sayo mas lalo kang gumanda." Saka tiningnan nito ang mukha niya." You're gaining weight and you look radiant today?

Radiant? Siya? Stressed nga siya. Baka epekto lang ng pagbubuntis niya."
" Hindi lang ako nastressed sa work ngayong week kaya glowing akong tingnan.

" Sabi mo eh." Ani Nikka sa kanya saka umalis na.

Pagkatapos niyang pirmahan ang mga kontrata nagligpit siya ng mga gamit sa table niya. Uuwe siya ng maaga ngayon sa Penthouse.

Pagdating sa penthouse umakyat siya sa guestroom para magbihis. Nang mahubad niya ang damit niya sa katawan. She angled her body to one side, then to another. Tumataba na talaga siya dahil sa lakas niyang kumain.

" Oh, my god." Mukhang tataba pa si Mama mga anak." Mahinang sabi niya habang nakatingin sa salamin. Ramdam niya na ngayon ang pagbabago sa katawan niya hinawakan niya ang kanyang balakang ng tingin niya ay lumapad. Hinaplos niya ang tiyan niyang hindi pa naman kalakihan. Hindi pa halata na may laman iyon. Sinapo niya ang kanyang dibdib na parang banat na banat ang mga iyon at lumalaki.

Umikot siya to check her bum. Mabilog yon inabot niya ang underbutt niya at pinisil iyon. " Grabe ang taba niya na talaga.

" Mga anak, huwag naman kayong masyadong matakaw. You always make mama hungry. " Dismayado siyang bumuntong hininga na naglakad at umupo sa kama. Bago tinantanan ang pagsuri sa katawan niya.

Ngunit ng makaupo siya sa kama nagulat siya ng makita si Zach na nakatayo sa may bungad ng pintuan. Para itong natuklaw ng ahas na nakatulala. Ang mga mata ay nakatuon sa kanya.

" Zach!" Sigaw niya dito at pinagsalikop ang mga braso para takpan ang nakalantad niyang dibdib. Nahimasmasan naman ito ng batuhin niya ito ng unan.

" So-sorry." Hinging paumanhin nito sa kanya. Pero ang mata ay sa katawan niya parin nakatuon. Sinundan niya ang tingin nito napasinghap siya ng napagtantong wala pala siyang saplot kahit isa sa katawan.

" Zach, labas!" Malakas na sigaw niya dito. Mabilis nitong hinila ang pintuan pasara ng makitang may ibabato siya dito. Kinuha niya ang roba na isinampay niya kanina sa silya na nasa tapat ng dresser niya at isinuot iyon. Lumabas siya ng silid. Nalabasan niya si Zach na palakad lakad sa tapat ng silid.

MY WIFE'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon