Si Magayon
at ang Lakan Isug
___________________Kabanata 13 (3/3)
MAKALIPAS ANG matagal na pagba-biyahe sa dagat papunta sa dating nayon sa pagligtas sa ina ng kanilang tahanan ay nakadaong na rin ang bangka sa lupain.
Ilang hakbang pang paglalakad ay natanaw na nila ang dating nayon na nakilala nilang maberde at makulay ngunit ngayon, tila dumaranas ng tag-tuyot ang kanilang nayon. May nakikita rin silang naghihikahos sa gutom na mga kababayan.
Nang tignan nila ang maliit na sapa ay wala na iyong tubig, tila baga patay na at nakiayon sa dinaranas na pagdurusa ng mga taga-nayon. Mas naghirap tuloy sila.
Nagkatitigan silang apat at nagsalit-salit ng mga mungkahing pagtulong.
"Kanan, Kaliwa, kayo ang magmando kila Masagana at Dalisay. Tumulong na rin kayo sa pagsasalin ng tubig at paghahanap ng ulam." iyon ang naging huling pasya at nanggaling iyon kay Apitong.
Tumango nang salitan si Kaliwa at Kanan saka iginiya pabalik sa nakita nilang sapa kanina nag magkapatid upang magsalok ng tubig para sa mga nangangailangan ng maiinom.
Mariing pinagmasdan ni Magayon ang mga lalaking nakabalot ng itim na tela ang katawan.
Sila pihado ang dahilan kung bakit nagdurusa ang mga taumbayan. Nakagapos ang mga tao na tila baga alagang hayop lamang. Mga halang ang kanilang sikmura! Paano nila naatim na magpahirap sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanila.
Ano?
Katuwaan lamang ba kung ituring ang pagdurusa ng iba? Maituturing pa ba silang tao kapag ka-ganun sila ka-sama?
UNTI-UNTI, tila nabubuhay ang hanging matagal nang hindi naramdaman ng mga nandirito.
Tila rin isang panaginip na lumalambot ang mga natuyot na lupa. Ang dating mga abong bumabalot sa ilang bahagi ng nakadapang katawan ay nababasa't naging putik.
Bumubulong ang hangin ng pagbabalik-buhay sa mga punong sumasayaw na sa saliw nito at nagbeberde na nang paunti-unti.
Ang direktang pagsilaw ng araw sa nayon ay unti-unting nababawasan sa pagpagitna ng kaulapang namumuo roon sa alapaap.
Umitim ang kalangitan, itinago ang sobrang sikat ng araw sa likuran at saka bumuhos ang malakas na pag-ulan na bumasa ng pag-asa sa kalupaan.
Sinabihan ni Apitong si Magayon na sumilong sa ilalim ng malaking punong nakita nito. Sumunod naman siya nang walang pagdadalawang-isip dahil ayaw niyang mabasa nang tuluyan. Ganundin ang ginawa ng mga nakaitim na lalaki. Samantalang hinayaan nilang magdiwang sa pagkakabasa ang mga matagal nang namatayan ng pag-asa sa kani-kanilang sistema.
Tinignan ni Magayon ang gawi kung saan niya huling nakita sina Dalisay at Masagana upang kumuha ng tubig.
Kataka-taka para sa marami na tanging ang nayon lamang ang nauulanan gaya noon na ito lang ang dumaranas ng tag-tuyot. Ang hiwaga nitong taglay ang mas nagparamdam sa mga taga-nayon na may himala at totoong may Panginoong mahabagin.
NANG BIGLA, isang sigaw ng pagsaklolo ang umalingawngaw kahit pa malakas na ang bugso ng pag-ulan at paghangin. Narinig nila iyon lalo na ang nagpapantig ang mga taingang si Magayon. Mababasa man kung aalis sa pinag-sisilungan, nagpatuloy siyang sundan ang pinagmulan ng boses na iyon.
May malayo-layong pagitan ang paglisan ni Magayon sa pagkakapansin ng dalawang lalaki sa pagtungo nito sa kung saan. Nang mapansin nga iyon, agad nilang sinundan ang lumiko pa-kanan na dalagang hindi man lang nagpaalam sa pag-iwan sa kanila at hindi nila alam anong dahilan nito.
ISANG HIYAW muli ang umalingawngaw sa paligid nang matapatan na nila ang pinto kung saan pakiramdam nila Apitong pumasok ang daragang magayon.
Kinalabog niya ang pinto nang malakas na kinain lang ng ingay na ginagawa ng hangin at ulan. Muli niyang kinatok ang pintong kahoy ngunit wala pa ring tumugon at nagbukas ng pinto.
Nainip siya kaya sinipa niya na iyon. Agad namang tumaob sa lapag ang pinto na nagkalat tuloy sa mga abo palipad sa hangin.
