Nang magising siya ay maliwanag na ang kwarto. Pinuno na ng liwanag mula sa labas ang silid. Pupungas pungas na bumangon siya. "Wala si Zach sa tabi niya. Walang bakas na tumabi ito sa pagtulog niya kagabi." Mahinang bulong niya. " Hindi man lang ako ginising. Iniligpit niya ang kama at lumabas ng silid. Pagkatapos ay nagpalit ng suot. Kumuha siya ng malaking t shirt sa closet niya at sinuot.
Isang linggo na niyang laging kasabay si Zach sa breakfast at dinner pero nasanay na siya. Masaya siya tuwing gigising siya na mukha nito ang mabungaran niya.
Katahimikan ang sumalubong sa kanya paglabas. Nakasimangot na nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng gatas.
Napamulagat siya ng makitang may nakahain ng almusal para sa kanya.
Tinanggal niya ang nakatakip sa pagkain. May sinangag, scrambled egg at hotdog. May gatas na ring nakatimpla at mainit init pa yon.May nakita siya note katabi ng mug. Nakangiting binasa niya iyon.
" Good morning wifey, pinagluto na kita ng breakfast. Maaga akong umalis at may meeting ako sa labas. See you later, Wifey.
Zach
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Ang lalaki talagang yun punong puno ng kasweetan and Never fail to make her smile.
Umupo siya at nagsimulang kumain. Pagkatapos kumain sinimulan niya ng magligpit sa pinagkainan at marami siyang labahan. Sabado ngayon kaya hindi siya pumasok sa boutique gusto niyang magpahinga at napagod siya KahaponNakapamaywang siya habang tiningnan ang labahan niya." God, bakit sobrang dami?"
Pagkalipas ng ilang oras natapos rin siya sa paglalaba at paglilinis ng unit. Masakit ang batok at likod niya. Nagtungo siya sa sala para magpahinga.Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog basta ng magising siya at tumingin sa labas madilim at umuulan na sobrang napakalamig. Saka niya lang napansin na nasa kwarto siya. " Paano siya napunta dito." Hmmm... baka dumating na si Zach at nilipat siya sa kwarto. Nagpapahinga lang siya sa sofa kanina pero hindi niya akalaing makatulog siya.
Naghilamos muna siya ng mukha. Pagkatapos lumabas siya ng silid at hinanap si Zach.
Natagpuan niya ito sa sala kung saan siya natulog kanina. Abala ito sa harap ng laptop at maraming nakakalat na papeles sa sofa at sahig.
Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito.
His eyes instantly meet hers. Ngumiti sa kanya." Kagigising mo lang?" Tanong nito sa kanya habang abala parin sa harap ng laptop.
" Oo. Kahit sa bahay nagtatrabaho kapa rin." Tanong niya sito.
" Yes. May tinatapos lang ako." Bakit sa sofa ka natutulog kanina?
" Nagpapahinga lang ako hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa pagod.
" Hindi mo naman kailangan gawin yon. Andiyan naman si Maggie para maglaba at maglinis dito twice a week.
" Alam ko. Pero ayaw ko kasing walang ginagawa sa maghapon.
"Maddie, Next time. Wag munang gawin yun, okay. Gusto ko magpahinga ka at alam kong pagod ka sa boutique.
" Okay." Maikling sagot niya dito. Tahimik niya lang itong pinagmasdan. Kagigising niya lang pero parang gusto niya namang matulog at hikab siya ng hikab sa harap ni Zach.
" Still sleepy? " Tanong nito sa kanya.
" Yeah. Ang haba ng tulog ko pero inaantok parin ako.
" Umakyat ka na sa kwarto gisingin nalang kita mamaya pagtapos ko dito.
" Wag na magluto nalang ako ng hapunan natin para mawala ang antok ko?
" are you sure?
" Oo."

BINABASA MO ANG
MY WIFE'S SECRET
RomantikaMaddie is a simple woman who have a dream to have a family that she can take care. Simula ng dumating siya sa pamilya Furrer nagbago ang pamumuhay niya at dun hindi niya akalaing mainlove siya sa nag iisang anak ng mga Furrer na sobrang gwapo at suc...