CHAPTER 21

1.4K 37 4
                                    


Congratulations you are 4 weeks pregnant." Anunsyo ng ob-gyne sa kanya.

Nag init ang sulok ng kanyang mata." Is this really happening? I'm gonna be a mom?

" Yes. You're gonna be a mom.

" Is my baby okay?

" We will see." Nakangiting sagot ng doktora sa kanya at inaya siya sa ultrasound room.

" Oh, my baby. Pinahirapan mo si mama this past few days.

" Babies." Sabi ng doktora sa kanya.

" What do you mean, doc? Naguguluhang tanong niya dito.

" You'll having twins, Maddie. They look perfectly normal.

Hindi niya mapigilang matuwa habang umiiyak.

" Are you ready for the hearbeat?

Tumango tango siya. She heard a faint sound until its get stronger and louder. It was fast. Tila nag uunahan.

Binuksan niya ang cellphone and recorded the video of the heartbeat. Gusto niya itong panuorin araw araw.

Nang lumabas siya ng silid hindi niya mapigilang mapaiyak." Hindi niya alam kung paano sabihin to kay Zach." Mas mabuti siguro kung hindi niya muna sabihin.

Sumakay siya sa kotse niya at Tinawagan si Jillian ang kaibigan niya

Nakilang ring muna yon bago sinagot.

" Hi, Maddie. Sorry hindi ko kaagad nasagot ang tawag mo. Alam muna sobrang busy ko ngayon para sa preparation ng wedding ko.

" How are you?

" I'm good, maddie. How about you?

" Okay naman. Busy kaba ngayon .

" Hindi naman masyado. Nasa bahay lang ako ngayon.

" I miss you, Jill." Paglalambing niya dito.

" I miss you more, Maddie. May problema kaba. Nag away ba kayo ni Zach?

Mabilis siyang umiling na akala mo nasa harap niya ang kausap." Wala naman. Gusto lang kitang makausap.

" Uyyy naglalambing..." Tudyo nito sa kanya.

" Jill, masaya ako para sayo at sa wakas nahanap muna ang taong magpapasaya sayo.

" Salamat, Maddie. Kilala kita kaya alam kong may gusto kang sabihin sa akin kaya ka napatawag. Tawagan mo ako agad kapag handa kanang sabihin sa akin ang problema.

" Salamat.

" Mag ingat ka lagi, okay. Alam mo bang Mas nag-alala ako sayo simula ng mag-asawa ka

" Bakit naman?

" Dahil hindi kana halos nagpapakita sa akin at ramdam kung may tinatago ka sa akin at palagi mong sinarili yung mga problema mo.

" Jill...."

" Naiintindihan ko naman. Basta lagi mong tandaan nandito lang ako palagi para sayo.

" Salamat, Jill..

" You're welcome. Puntahin kita sa boutique mo sa susunod na araw.

" Hihintayin kita." Bye. I love you.

" I Love you too." Nang mawala sa kabilang linya si Jillian. Nagmaneho siya pabalik sa penthouse. Dumaan siya sa isang coffee shop ng may nadaanan siya.

Pag- upo niya Tinawagan niya si Zach pero nakilang ring na yon hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ipinatong niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa at iginala ang paningin sa loob ng cafe.

MY WIFE'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon