Kabanata 11

13 2 0
                                    


Si Magayon at
ang Lakan Isug
________________

Kabanata 11

"YAN! GANIYAN nga, Dalisay. Marahan lamang sa paglapat sa nagsusugat na bahagi." puri ni Isug sa bata. Ngumiti naman ito sa kaniya at ginawa ang kanina pa sinasabi.

"Paulit-ulit mong gagawin iyan. Maliligo muna ako. Masyado na akong pawis."

Tinignan ni Dalisay si Isug na tila palaisipan sa bata ang kanina niya pang naaamoy.

"Bakit po ba kayo pawisan?" tanong nito sa matipunong binata. Napamulat tuloy ng mga mata si Magayon at pinagmasdan ang lalaking halata ang pagkagulat sa mukha.

"A-A, nagbanat ng buto lamang, Dalisay. Diyan lamang sa aking bakuran, naglalakad-lakad at nagtatalon-talon." nakangisi niyang sabi saka sumenyas sa likuran nya, nagpapahiwatig na pupunta na sa palikuran. "Kung may kailangan pa kayo, nasa palikuran lamang ako. Kumatok na lang kayo sa pinto at maghintay."

Bumuntong-hininga ang binata matapos iyon sambitin.

Lumabas siya ng bahay at naglakad papunta sa palikuran. Tanging ang itaas ng palikuran ay ang natitirang siwang nito.

Habang naliligo ay iniisip niya ang maamong mukha ng daragang magayon at ang halimuyak nito. Gayundin ang taglay nitong hiwaga. Hindi nakakapagsalita o hindi kaya ay nasusumpungan na lamang bigla ni Dalisay ang pagsasalita nito. Ito lamang ang nakaririnig ayon pa sa bata. Kaya nga raw ayaw maniwala ng ibang nakakatanda.

Ngunit paano namang narinig niyang nagsalita ang dalaga? Hindi tiyak inaasahang may makakarinig na iba. O tinadhanang marinig din niya ito.

Ang sigaw nitong tila mula sa isang diwatang nagngangalit sa nararamdamang sakit. Ganun niya ilarawan ang narinig na sigaw.

Naalala niya ang babaeng laging laman ng kaniyang panaginip nitong nakaraang mga taon pa.

Pagmulat niya ng mga mata ay matutunghayan niya ang sariling nakahandusay sa masukal na gubat. Umiikot ang kaniyang paningin ngunit batid niya na ang nakikita niya ay mga sanga at dahon. Nakatingala siya habang nakatihaya ng higa.

Marahan na lamang susulpot sa kaniyang paningin ang isang dalagang hindi niya matanto ang mukha dahil malabo.

Nang aabutin niya na ang mukha nito ay bigla namang maglalaho ang lahat, papalitan ng dilim at magigising na siya mula sa isang panaginip.

Nang matapos na siyang naligo at nakapagbihis ay agaran niyang tinungo ang tahanan. Naabutan niya ang batang kinakausap ang dalaga.

"Nangyari naman na. Natapon na ang palayok na naglalaman sana ng kakainin nila kuya ngunit wala na naman tayong magagawa, hindi ba, ate? Kaya hayaan na lamang natin at magpalipas tayo ng tanghali rito. Kunwari ay may nadala tayong pagkain kila Kuya." patango-tango pa ang bata habang minumungkahi ang mga ito sa dalaga na parang iyon ang mabuting gawin nila.

Lumapit naman si Isug upang manghingi ng tawad dahil batid niyang kasalanan iyon ng kaniyang kambing.

"Paumanhin sa nagawa ng aking alagang kambing, Dalisay, Magayon. Hayaan niyo akong bumawi sa nagawa ko."

Tumingin naman ang dalawa sa kaniya. Nakita niyang timignan siya ni Magayon kaya nilingon niya ito ngunit agaran din ang pag-iwas nito ng tingin.

"Ayos lamang po. May naisip naman na akong gagawin namin upang hindi mabuko kaya wala ng dapat ipag-alala pa, Manong Isug."

Naisip niya ang kapatid. Pabida ang kaniyang kapatid na pinagsabi pa ang ginagawa niyang kabalbalan kaya pinalayas niya. Alam niyang masamang gumanti ngunit kung itong magandang dilag ang dala ng kaniyang pinalayas na kapatid, mukhang wala namang masamang dulot ito sa kaniyang buhay.

Si Magayon at ang Lakan Isug  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon