Kabanata 9

11 2 0
                                    


Si Magayon at
ang Lakan Isug
________________

Kabanata 9

NAGISING SI Magayon sa isang panaginip. Iyong paulit-ulit na panaginip na halos makabisa niya na ang mga pangyayari.

Maglalakad siya sa kagubatan, malamig at madilim tapos makikita niya ang nakatalikod na bulto ng lalaking matipuno na tila isang mandirigma. Aabutin gamit ang kanang kamay niya ang balikat ngunit nang malapit niya nang maabot, matutunghayan niya ang nakakagulat na pagsulpot ng isang ahas. Magdidilim ang lahat matapos iyon kasabay ng pagsigaw ng isang lalaking bumulabog sa buong kagubatan.

Napalingon si Magayon sa katabi niyang ginang na si Lualhati. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Napangiti siya at hinawi ang nakaharang na buhok sa gilid ng mukha nito.

May ingay na batid niyang mula sa nangangalikot sa mga kasangkapang pangkusina.

Maingat siyang tumayo at naglakad patungo sa lugar na pinagmumulan ng ingay.

Gumalaw ang palayok at natumba sa lababo ngunit wala siyang nakitang kahit anong bakas ng tao.

Nagtaka siya. Pinalibot niya ang tingin sa paligid ngunit walang bakas ng tao o anumang kahina-hinalang pinagmulan ng ingay.

Napa-aray siya nang biglang makaramdam na may kumagat na insekto sa kaniyang binti.

Tinignan niya ang binti at bumuntong-hininga. Hinabol niya ng tingin ang makulay na insektong lumilipad palayo ngunit may ibang nakaagaw ng pansin sa kaniya sa pintuan ng kusina.

Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Dalisay na may hawak na kahoy at sa posisyon nito ay tila handang manakit. Napahawak siya sa dibdib at nagtaka sa inaasal ng batang lalaki.

Ngunit si Dalisay at ang reaksyon nito ang tila palaisipan. Tila nababaliw na ito o nakakita ng multo.

Napalunok siya. "A-Anong nangyayari, D-Dalisay?"

Sa kaniyang sinabi ay tila nauubusan ng hininga ang kaharap niyang nanatiling nakaistatwa at hindi na nakapagsalita.

"A-Ate?" may pagdududa nitong sabi. Naisip niya tuloy na nakalimutan na siya ni Dalisay dahil kung makapagsalita ito ay akala nito nagbago ang mukha niya. Nagbago nga ba?

Kinapa niya ang mukha at tinignan ang mga palad. Nang makitang wala namang bago ay tiningala niya ang umiiling-iling na si Dalisay.

"Oo, Dalisay. A-Ako 'to, si Magayon. Ang iyong pangalawang ate," nagniningning ang kaniyang mga mata sa tuwa ngunit hindi niya maibsan ang pagtataka kay Dalisay.

Bigla na lamang sumigaw ng nakabibingi ang bata na nabulabog nito ang nahihimbing na inay at nagsusuyuang magkasintahan sa labas.

Dumalo naman agad ang mag-ina pati sila Kamagong. Nag-aalalang niluhuran ng inay ang bata at sinapo nito ang may katabaang mga pisngi ang bata.

"Bakit, Dalisay, anak?"

Kahit na tinanong na ng inay ay hindi man lang nagawi sa iba ang tingin bukod kay Magayon.

Ano bang nangyayari at nagkakaganito itong si Dalisay. May mali ba sa sinabi ni Magayon? Natakot ba ito sa boses ni Magayon e napakalambing nga ng boses niya?!

"Si A-Ate Magayon!" tinuro pa ng bata ang dalaga. Napahawak naman sa dibdib ang daragang magayon at sinulyapan ang mga nakatitig na halatang nagtataka sa kung anong nangyayari?

"Anong mayroon kay Ate?" masuyong sabi ng inay sa anak.

"Nakakapagsalita po siya!" hindi makapaniwalang nagbugahan ng hangin ang tatlo.

Si Magayon at ang Lakan Isug  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon