CHAPTER 10

1.5K 41 1
                                    

Isang linggo na siyang nandito sa Paris naka survive din siya ng ilang araw sa pag iwas Kay Zach kapag narinig niyang dumarating  ito. Mabilis siyang umaakyat siya sa kwarto para matulog tulugan sa umaga naman late siya gumigising tamang tama naman nakaalis na ito.

Masama ang pakiramdam niya simula paggising niya kanina. Pagkatapos kumain uminom siya ng gamot saka bumalik ulit sa kwarto para humiga.

Nagising siya sa ingay ng cellphone. Nakita niyang si Nikka ang tumawag.

" Yes, Nikka. Napatawag ka?" Bungad niya dito.

" I'm sorry, Maddie kung naka disturbo ako sayo pero may importante akong sasabihin sayo.

" It's okay, nikka. Tell me, what is it?

" It's about Ms. Ramirez. Nag complain siya about sa service natin few days ago. Nagkaroon kasi ng problema at Hindi namin naibigay ang gusto niya for their prenuptial shoot. Gusto niyang i refund ang full payment kung hindi daw natin maibigay ang gusto niya. Mag file daw siya ng case against Cozy and Glamour." Mahabang Saad nito sa kanya.

" WHAT?? Are you kidding me, Nikka?" Galit niyang sabi dito

" I'm sorry. Hindi ko nasabi sayo few days ago. Akala ko kasi maging maayos after since nakausap ko naman siya after ng prenup.

" God, Nikka! Alam mo naman kung gaano ka importanteng client si Ms. Ramirez diba? She was recommended one of our biggest client. Isa pa malaki ang mawawala sa boutique kung ibalik natin ang full payment niya. Ano bang ginagawa ninyo, ha? Umalis lang ako hindi niyo na nagawa ng maayos ang trabaho."  Kausapin mo si Ms. Martinez tommorow about sa complain niya. I hope you can settled it, Nikka. Ibigay mo lahat ng gusto niya. Except for the full refund na hinihingi niya.

" Noted, Maddie.

" Email mo sa akin lahat ng contract sa lahat ng  wedding this month including the expenses.

" Okay. I'm sorry, Maddie." Sabi nito sa kanya na umiiyak.

" It's okay.  Wala na tayong magawa nangyari na. I'm sorry sa nasabi ko kanina.

" Salamat, Maddie."

" Nikka, Please I hope this is the last one na mangyayari ang ganitong incident. .

" Okay, Maddie..Pangako hindi mauulit ang ganitong insidente.

" Ayokong mag promise ka. Just do it. Pagkatapos mong i send sa akin ang mga pinagawa ko. Magpahinga kana!

" Maddie.."

" Why? May sasabihin kapa?

" There's another client. Gusto niyang ikaw ang makausap about sa debut ng nag iisa niyang anak.

" Sige, Ibigay mo sa akin ang number niya.  " Tumawag ka sa akin anytime kapag may kailangan ka or sasabihin. Okay.

" Sige po." Ibinaba niya ang cellphone ng mawala sa kabilang linya si Nikka.

Pagkatapos niyang makausap ang client. Bumalik siya sa paghiga lalong sumama ang pakiramdam niya pagkatapos ng pag uusap nila ni Nikka. " Kailangan niya na talaga makabalik ng pilipinas. " Ang tanong? Kailan? Hindi nga niya makausap si Zach at nahihiya siya dito.

Nakita niyang pumasok si Zach sa kwarto pumunta ito sa closet saka nagbihis ng pantulog.
Lumapit ito sa kama kung saan siya nakahiga.
Hindi siya humihinga habang katabi niya si Zach sa kama. Ilang minuto na siyang parang robot na nakahiga hindi siya gumagalaw kahit nakatalikod siya dito ang lakas ng presensya nito parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kabang nararamdaman."Iisipin pa lang niya na katabi niya si Zach sa kama." Makatulog ba siya nito?

MY WIFE'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon