CHAPTER 12

1.4K 43 4
                                    

Pagdilat niya ng mata mukha ng asawa niya ang nabungaran. Pagtingin niya sa wall clock ay alas 8 na ng umaga tulog parin ang asawa niya. Napangiti siya ng maalala ang ginawa niya Kahapon dito.

Napagod ito sa kakaikot sa mall Kahapon kasama siya. Walang tigil sa kakareklamo habang nakasunod sa kanya sa sobrang dami ng pinamili niya dito. Habang tumatagal na kasama niya sa isang bubong si Maddie unti-unti niya ng tinatanggap sa sarili na asawa niya na ito.
Nasanay na siyang gigising sa umaga na ang magandang mukha nito ang mabungaran niya.

Dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap nito sa kanya at bumaba para magluto ng breakfast.

Malapit na siyang matapos sa pagluluto ng makita niyang pumasok si Maddie sa kusina.

" Zach, Bakit hindi mo ako ginising?" Parang naalimpungatan na sabi nito sa kanya. Nakatabing pa ang buhok nito sa mukha.

Nilapitan niya ito at maayos na nilagay sa gilid ng tainga ang buhok. Nagulat ito sa ginawa niya.
" It's okay, Wifey. Alam kong pagod ka Kahapon saka ikaw ang nagluto ng dinner natin Kagabi kaya hayaan mong ipagluto kita ng breakfast ngayon." Halika maupo ka rito at malapit na akong matapos magluto." Sabi niya rito at iginiya niya ito paupo.

Nang matapos siyang magluto ay naghain na siya.  Garlic fried rice, bacon at egg lang ang niluto niya.

" What do you want coffee or milk?" Tanong niya dito.

" Gusto ko ng gatas." Parang inaantok na sagot nito sa kanya.

Pagkatapos niyang magtimpla ng gatas nilapag niya sa harap nito. Nagsimula na itong kumain parang sarap na sarap ito sa kinakain.

" Hey, gutom ka? Puna niya dito.

" Hindi ba obvious. Pinagod mo ako kahapon parang ayaw ko tuloy umalis ngayon at masakit ang mga paa ko. " sagot nito sa kanya at patuloy paring kumakain" Hindi kaba kakain?? Tanong nito sa kanya ng makitang nakakatitig lang siya dito.

" Nabusog na ako kapag nakikita kitang kumakain." Biro niya dito. Muntikan na nitong maibuga sa kanya ang kinakain nito.

" Hey.." sigaw nito sa kanya.

" Okay. Okay, kakain na po." Nakangiting sagot niya dito.

Mamaya pa sila mamasyal kaya
Pagkatapos kumain pumunta si Maddie sa sala. Pagkatapos niyang magligpit sinundan niya ito nakaupo ito sa mahabang sofa habang nakatutok ang mga mata sa TV. Lumapit siya dito at tumabi sa pag - upo naramdaman niyang lumayo ito sa kanya kaya hinawakan niya ang beywang nito at hinila palapit sa kanya.

" Zach...

" What?

" Bitiwan mo ako." Sagot nito sa kanya. Binitiwan niya ito ng mapansing ang lapit ng mukha nito sa kanya.

" What did you watch? Tanong niya dito.

" It's a variety show, Zach." Sagot nito sa kanya. Napansin niyang namumula parin ang paa nito.

" Masakit parin ba ang paa mo?

" Hindi na masyado." Bakit?

" Still swollen. Let me see it." Sabi niya dito saka dahan dahang inangat ang paa nito. Nagtungo siya sa kusina para kumuha ng maligamgam na tuwalya at ilagay sa paa nito.

" Okay lang ako. Hindi naman masakit kaya bitawan muna yan.

" Let ke take care of you. Kahit ngayon lang wag nang matigas ang ulo at hindi tayo matatapos.

" Sige, ikaw ang bahala." Sagot nito sa kanya." Salamat." Sagot nito sa kanya.

Nakangiti si Maddie habang nakatutok ang mata sa TV. " Zach, Tama na yan gusto kong humiga ." Nakangusong sabi nito sa kanya.
Lumipat siya ng upo sa uluhan nito. Pinaunan niya ang ulo sa mga hita niya.

MY WIFE'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon