Pagkatapos niyang i review ang files na pinasa ni Nikka sa kanya. Pumunta siya sa sala para dun mag antay ng antok. Binuksan niya ang TV saka komportableng umupo sa Mahabang sofa. Naghanap siya ng magandang channel hanggang tumigil siya sa isang Romantic movie gwapo ang bidang lalaki kaya pinapanuod niya.
Habang patagal ng patagal ang pelikulang pinapanuod. Naintindihan niya ang tema ng buong kwento. May amnesia ang gwapong lalaki at ang babae ay nag claim na asawa nito. Ginawa nito ang lahat para maalala ng asawa. Malungkot siyang ngumiti.
Ang swerte naman ng bidang lalaki sa pelikula. May maganda itong asawa na Gagawin ang lahat maalala lang nito ang pag iibigan nila. Pero nakakalungkot isipin at sa pelikula lang nangyari ang ganun. Sa totoong buhay pag nawala ang alaala mo tiyak iiwan ka ng asawa mo at maghahanap na ng iba.
That's a real life because reality sucks. Nakakalungkot isipin na may ibang tao parin na hindi makontento sa isa.
Nainis na pinatay niya ang TV saka nakasimangot na niyakap ang throw pillow.Wala siya sa mood kaya umakyat siya sa kwarto para matulog. Paniguradong pag uwi ni Zach tapos na itong kumain. Hindi niya namalayan Nakatulog siya sa paghihintay dito.
Kinaumagahan paggising niya wala siyang nakitang bakas na umuwi si Zach kagabi. Ng tingnan niya ang cellphone wala naman itong mensahe. Nag alala na siya dito baka anong nangyari. Hidi siya mapakali sa kakalakad habang hawak ang cellphone hinihintay niyang tumawag si Zach. Pagkalipas ng ilang oras wala siyang natanggap na text o tawag.
Kanina pa siya kinakabahan. "
Binuksan niya ang laptop saka kinumusta si Nikka tungkol sa boutique para malibang ang sarili sa kakaisip Kay Zach." Sana okay lang siya." Mahinang usal niya.Naghahanda siya ng hapunan niya ng marinig niyang bumukas ang pinto ng unit. Lumabas siya ng kusina Nakita niya si Zach na pumasok.
Bakit ngayon ka lang? Tanong niya agad dito ng makalapit siya. Bakit hindi ka umuwi kagabi? Hindi mo ba naisip na may taong nag alala sayo? Sinama mo pa ako dito kung wala ka namang pakialam na may naghihintay sayo." Galit niyang sabi dito.
Galing ako sa office. Sagot nito saka hinubad ang necktie. " May inaasikaso lang.
Hindi ka man lang nagtext o kaya tumawag para hindi ako nag alala kung napaano kana!
" I'm sorry. Late na natapos ang meeting ko with the board directors kahapon. Dumiretso ako sa office hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang daming ginawa. Nawala na sa isip ko na tawagan ka.
." Anong gusto mung kainin? Tanong niya dito. Pinipigilan niya ang sarili na umiyak sa sobrang sama ng loob kanina pa siya nag alala.
" We're going to eat outside.
Natigilan siya sa sinabi nito." Ha?
Sa labas tayo kakain." Nilihis nito pataas hanggang siko ang manggas ng polo nito saka humarap sa kanya.
" Go change.Bumaba ang tingin niya sa damit at napakagat ng labi. "Ikaw nalang ang kumain sa labas. Dito nalang ako kakain.
Kumunot ang nuo nito." Why? Is there something wrong? May nagawa ba ako? At ayaw mong sumama sa akin na kumain sa labas."
Nagtatanong pa kung may problema". Mahinang usal niya.
Mabilis siyang umiling." Wala naman. Wala lang talaga ako sa mood lumabas ngayon."Really." He sounds pissed.
" Wala nga. Umiling pa siya para maniwala ito saka nahihiyang napatungo." Saka Wala akong ibang damit na dala lahat na nilagay mo sa maleta jeans at blouse lahat Nakakahiya sa mga makakita sa atin. Kaya ikaw nalang ang kumain sa labas. Dalhan mo nalang ako." Naiinis na saad niya

BINABASA MO ANG
MY WIFE'S SECRET
Roman d'amourMaddie is a simple woman who have a dream to have a family that she can take care. Simula ng dumating siya sa pamilya Furrer nagbago ang pamumuhay niya at dun hindi niya akalaing mainlove siya sa nag iisang anak ng mga Furrer na sobrang gwapo at suc...