Pagkatapos ng narinig niya mula Kay Zach pilit niyang inignora ang sakit na nararamdaman. Kasalanan naman yan kung bakit siya nasasaktan ngayon. kung may dapat mang sisihin kung bakit siya nasasaktan ngayon. " Siya lang."
Hindi siya pwedeng mag mukmok dahil lang sa nalaman kailangan niyang maging matapang.
Para mabaling sa iba ang atensyon. Kinuha niya ang laptop at tiningnan ang mga files na pinasa ni Nikka sa kanya kagabi." Hey?" Nag angat siya ng tingin nakita niyang papasok si Zach sa kwarto.
" Bakit?" Sagot niya dito saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Nakaupo siya sa kama habang busy sa pag review ng mga contract.
" Are you busy?" Naupo ito sa tabi niya at sinilip ang ginagawa niya.
" Yes." Maikling sagot niya. Lumayo siya ng kaunti dito ng mapansing dumikit ang katawan nito sa kanya." Pilit niyang inaalala ang narinig niya kanina sa study room.
Inabot nito ang kamay niya saka masuyong hinaplos. Napapitlag siya agad niyang inilayo ang kamay na akala mo ay nakuryente.
" May problema ba?" Tanong nito sa kanya ng mapansing lumayo siya dito. Umiling lang siya saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
Sa pagkakataong iyon nag angat siya ng tingin Kay Zach nakita niya ang iritasyong nakarehistro sa mukha nito." Maddie, May problema ba? May nagawa ba ako na Hindi mo nagustuhan." Seryosong tanong nito sa kanya.
" Zach, walang problema kaya iwanan mu muna ako at marami akong ginagawa. " Akmang magsasalita ito ng itaas niya ang kamay." Please, wag ngayon at wala ako sa mood.
" Okay. " Maikling sagot nito saka lumabas ng kwarto.
Pagkatapos niyang ma review lahat ng contract sunod niyang ginawa ang expenses ngayong buwan sa boutique. Saka Tinawagan niya si nikka.
" Nakausap muna ba si Ms. Martinez?" Tanong niya dito ng sagutin ang tawag niya.
"Yes. I already talked Ms. Martinez, Maddie. Pumayag siya sa preposition mo na ulitin ang prenuptial shoot niya. Bukas lang ang free time nila ng fiance niya at hindi raw sila pwede sa ibang araw kaya ni resched ko ang ibang meeting tommorow para maisingit ko sila.
" Thanks, Nikka. " Kumain kayu ng dinner sa labas mamaya sagot ko, Okay.
" Sige, sabihin ko sa kanila." Salamat.
Makalipas ang ilang oras. Isinandal niya ang likod sa headboard ng kama ng Maramdaman niyang sumasakit ang likod niya. Nang bumaba siya kanina para kumuha ng tubig hindi niya nakita si Zach sa sala kahit sa study room." Saan kaya yun nagpunta?"
Nakaramdam siya ng gutom. Bumaba siya papunta sa kusina. Kumuha siya ng cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig saka umupo. Tahimik siyang kumakain ng pumasok si Zach sa kusina. Nagtimpla ito ng kape at umupo sa harap niya.
" Are you mad at me? Bakit lagi mo akong iniiwasan?" Tanong nito sa kanya.
" Hindi ako galit sayo at bakit naman kita iiwasan.
" Hindi ka galit sa akin? "
" Hindi.
" Hindi mo ako iniiwasan?
" Hindi nga." Bakit ba ang kulit mo?
" Then, let's go.
" Hah?" Naguguluhang tanong niya dito ng hawakan nito ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo.
" Where are we going, Zach?
" Kagaya ng sinabi ko kanina. I'll spend my whole day with you.
" Are you serious? Wala kabang Gagawin ngayon?
BINABASA MO ANG
MY WIFE'S SECRET
Roman d'amourMaddie is a simple woman who have a dream to have a family that she can take care. Simula ng dumating siya sa pamilya Furrer nagbago ang pamumuhay niya at dun hindi niya akalaing mainlove siya sa nag iisang anak ng mga Furrer na sobrang gwapo at suc...