Maaga siyang pumasok sa opisina para maayos niya na ang ibang files bago lumipad ng Davao para sa kasal. Hindi niya pa nasabi kay Zach ang pagpunta niya ngayong darating na Thursday at palagi itong busy.
Tumawag si Zach na Hindi siya nito masundo dahil late na itong makauwe dahil may pupuntahan daw ito. Nagpaalam siya kay Nikka at uuwe siya ng maaga at masama ang pakiramdam niya simula kanina paggising niya.
Pagdating niya sa Penthouse. Nakita niyang nakaupo si Zach sa sofa nanonood ng TV.
" Bakit ang aga mo? Akala ko ba may pupuntahan ka? Tanong niya dito.
" Hindi natuloy kaya dumiretso nalang ako sa pag uwe.
" Ganun ba?
" Kumain kana ba? Tanong nito sa kanya habang paakyat siya ng hagdan.
" Tapos na akong kumain sa office.
" Tapos kanang kumain?
" Yes. Ang sabi mo late ka makauwe kaya kumain na ako sa opisina bago umuwi.
Bumaba siya at lumapit kay Zach ng maalala na pupunta pala siya sa Davao this coming Wednesday.
" Zach pupunta pala ako ng Davao ngayong darating na Thursday.
" Anong Gagawin mo dun?
" Kasal yun ng isa sa mga client sa boutique. Ako ang mag coordinate.
" Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Seryosong sabi nito sa kanya.
Nung nakaraang araw ko pa dapat to sabihin pero busy ka. Hanggang sa makalimutan ko nalang.
" Bakit kailangan ikaw pa ang pumunta sa Davao? How about Nikka?
" Hindi pwede si Nikka at may maliit siyang anak na binabantayan kaya ako nalang ang pupunta dun.
" Anong oras ang flight mo papuntang Davao?
"2:30 pm.
" Hindi na kita maihatid at may meeting ako. Tawagan muna lang ako kapag nasa Davao kana.
" Okay. " Maikling sagot niya.
Masama ang mood niyang umakyat sa taas. Tahimik lang si Zach matapos niyang sabihin dito ang pagpunta niya sa Davao. Hindi siya kinikibo.
Inaayos niya ang kaman at nahiga.
Ilang minuto siyang nakatingin sa bubong nang makitang pumasok si Zach sa kwarto. Dumiretso ito sa paghiga patalikod sa kanya. Hindi siya nito pinapansin.Napabuntong hiningang tiningnan ang likod ni Zach. Napailing iling nalang siya saka tumayo saka naglakad papunta sa study table niya. Umupo siya duon at binuksan ang laptop
Nang mabuksan lahat ng email. Ginawa niya ang ibang report.Hindi niya namalayan malalim na pala ang gabi. Nang mag angat siya para tingnan ang oras. Maghating gabi na pala.
Nagmamadali siyang nagpunta sa kama ng Makaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa ulo niya.
" Masakit ba ang ulo mo?
Natigilan siya at mabilis na tumingin sa katabi." Gising ka pa?
Sa halip na sumagot lumapit ito sa kanya at hinilot ang ulo niya.
" Bakit nagtatrabaho ka parin. " Baka ma late ka sa flight mo tommorow.Masuyo nitong minasahe ang balikat niya. Pero nagulat siya ng may lumapat sa labi niya. Mabilis niyang minulat ang mata. Nagtama ang mata nila ni Zach.
" Zach..." Mahinang sambit niya sa pangalan nito.
Ginawaran siya ulit ng halik sa labi at bumulong sa kanya." I'm sorry Wifey, bati na tayo. Hindi ako makatulog kapag hindi tayo nag uusap.
BINABASA MO ANG
MY WIFE'S SECRET
RomanceMaddie is a simple woman who have a dream to have a family that she can take care. Simula ng dumating siya sa pamilya Furrer nagbago ang pamumuhay niya at dun hindi niya akalaing mainlove siya sa nag iisang anak ng mga Furrer na sobrang gwapo at suc...