Pagdating nila sa Resort. Hinatid sila ng staff ng resort sa suite na nakareserve sa kanila.
Pagpasok nila sa room ay tumakbo agad si Maddie sa terrace. Kung saan nakikita ang dagat.
" Zach, come here." Nakangiting tawag nito sa kanya bakas sa mukha nito ang saya. " Ang ganda ng view dito.Pagbaba niya sa mga gamit lumingon siya sa staff na naghatid sa kanila at tumulong sa pagdala ng mga gamit nila paakyat. " Salamat.
" You're welcome Sir. Enjoy your stay here. Pag may kailangan kayo tumawag lang kayo sa receptionist." Sabi nito sa kanya saka nagpaalam na babalik na sa area.
Sumunod siya kay Maddie na nasa sa terrace hindi mapuknat ang mga ngiti nito sa labi pagkalapit niya dito yumakap agad ito sa kanya niyakap niya din ito. Nang dumako ang mga mata sa labi nito ay para itong nag-ayaya ng halik ang natural na mapulang labi nito na hindi niya kayang tanggihan.
Hinalikan niya ito sa labi ramdam niya ang init na pagtugon ni Maddie. Nang maghihiwalay ang kanilang labi ay hingal na hingal siya. "
Pagkatapos ng maiinit ng paghihinang ng kanilang mga labi ay naisipan niyang tuksuhin ang asawa.
" You can't get enough with me ha."" Hehh....." Sagot nito sa kanya saka bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at nagmartsang bumalik sa loob ng room nila.
Nakangiting sinundan niya ito sa loob. Nakaharap ito sa laptop ayaw niya itong isturbuhin kaya pumasok siya sa banyo para makapag shower.Paglabas niya ng banyo narinig niyang may kausap ito sa cellphone. Nang makita siya nitong lumabas mabilis itong nagpaalam sa kausap at agad nitong binaba ang cellphone.
" Sino kausap mo, wifey?"
" Si Nikka may tinanong lang ako.
" Ahh okay. Magbihis kana at mamasyal tayo. Sabi niya dito pagkatapos magbihis."Sayang naman ang oras kung dito lang tayo sa loob. Pero okay lang din naman sa akin dito lang tayo sa kwarto." Pilyong sabi niya dito pero inirapan lang siya nito.
" Paano yon? Wala akong dalang swimsuit. Hindi mo naman sinabi na magdala ako.
" Bibili nalang tayo sa labas. I'm sure marami diyan ang nagtitinda.
" Sige.
Niyaya niya itong pumasok sa isang souvenir shop. May nakita siyang nakadisplay na bathing suit na agad namang kinuha ni Maddie at itinapat nito sa may dibdib at saka humarap sa kanya.
" Pwede na ba ito? Tanong nito sa kanya.
" Yes. " Maikling sagot niya.
" Ikaw may dalang kabang kabang shorts na pampaligo?
" Wala pa.
Lumapit ito sa kanya na may ipinakitang shorts." Okay naba to sayo?
" Okay na yan.
Pagkagaling nila sa shop ay niyaya niya itong mag meryenda. Napansin niyang marami itong inorder.
" Gutom ka?"Tumango tango ito sa kanya.
" Ngayon lang kita nakitang kumain ng ganyan karami.
" Ewan ko ba nitong mga nakaraang araw sarap na sarap akong kumain. Nadagdagan na tuloy ang timbang ko.
Tiningnan niya ang mukha nito." You look more beautiful when you gained weight, Wifey.
" Ayyy suss... Bolahin pa ako. Kumain ka nalang at gutom lang yan.
Pagkatapos nilang mag meryenda ay namasyal pa sila. Bandang hapon ng magyaya si Maddie na magpalit ng pampaligo at gusto raw nitong magswimming sa dagat.
BINABASA MO ANG
MY WIFE'S SECRET
RomanceMaddie is a simple woman who have a dream to have a family that she can take care. Simula ng dumating siya sa pamilya Furrer nagbago ang pamumuhay niya at dun hindi niya akalaing mainlove siya sa nag iisang anak ng mga Furrer na sobrang gwapo at suc...