Hindi na siya nagpaalam kay Zach. Naglalakad siya papunta sa isang convenience store malapit sa Penthouse. Pagkatapos niyang kumain ng ice cream nag decide siyang mag grocery at malapit lang naman.
Marami siyang biniling stock para hindi na siya pabalik balik sa supermarket. Sinilip niya ang cellphone tiningnan niya kung nakapag book naba siya ng grab. Pero walang nag accept sa kanya dahil rush hour. Pumila siya sa mga naghihintay ng taxi. " Ang haba naman ng pila. Tapos madalang pa ang dumadating na taxi dun na siya nagsimulang mairita. Kumulog pa ng malakas at kumidlat." Wag naman sanang ...
" Umuulan." Nagtakbuhan ang ilan sa nga pasaherong nakapila. Hindi niya alam kong aalis ba siya dahil sa dami niyang bitbit. Pero nasa unahan na siya ng pila kaya no choice siya kundi ang magpaulan para naghintay ng paparating na taxi.
Basang basa na siya ng may dumating na taxi. Giniginaw siya." God. Saka niya lang naalala na buntis pala siya." Ano bang ginagawa niya." I'm sorry babies." Mahinang usal niya.
Her phone ring. Nang malapit na siyang makarating sa penthouse. Si Zach ang tumatawag sa kanya.
" Where are you, woman?
" Pauwe na ako may binili lang ako sa labas.
Mabuti nalang at tumila na ang ulan ng makarating siya sa penthouse. Maingat siyang bumaba sa taxi at binitbit ang mga plastic na may laman ng mga binili niya. Papasok na siya ng unit ng salubungin siya ng isa sa staff ng condominium.
" Ma'am tulungan ko na po kayong magbuhat." Nakangiting sabi ng isang staff na lalaki
" Salamat.
Pagdating niya sa unit. Nakabusangot ang mukha ni Zach ang bumungad sa kanya." Lumingon siya sa staff na tumulong sa kanya sa pagbuhat."
"Salamat."
" You're welcome, Ma'am." Saka nagpaalam sabay talikod sa kanya at naglakad papunta sa elevator.
Binuhat niya ang mga pinamili papunta sa kusina habang nakasunod si Zach sa kanya bitbit ang iba pa niyang pinamili.
" Ako na ang mag ayos ng mga yan. Magpalit kana ng damit baka magkasakit kapa.
" Thank you."
Mabilis siyang nagshower at nagpalit ng damit at lumipat siya sa guestroom para dun magpahinga.
Pagkatapos ng pagtatalo nila ni Zach kanina nasaktan siya sa mga sinabi nito kaya mas maganda siguro kung sa guest room na siya matutulog simula ngayon. Humiga siya sa kama at binalot ang sarili sa comforter.
Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Nakita niyang hawak ni Zach ang kamay at mayron siyang fever patch na nakalagay sa nuo niya. Mayron din maliit na palanggana na may bimpo sa gilid niya.
Her throat was dry and she was sweating uncomfortably.
" What do you need?" Masuyong tanong nito sa kanya at bumangon saka tiningnan ang orasan." Wait, I'll get you soup.
Pipigilan na sana niya ito pero mabilis itong nakalabas ng kwarto." Bakit nandito ulit siya sa Master bedroom? Bumangon siya para uminom ng tubig.
" Eat this." Umupo si Zach sa kanyang harapan akmang susubuan siya nitong mabilis niyang kunin ang kutsara sa kamay nito." Ako na. Pagkatapos niyang kumain inabot nito sa kanya ang gamot." Nagdalawang isip siya kung pwede niya ba yung inumin baka makasama sa mga anak niya pag uminom siya ng gamot." Tinanggap niya ang gamot na binigay nito pero palihim niyang iniluwa ng tumayo ito para dalhin ang plato sa baba.
Bumalik siya sa paghiga. Pagkalipas ng ilang minuto bumalik si Zach sa kwarto at nasa harap niya ito ngayon.
BINABASA MO ANG
MY WIFE'S SECRET
RomanceMaddie is a simple woman who have a dream to have a family that she can take care. Simula ng dumating siya sa pamilya Furrer nagbago ang pamumuhay niya at dun hindi niya akalaing mainlove siya sa nag iisang anak ng mga Furrer na sobrang gwapo at suc...