Paglapag ng eroplano kung saan siya nakasakay. Tinawagan niya agad si Zach. Pero hindi niya ito makontak. Ilang beses niyang Tinawagan ang number ito pero palaging out of coverage ang linya. By
Pagdating sa hotel Tinawagan niya ulit si Zach pero ganun parin gaya ng nauna." Baka busy lang sa trabaho."Nagpadeliever siya ng pagkain sa kwarto niya at kumakalam na ang sikmura sa gutom.
Pagdating ng pagkain. Tahimik siyang kumakain at ang sarap ng mga pagkain sa harap niya. Pagkatapos kumain bumaba siya ng hotel at naghanap siya ng Convenience store at gusto niyang kumain ng ice cream. Hindi naman siya nahirapang tuntunin ang tinuro ng isang receptionist at malapit lang naman sa hotel na tinutuluyan niya.Pagbalik ng hotel. Nanibago siya sobrang tahimik namiss niya ang presence ni Zach. Nagpalit siya ng pantulog saka humiga sa kama.
Kinaumagahan maaga siyang gumising. Hindi na siya nag almusal at kailangan niyang tingnan kung okay naba ang mga damit na gamitin para sa wedding. Mabuti nalang at malapit lang ang bahay ng client niya sa hotel na tinutuluyan niya kaya mabilis siyang nakarating.
Tiningnan niya ang mga sizes ng mga long sleeved, coat at pants kung tama ba ang sukat. Pati na rin sa mga abay na babae isa isa niyang tiningnan. Napangiti siya ng makitang tama lahat ang ipinadala ni Nikka.
" Thanks for coming, Ms. Maddie. I really appreciated your good service.
" Your welcome. And thanks for trusting Cozy and Glamour. Ibinigay ko ang personal number ko sa wedding coordinator mo para if in case na kailangan mo ang tulong ko pwede mo akong tawagan.
" Thanks. I will recommend your Boutique sa mga kaibigan ko. " Nakangiting sabi nito sa kanya."
"Salamat.
" Pasensya kana at hindi kita maasikaso. Pag may kailangan ka Sabihin mo lang sa akin. Ako na ang bahalang magbayad sa lahat ng expenses mo habang nandito ka sa Davao.
" Okay lang. Just enjoy on your wedding day that's the best moment in your life." Wag muna akong alalahanin.
" Salamat.
Matapos ma check ang lahat na gagamitin ng mga ito bukas. Nagpaalam na siyang aalis ng makitang okay naman ang lahat.
Kinuha niya sa bulsa ng coat niya ang cellphone pero wala siyang makitang mensahe mula kay Zach.
Pumunta siya sa tabing dagat malapit sa tinutuluyan niya. Tahimik siyang umupo Maraming tao sa tabi ng dagat. Kasama ang kani-kanilang Pamilya. Hindi niya maiwasan ang Makaramdam ng kahungkagan.Nalungkot siya ng maalala ang mga magulang. " Ma, alam kung masaya kana ngayon kung saan ka man naroon kasama si Papa." Palagi ko kayong namimiss." Hindi kayo kailan man nawala sa isip at puso ko. " Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit niyo ako iniwang mag isa ni Papa. Pero salamat at dahil sa inyo naging matatag akong harapin ang mga pagsubok sa buhay ko. Alam ko binabantayan niyo ako. " Ma, Pa, sana kahit sa panaginip magpakita kayo sa akin. Sobrang namiss ko na talaga kayo.
Hinayaan niyang tumulo ang luha sa mga mata niya ng sa ganun maibsan man lang ang kalungkutan na nararamdaman niya ngayon.Ilang oras din siyang tumambay sa may tabing dagat nang maramdaman ang init nagdesisyon siyang bumalik na sa hotel.
Mabuti nalang at may restaurant sa ibaba ng hotel na tinutuluyan niya kaya dun na siya dumiretso.
Pagkatapos kumain umakyat na siya sa kwarto niya para magpahinga.Nagising siya sa katok katok ng pintuan ng unit niya." Sino ba itong kumakatok sa unit niya ng ganito kaaga. Papungas pungas siyang naglakad papunta sa pintuan para pagbuksan kung sinuman ang nambulabog sa mahimbing niyang tulog.
Binuksan niya ang pinto. Nanigas siya sa kinatatayuan niya nga makita kung sino ang nambulabog sa kanya ng ganito kaaga.
" Zach....." Bigla nagising ang natutulog niyang diwa.
BINABASA MO ANG
MY WIFE'S SECRET
RomanceMaddie is a simple woman who have a dream to have a family that she can take care. Simula ng dumating siya sa pamilya Furrer nagbago ang pamumuhay niya at dun hindi niya akalaing mainlove siya sa nag iisang anak ng mga Furrer na sobrang gwapo at suc...