Si Magayon at
ang Lakan Isug
_______________Kabanata 12
NAKABUKAS NA ang tarangkahan ng tahanan ng lakan. Naroon sa gilid ng daan na-aabang ang kaniyang minamahal na taumbayan. Lulan ng isang kabayong kayumanggi, sinimulan niyang lumabas sa lupain niya at pagmasdan ang nag-aabang na mga tao sa pagbabalik niya.
Mabagal ang pagmamaniobra niya sa kabayo na pabor sa ibang nais sulyapan ang lakan nang matagal.
Naghiyawan ang lahat at isinigaw ang kaniyang pangalan.
"Mabuhay si Lakan Isug! Mabuhay!"
"Lakan Isug, kung may oras kayo ay sana ako ang paglaanan ninyo!" sigaw ng walanghiyang babae. Nagtawanan ang lahat dahil dito. Nilingon niya ito at kinindatan. Halos mahimatay naman ito sa panaginip nitong natupad na mapansin ng lakan.
"Nawa'y magkasilbi na siya. Maglingkod na talaga sa bayan gaya ng kaniyang namayapang ama." bulungan ng mga matatanda.
"Tama ka riyan. Isipin mo, halos simula ng pamumuno niya ay nilaan ang oras sa pagtuhog sa mga anak ng babaylan."
"Baog yata si Lakan Isug, wala pang anak sa daming natuhog niya!" natawa ang matandang lalaki sa pagbibiro niyang iyon.
"Naku, hindi natin tiyak iyan! May kasabihan na kung hindi makikita ng iyong dalawang mga mata, hindi mo marapat paniwalaan!" makahulugang sabi ng matandang biyuda.
"Yay ka na, may asim pa siya!"
"Yawa..." natigil ang mga matatanda ng sambitin iyon ng pasaway na dalagita.
"Aba! Bastos kang bata ka!" tinangka nilang habulin ang pasaway na dalagita ngunit dahil sa katandaan ay hindi na nila nagawa pa.
Ang pag-aabang sa lakan ay ang nais matunghayan ng mag-anak lalo na ng inay nila Dalisay. Ito kasi ang nagbayad sa kanilang lupain at siyang tumulong sa pagpapagawa ng tahanang kinasasadlakan nila. Nais niya lamang makapagpasalamat at makiisa sa pagpuri sa butihing lakan.
Ngunit hindi umayon ang tadhana sa kanila.
"Anong oras na!?" halos mabaliw na sambit ng inay nila na bumulabog sa kanila.
"Walang katiyakan ngunit tiyak kong umaga pa lamang po, inay." pamimilosopo ni Dalisay.
Sinamaan lang ng tingin ng inay si Dalisay. Nagtawanan sila. "Bakit po ba tila may nalimutan kayo?"
"Hindi niyo rin naalala! Ngayon ang pagbabalik ng lakan! Kailangan nating magpasalamat sa kanila!"
Nagkatinginan ang tatlong bata at nanlakihan ang mga mata nang maunawaan ang tinuran ng inay.
"Hala! Oo nga pala!"
"Hindi agad sinabi ni inay, nahuli tuloy tayo ng gising!" natatawang pabirong paninisi ni Masagana sa inay.
Pinalo nang marahan at pabiro ng inay ang anak niyang dalaga.
"Bakit ako pa ang may kasalanan? Bakit tila kasalanan ko pa?!"
"Tama na ang pag-uusap! Magsiligo na tayo!"
Tila nakarinig ng kung anong salita mula sa hindi nila inaasahang bubuka ang bibig upang magsalita. Tumili si Masagana dahil si Magayon ang nagsalita.
Paanong nakapagsalita si Magayon? Imposible!
Totoo kaya ang sinasabi ni Dalisay na hindi natin pinaniwalaan? Wala naman kasing matibay na ebidensya. Totoo naman kaya?
BINABASA MO ANG
Si Magayon at ang Lakan Isug
FantasyDinala siya ng kaniyang mga paa patungo sa mataong lugar na walang kahit na anong parte niyon ang naalala niya mula sa kaniyang pagkatao. Mas ikinakaba niya pa lalo ang katotohanang may mga taong nagmamasid sa kaniya na tila ba hindi titigil sa naka...