CHAPTER 20

1.5K 38 3
                                    

Mataas na ang araw ng magising siya. Wala narin sa tabi niya si Zach. " Himala ata ngayong araw at hindi ako naduduwal at nahihilo." Kailangan niya na talagang magpatingin sa doctor pagbalik ng maynila. Pumunta siya sa terrace nakita niyang nakaupo si Zach hawak ang cellphone nito.

" Kanina kapa gising? Tanong niya dito.

" Yup an hour ago." Sagot nito sa kanya pero nasa cellphone parin nito ang atensyon.

" Bakit di mo ako ginising?

"I want you to take a rest, wifey. Pagbalik natin ng Manila maging busy kana naman at hindi ka nakatulog ng maayos dahil sa dami mong trabaho.

Napatitig nalang siya kay Zach. Fresh na fresh ang itsura nito bagong paligo naka walking shorts lang at simpleng t shirt pero ang gwapo parin nitong tingnan. Kahit siguro butas butas na damit ang isuot gwapo parin ito.

Nag ring ang cellphone ni Zach Kaya nagpasya siyang iwan ito at pumasok sa loob. Nagtungo siya sa banyo para maligo. Paglabas niya ng banyo tiningnan niya ang oras." 10:25 am na pala." Ang haba pala ng tulog niya. Pagkatapos magbihis hinanap ng mata niya si Zach nasa terrace parin ito nakatingin ng malayo.

Nilapitan niya ito." May problema ba, Zach?

Lumingon ito sa kanya." Wala naman.

" Are you sure?

" Yes. " Tumayo ito sa rattan chair." Let's go at gutom na ako." yaya nito sa kanya.

Pagtapos nilang kumain nagtungo sila sa isang souvenir shop.
Nilapitan agad ni Zach ang mga nakadisplay na ternong mga perlas sumunod siya kay Zach. Kumapit siya sa braso nito at naglambing." Zach, bilhan mo naman ako niyan." Itinuro niya ang terno na perlas na hawak nito.

Tiningnan siya ni Zach saka nagtanong sa saleslady." How much is this?

" Five thousand pesos, Sir." Sagot ng saleslady dito. Muling tumingin si Zach sa kanya.

" May gusto kapa bang bilhin?

Umiling siya dito." Wala na."

Ibinigay nito sa kanya ang box kung saan nakalagay ang set na perlas." Thanks Zach.

" You're welcome, Wifey anytime.

" Bumalik na tayo sa hotel room, Zach at aayusin ko pa yung mga gamit natin.

" Sige." Maikling sagot nito sa kanya.

Gabi na ng dumating sila sa Manila. Pagdating sa Penthouse ay agad silang parehong nakatulog dahil sa pagod sa biyahe. Masarap ang tulog niya dahil nakayakap si Zach sa kanya.

Maaga siyang gumising kahit masama ang pakiramdam niya ngayon para ipagluto ng agahan si Zach.
Pagkatapos niyang maghanda ng mesa ay umakyat siya sa taas para gisingin si Zach pero pagpasok niya sa kwarto siya namang labas nito sa banyo nakabihis na. Napatanga siya parang bumalik ulit siya sa pagiging teenager na nakita ang crush niya.

" What? May problema ba sa suot ko?" Tanong nito sa kanya.

" Ha? Wala naman." Para siyang nagising sa isang panaginip ng magsalita ito. " Kain na tayo at kakatapos ko lang magluto.

" Sige mauna kana susunod na ako.

Habang nasa mesa magkaharap sila ni Zach tahimik itong kumakain hindi katulad dati na naglalambing sa kanya.
" Bakit ang aga mo namang gumayak?

" Marami akong gagawin sa office at may meeting sa board ng 9:30 am." Sagot nito sa kanya.

" Ano pala ang gusto mong dinner mamaya? Dadaan ako mamaya sa supermarket."

" Kahit ano. Yung card ko ang gamitin mo sa mga kailangan natin dito.

" Wag na may sarili naman akong card.

" Maddie, wag kanang kumontra ako ang lalaki kaya ako dapat ang magprovide sa mga kailangan natin dito sa penthouse." Matigas na sabi nito sa kanya.

" Okay. " Sabi nalang niya dito para hindi sila magtalo.

Pagkatapos nilang kumain ay naunang umakya si Zach sa taas. Siya naman ang naiwan sa kusina para magligpit ng pinagkainan nila.
Sumunod siya kay Zach sa taas pagkatapos magligpit ng pinagkainan nila para maghanda at papasok na din siya sa boutique. Hustong pagpasok niya sa kwarto siya namang labas ni Zach muntikan na silang magkabungguan.

" Mauna na ako sayo. Hindi na kita maihatid sa boutique at nagmamadali ako." Paalam nito sa kanya.

" Okay." Sabi niya dito sabay talikod dito.

" Wait."  Sabi nito. Nang lumingon siya dito lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa labi ma tinugon naman niya. Nang maghiwalay ang labi nila." See you later, wifey.

Masaya siyang nagtatrabaho dahil maganda ang nangyari sa kanila ngayon ni Zach. Pagkatapos ng meeting niya with client niyaya siya ng client niya na mag lunch. Pagdating nila sa restaurant ay napalingon siya sa pinto ng pagkakainan nila. May lumabas na isang lalaki at babae na nagtatawanan pa kilalang kilala niya ang lalaki dahil iyon ay si Zach may kasama itong magandang babae. Pamilyar ang mukha ng babae sa kanya hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita.

Sinundan niya ng tingin ang dalawa pinagbuksan ni Zach ng pinto ng kotse ang babae. Para namang pinipiga ang puso niya sa nakikita masakit na makita niyang may kasamang iba si Zach at bakas ang saya sa mukha nito. Parang hindi siya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman. Kung gaano kaganda ang umpisa ng umaga niya ay parang gumuho naman ng mga oras na iyon.

Bumalik parin siya sa boutique kahit wala siya sa mood na magtrabaho.
5 pm pa lang nagpaalam na siya kay Nikka na umuwi. Dumiretso siya sa supermarket kahit masama ang pakiramdam niya.
Pagdating niya agad siyang nagluto pagkatapos ay umakyat siya sa kwarto para magpahinga di niya namalayang nakatulog na siya.

Nang magising siya tiningnan niya ang orasan. 8 pm na pero wala parin si Zach. Maingat siyang bumaba sa kama at nagtungo sa kusina para kumain.

Hindi niya alam kung anong oras dumating si Zach kagabi pero paggising niya wala na ito sa tabi niya." Pumasok na siguro." Mahinang bulong niya.
Pababa na siya ng hagdan ng Makaramdam siya ng pagkahilo mahigpit siyang nakahawak sa balustre ng hagdan. Pumikit siya sa pag - asang mawala ang pagkahilo niya pero mas lalo pa yung lumala kaya maingat siya humakbang pababa papunta sa sala.

Humiga siya sa mahabang sofa sa sala.
Marahang napasinghap siya ng may naalala." Oh, my god. " Ngayon niya lang naalala na hindi parin siya dinatnan ng monthly period niya. Imposible namang late lang ang menstruation niya lalo na at maraming beses na na may nangyari sa kanila ni Zach. Tumawag siya kay Nikka na hindi siya makapasok at masama ang pakiramdam niya.

Nakagat niya ang pang ibabang labi habang nakatingin sa pregnancy kit na hawak niya Nanginginig na humugot siya ng hininga.

" It was positive.

Of course. Her period was late kaya agad siyang bumili ng pregnancy kit sa drugstore kanina kung totoo nga ba ang hinala niya.

Hindi kasi siya sigurado kung tama ba ang hinala niyang buntis siya o hindi at nakumpirma nga niya na buntis siya. Hindi niya alam kung ano unang maramdaman.

Yeah, She's happy.  Every woman should be happy. Being a mother is a gift from god. Pero kinakabahan siya. Iba na kasi pag bata ang pinag usapan ibig sabihin din niyon malaki ang responsibilidad na ang nasa kamay niya. Iniisip niya rin kung ano ang maging reaksyon ni Zach. Matutuwa kaya ito pag nalamang buntis siya.

But she still need to see a doctor. Mas maganda kung manggaling mismo sa doctor niya makumpirma. Marahan siyang napangiti habang hinahaplos ang tiyan.

MY WIFE'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon