Pagdating niya ng Penthouse nakita niya si Zach sa sala parang inaabangan talaga nito ang pagdating niya." Anong ginagawa mo dito? Wala kabang work ngayon sa office at nandito ka? Tanong agad niya dito ng makaupo sa tapat nito.
" I have a lots of work sa office. Umuwi lang ako para ibigay ito sayo."
May inabot ito sa kanyang sobre." Ano to?"
" Open it.
Nang buksan niya ang sobre invitation iyon para sa isang birthday party. " Hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin na pumunta sa party. You can go, Zach." Sabi niya dito.
" You're coming with me, Maddie. At gusto kang makilala ng mga kaibigan ko.
" But--"
" No, but. " Sasama ka sa akin tonight and that's final . ."
" Okay. . "
" See you later.." sabi nito sa kanya sabay tayo.
" Saan ka pupunta?
" Sa office may tatapusin lang ako. Sunduin kita ng 7 pm para sabay na tayong magpunta sa party.
" Sige. Ingat ka." Sabi niya dito.
" I will." Sabay halik nito sa nuo niya saka naglakad palabas. Nasa may pintuan ito ng muling humarap sa kanya.
" What?
" Wag kang magsuot ng revealing na dress mamaya sa party. Turtle neck dress ang isuot mo." Sabi nito sa kanya bago tuluyang lumabas.
Pagkaalis nito tumayo siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng pwedeng makain habang nanonood ng palabas. Nang buksan niya ang ref nakita niyang marami iyong laman. " Oh. Mukhang nagluto si Maggie kanina pagkatapos maglinis sa Penthouse."
Bumalik siya sa sala dala ang popcorn. Binuksan niya ang TV at gusto niyang manood ng drama. Palipat lipat siya ng channel ng may makita siyang magandang palabas." Fated to love you" ang title ng Korean drama.
Pinupunasan niya ang luha ng tumutulo sa magkabilang mata niya at nadala siya sa eksena." Ang eksena kung saan nalaman ng bidang babae na may sakit ang bidang lalaki.Nasa kalagitnaan siya ng pinanuod ng makatanggap siya ng message galing Kay Zach.
" Hindi kita masundo mamaya at may biglaang meeting sa board mamaya. Tinawagan ko si Eric na daanan ka diyan sa Penthouse. Kita nalang tayo sa party. Im sorry.
Naiinis na nilapag niya ang cellphone sa gilid niya at bumalik sa pinanood hindi niya nireplyan si Zach.
Pagkatapos niyang manuod umakyat siya sa taas para maghanap ng pwede niyang suotin sa party. Nang tumingin siya sa salamin namamaga ang mata niya sa kakaiyak sa pinapanuod.
5 pm pa lang ng makatanggap siya ng tawag mula sa matalik na kaibigan.
" Hi, Jill. " bati niya dito
" How's the little babies? Tanong nito sa kanya.
" Okay Lang naman." Bakit ka napatawag?
" Tumawag si Eric sa akin ngayon lang tinawagan daw siya ni Zach na daanan ka mamayang 6pm sa birthday party ni George.
" Ganun ba. Dumiretso na kayo sa pag-akyat pagdating niyo at iwanan kung bukas ang pintuan pagpasok sa penthouse.
" Sige.
5: 30 pm pa lang nagsimula na siyang gumayak at Ayaw niyang maghintay ng matagal si Jillian at Eric sa kanya. Naglagay siya ng light make up sa mukha niya. Hindi na niya kailangan kulutin pa ang buhok niya at natural namang kulot ang buhok niya. Hinayaan niya lang nakalugay ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
MY WIFE'S SECRET
RomanceMaddie is a simple woman who have a dream to have a family that she can take care. Simula ng dumating siya sa pamilya Furrer nagbago ang pamumuhay niya at dun hindi niya akalaing mainlove siya sa nag iisang anak ng mga Furrer na sobrang gwapo at suc...