Ngunit kataka-takang wala namang tao sa loob ng bahay. Tanging ang mga kadalasang gamit sa isang kubo ang kanilang nakita.
Nagkatinginan si Apitong at ang lalaki para magbahagi ng kalituhan at pag-aalala.
"Hanapin natin si Magayon! Magmadali!" utos niya rito habang iniisip niya ang kaligtasan ng ate ng nobya ng kaniyang Kuya. Maging si Masagana at Dalisay ay inalala niya ang kalagayan. Huwag naman sanang nasa panganib ang tatlong iyon. Iyon ang bulong ng kaniyang sistema sa kawalan, nananalanging hindi nga talaga maranasan nilang tatlo ang pagdurusa.
Nang magpunta si Apitong sa kabilang bahay, kinalabog niya muli iyon at nang muling mainip, sinipa na naman niya ang kawawang pinto ng kawawang may-ari ng bahay.
Ngunit nagulat siya nang ang makita niya ay pamilyar na mukha ng isang may katandaang ginang. Ang inay nila Dalisay at Masagana! Si ginang Lualhati!
Agad siyang lumapit at itinayo iyon sa pagkakahandusay sa lapag habang nakagapos ang paa at kamay sa upuang kahoy na pang-isahan lang.
Tinanggal niya sa pagkakatali ang katawan nito habang naririnig ang mahihinang iyak nito sa kaniya upang i-kwento sa pamamagitan ng paghagulgol ang dinanas nitong hirap sa kamay ng mga walang magawang lalaki. Hindi niya naman maintindihan ang kung anong pinagsasabi nito dahil halos hindi na maayos ang pagbigkas ng ginang sa mga salita.
Nang makalabas sila at pakiramdam niya na kalmado na ang kinakabahan nitong sistema ay pinainom niya nang mabagal ang ginang sa inumang kahoy na sadyang inukit ng mga taga-lakanato. Isa iyon sa mga hanapbuhay ng mga taga-roon, ang maghulma ng iba't ibang kasangkapan upang maibenta sa talipapa.
Mabuti na lang at nakinig naman si Lualhati sa payo ni Apitong na uminom nang marahan upang hindi mabulunan. Isa si Lualhati sa mga matatanda ngunit nirerespeto ang mga opinyon ng mga bata. Sana lahat ng matanda ay ganun. Handang makinig kahit man lang sa mas bata ang gulang at pinagdaanan kaysa sa kanila.
LUMIPAS ANG mga araw na hindi kumakain si Magayon at himalang hindi siya nakakaramdam ng gutom, ni-uhaw man lang.
Nakakulong siya sa malawak na tahanan ng isang negosyante upang sundin ang naisin nitong mapalago ang negosyo ng walang awang si Pilak sa pamamaraan ng paglabas sa kaniya sa madla. Ang kaso, hindi siya pinahintulutan ng pagkakatoan at pagsuway ni Magayon.
"Kumain ka na, pumuputla ka na. Ang pangit mo na tignan!" galit na singhal ni Pilak sa kaniya.
Umiling lang siya bilang tugon dito.
Pa-bayolenteng bumuntong-hininga si Pilak sa hangin at umiling. Nandilim ang paningin ng barumbadong ginoo sa kaniya at nang makahawak ng bangang putik ay agad iyong binasag sa batok ni Magayon. Hindi pa ito nakuntento sa pananakit at sinundan pa ng tatlong beses na pagpalo sa ulo.
Dala ng gulat sa ginawa ay hindi man lang nakakilos upang umiwas si Magayon. Paglingon niya kay Pilak na ang sama ng tingin sa kaniya habang hawak ang natirang piraso ng basag na na banga. Samantalang nakakalat sa lapag ang mga piraso ng bangang may bahid ng kaniyang dugo.
Naghihikahos sa hangin habang dinarama ang pagdaloy ng dugo palabas sa kaniyang nasugatang ulo dahil sa paglapat ng matalim na piraso ng banga, namumungay ang mga mata ni Magayon na para bang hinihila siya ng antok upang mahimbing.
Sapo ang kumikirot na sentido, nawalan siya ng balanse sa pagkakaupo at humandusay sa malamig na napatuyong lupa. At sinagot ng pagpikit nang marahan ang tawag ng antok sa kaniya.
***
SoFluvius
Dito na nagtatapos ang unang bahagi ng kwento. Naging mabagal ang usad ng kwento at marami ring kakulangan ang kontent nito pero sana magawa ninyo pa ring suportahan ang istoryang ito.

BINABASA MO ANG
Si Magayon at ang Lakan Isug
FantasyDinala siya ng kaniyang mga paa patungo sa mataong lugar na walang kahit na anong parte niyon ang naalala niya mula sa kaniyang pagkatao. Mas ikinakaba niya pa lalo ang katotohanang may mga taong nagmamasid sa kaniya na tila ba hindi titigil sa naka...